After ng ilang minuto na pagmamaneho na walang tiyak na patutunguhan, nasumpungan ko na lamang na nagmamaneho ako patungo sa Baguio Cathedral. Ilang minuto pa ang itinagal ko sa loob ng SUV ko bago ko mapagdesisyunang bumaba na sa sasakyan ko at pumasok sa loob ng simbahan. Umupo ako sa bandang likod kung saan madalas akong pumwesto noon pag nagpupunta ako dito. Kung saan din kami madalas umupo nina Janus at Roy pag nagsisimba kami. This place has always been my refuge dito sa Baguio bukod sa Burnham Park noong mga panahon na magkakasama pa kami nina Janus at Roy. This is where I find peace pag magulo ang utak ko at nagkakatampuhan kami ni Janus noon bukod sa Burnham Park. At dito din nagpropose sa akin noon si Janus ng kasal. Hindi man kami nagkaroon ng engrandeng engagement pero masayang

