"How was your day, Bebe ko?" Bungad na bati sa akin ni Janus. Hinalikan pa niya ako sa noo ko then sa labi ko. Andito kami ngayon sa kwarto namin sa bahay nila. Bahay namin pala. Ah basta dito sa bahay na pagaari nina Mama Evelyn at Papa Ben. Dito na kami tumuloy kanina ni Mama Evelyn after naming maglunch kasama si Ric at after naming ihatid si Ric sa tailor shop na tatahi ng suits ni Janus pati na ng mga male entourage saka ng sponsors. Hindi na kami bumaba ni Mama Evelyn kahit na gusto kong pumasok sa shop dahil nakita ko sa parking lot ang kotse ni Bebe Janus ko at ni CJ. Ayaw ni Mama Evelyn na bumaba kami at makita sina Janus, CJ at Papa Ben dahil dapat daw sa mismong araw ng kasal namin ni Janus pareho naming makita ni Janus ang wedding gown ko na suot ko at suit na suot naman ni Be

