Nakalabas na si Grace ng waiting lounge ay hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa nakasaradong pintuan kung saan lumabas si Grace kaya nagulat pa ako ng magsalita ang Mama ni Grace. "Thank you, Celine." Ani ng Mama ni Grace sa akin at niyakap niya ako na mas ikinagulat ko. "I want to assure you na sincere si Grace sa pagsosorry nya sayo. She may be a spoiled brat pero once na nagsorry siya, she really means it." Dagdag pa niya. "Thank you din po, Ma'am." Tugon ko. "Tita Graciella. Call me Tita Graciella, Celine." Pagpapakilala sa akin ng Mama ni Grace. Tinignan ko si Mama Evelyn at tinanguan niya ako bilang pagpayag na tawagin kong Tita Graciella ang Mama ni Grace. "Thank you po, Tita Graciella." Nakangiti kong saad. "I hope one of these days makapag dinner tayo before ng weddin

