Chapter 9 - Baduy

1305 Words
"Hello po sir Migs, good morning po." sagot ng tauhan namin sa Ricemill ng tinawagan ko.Iilan lang silang nakakaalam sa ugnayan ko sa Ricemill kung saan ako nag tatrabaho. at isa na siya sa mga iyon. May dahilan ako kaya ko itinatago pansamantala ang aking identity. Ngayong araw na ito ay special na araw para sa akin. Dahil ngayon lang naman ang araw ng first date namin ng Honey, My Love, so sweet ko, at excited ako syempre. Pero narito pa naman ako sa living room ng bahay namin. I settled everything first to make sure that there was no interruption during our date from the beginning until the end of this day. Madaling araw palang naman, exactly 4 o'clock in the morning. Most of Ricemill's usually opens twenty-four hours a day, seve times a week, but half day every Sunday, kaya ok lang tumawag ng ganitong oras sa office. "Good morning din. Rico." ganting bati ko sa kanya. "Napatawag po kayo sir. May problema ho ba. O may ipag uutos po ba kau?" sunod sunod na tanong niya sakin. "Wala naman. Gusto ko lang i check kayo dyan, if everything's okay." "Wala naman pong problema Sir. Maayos pong gumagana ang mga makina natin for rice and corn milling at we make sure po na walang inaantok sa mga workers natin lalo na po production. We offered coffee and cookies po to make sure of that." "Good to hear that." "Sa mga kargador sir,narinig kong hinahanap ka nila. Marami po kasing na-a-amaze sir sa lakas niyo pag dating sa pagbubuhat, dami pang naghahanap na mga girl buyers sa inyo sir at nirerequest pang kayo raw po ang gusto nilang magkamada ng mga pinamili nila. Ang gaganda pa naman ng mga chicks sir." mahabang paliwanag nito ang babae nga naman. "Sana all hinahanap." dinig ko na natatawang komento ng kapatid na parang kabute na bigla nalang sumulpot sa kong saan. Sinenyasan ko itong magstay muna at tumahimik. "Hayaan mo sila alam mo na kung paano sila pakikitunguhan." babae nga naman sa isip isip ko. "Basta ang mga bilin ko tandaan mong mabuti wag mong kakalimutan, para hindi tayo magkaproblema. Mag de day off muna ako ngayon. Alagaan ang mga buyers ah. Make sure na naibibigay sa kanila ang tama bilang at klase ng order nilang bigas . Double check nio, kung kinakailangan." "Noted po sir." "Ok, thank you.Pag nagkaproblema sa makina, call your ma'am Meisha immediately." sabi ko sa kausap ko na sinulyapan din ang kapatid ko na nasa sofa. "Yes, sir. Areglado po." "Okay, Ibababa ko na ang phone." pinatay ko na ang phone at ang kapatid ko namang si Meisha ang hinarap ko." "Bakit ako ang tatawagan pag nagkaproblema sa machines kuya?" tanong kaagad niya sakin pagkapatay na pagkapatay ko ng phone ko, pero wala naman sa tono niya ang nagrereklamo. "The last time I checked, hindi naman ako nakaassigned don. May tao tayo para dyan at may maintenance naman to always check the the status of our machines, there" "I know mas maganda pa rin kasi na hands on at aware tayo sa mga nangyayari sa businesses natin." paliwanag ko sa kanya na tumabi narin sa pag upo kung saan siya naroon."Alam mo yan." "Ok." halatang nakukulangan pa sa paliwanag ko dito o may ine expect lang na marinig."Alam ko namang sisiw lang sayo ang mga ganoong bagay Bunso." inakbayan ko siya ay pinisil sa balikat. "Compliment ba yan kuya, o baka may kailangan ka lang sakin." "Pwede bang both?" sagot ko sa kanya "Alam kong kayang kaya mo yon ikaw pa ba? Manang mana ka sakin eh." sabay hawak ko sa ulo niya. "Kuya naman ginigusot mo naman ang buhok ko eh, alam mo namang baby ko to." simangot na reklamo ng kapatid ko tumayo pa at nagpapapayad. "Hey, sorry." natatawa kong sabi. Natitigilang napatingin ang kapatid ko sakin. "Ano? Para kang nakakita ng multo dyan." "Kuya, napansin ko lang ang ganda ng pormahan natin ngayon ah. Dati rati ang badoy mong manamit, ngayon nagmumukha kang tao. Saan ba ang lakad mo ngayon, ang aga pa naman para mangligaw." nangingiti paniyang wika na sinalat pa talaga ang noo ang leeg ko. "Nilalagnat ka ba." "Ang galing mo talagang manghula. May date ako. And I'm excited." "Kilig to the bone ka naman." "Ayos lang ba ang get up ko bunso, hindi ba ako mapapahiya nito?" "Naku naman kuya, ok na ok hindi kana mapagkakamalang kargador ng RICEMILL, magtiwala ka nalang sa gandang lalaki mo.Saan ba kasi ang lakad? "Church with someone" "Church baka naman masunog ka don." mukhang gulat na gulat pa tong kapatid ko as if ngayon lang ako papasok ng simbahan. "Tssss... wag ka ngang ganyan bunso." "Nagkabalikan na ba kayo ulit ni ate Jaycel?" tanong niya ulit. "Hell no, hindi naman naging kami non and you know that, kaya walang balikang mangyayari kasi umpisa palang wala naman talagang naging kami." "Bunganga mo kuya, why did you shout on me at nagmura ka pa. Need mo na talagang magpunta ng Church para mabawasan man lang kahit kaunti ang mga kasalanan mo." ngiwi niya sakin. "I'm sorry Bunso. Kaw naman kasi." hingi kong paumanhin. "Ok sorry din, wala nman akong gaanong alam sa status niyo, pero halata namang ayaw mo sa kanya. Nakakaintriga lang sino kaya itong girl na kinalolokohan mo ngayon." " Don't worry Makikilala mo rin siya one of this days." "Sige sabi mo eh, you've changed a lot at magandang sign yan. Wish ko na maging masaya ka kuya, deserve mo yon." "Thanks Bunso, kaya lang ayaw pa paligaw. Kaya babakuran ko muna." "Pero bata pa naman tayo kaya wag masyadong magmadali." "Look who's talking" wika kong ikinatawa nia. "Syempre iba ang case ng sakin, kailangan ko bakuran, baka mapitas ng iba eh, masyado pa namang pakipot." "Anong mapitas baligtad naman kasi dapat ikaw ang binabakuran, hindi ikaw ang babakod " "Ay ganon ba yon? Utusan mo kasi kuya, na bakuran ako, at baka mapitas kamo ako ng iba. O kaya baka mainip ako at kusang magpapitas sa iba, para magkaroon naman siya ng kaba." sarap ng ngiti nito "Ewan ko sayo puro ka kalokohan. Alis na ako at malate ako sa date ko este sa pagsamba. Ayos naman na ang suot ko diba? "Oo naman, kailan ka pa kasi nagkaroon ng pakialam sa isinusuot mo? Narealized mo na ba ngayon na badoy ang mga pormahan mo noon?" nakakainsulto ang mga tawa nito. "Pati ba naman ikaw, sinasabing badoy akong manamit noon, ano bang pinag kaiba noon at ngaun?" kuryuso g tanong ko. "Simple lang kuya, dati mukha kang tanders manamit, unang impression sayo ng makakakita ay matanda kana kaysa edad mo. Pero ngayon, nag transform ka na, congratulations kuya binata kana." tinapik nia ang balikat ko at dinala ako sa harap ng salamin ng pasaway kong kapatid. "Look, hindi na kita mukhang tatay pag magkatabi tau." hindi na matigil ang katatawa nito. "Meisha" angil ko sa kalokohan niya. "Oh, Bakit? Totoo naman. Sige kuya goodluck sa date mo, matutulog muna ako ulit, nakimarites lang naman talaga ako sayo, babush." nag flying kiss pa at nagmamadali na itong umakyat papuntang kwarto nito. Naiwan akong napaisip ako, marami na silang nagsasabi, ganon ba ako kabadoy manamit o pinagtitripan lang ako ng mga to? Napatingin ako sa salamin at muling pinasadahan ang kabuuan ko. Nagkabiruan pa nga kami saglit bago ako nakalis. Nakasuot ako ngayon ng unique designed blue royal oxford contrast white collar and cuff long sleeve with blue paisley inner lining na pinarisan ko ng black slack pants. "This is it, wala ng atrasan to." tiningnan ko ang pambisig kong relo 5 o'clock in the morning na. "Manang I have to go na po. Pakisabi nalang po kina mommy at daddy, nakapag paalam na naman po ako sa kanila the other day." "Sige anak. Mag iingat ka." "Salamat po."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD