Candy's Pov
Araw ngaun ng lingggo it's Lord's day, kaya maaga akong gumising para gumayak papuntang church.
Nabulabog ng malalakas na katok at sigaw o sabihin na nating tili ang pagpapaganda ko dito sa harap ng salamin, charot lang po. Nagpahid lang naman ako ng manipis na face powder at light pink lipstick, mabuti na nga lang at nakapagbihis na ako ng aking napiling suotin ngayon araw na ito ay isang Royal Blue A-Line Knee Length Cocktail Dress With Illusion Lace Sleeves na regalo sakin ng kaklase kong baklush pakonsuelo daw dahil sa tinulungan ko siya sa paggawa ng gown na gawa sa mga recycled materials last year na sinuot nito sa isang Contest, nasungkit nia ang 1st place kaya naging galante.
Hindi ko pa ito naisusuot dahil may mga bigay namang dress sakin sila tiyang at ibang mga ka churchmate namin, ako naman tanggap agad wala ng keme keme choosy pa ba, wala naman akong maraming pambili. Tinernuhan ko ito ng glittery silver shoes na bigay ni Remy namali daw kasi siya ng size nong binili nya, ano pa nga bang aasahan mo kong sa online shop mo binili ang items? Sakto namang nagkasya sakin oh edi salamat na hindi nagkasya sa kanya, nagka instant shoes tuloy ako. Buti nga at mababa lang heels at baka magswimming ako sa walang tubig kapag pinilit kong magsuot ng may mataas na takong, di clip lang din na hikaw ang gamit ko na regalo naman ni mama nong graduation ko hindi kasi ako sanay maghikaw wala ding pambili hahaha meron naman kong mumurahin lang magtitiis naman akong mangati ang tenga ko, wag nalang sayang pera.
"Candyyyy, Candyyyy, bilis buksan mo agad tong pinto mo." ang aga aga itong si Remy nag iiskandalo na naman sa katatawag ng pangalan ko. Hinihingal at nakangiting Remy ang bumungad sa pinto ng kwarto ko. "Bagal naman may ichi chika ako sayo."
"Halata ngang meron talaga, ata't na atat ka ehhh,,, abot tenga pa yang ngiti mo, Remy girl sobrang ingay mo kaya naiiskandalo ang pagtulog ang mga butiki sa buong kabahayan sa pagsigaw sigaw mo." bigla naman ang pag huni ng butiki."Ayan na nga bang sinasa..."
"Ayyyy, butiking malaki. Ayyy... anu ba yan. Ayyy..." tuloy ang lundag ni Remy na walang ibang masabi kundi ayyy. Ayy lang ng ayyy. Hindi ko alam kong matatawa,o maaawa sa ginawa nia. Hindi na kasi ito mapakali pagpag dito, pagpag doon.
"Hoy anong nangyayari sayo Remy gurl? hindi man lang ako tinapunan. Lakas siguro ng mga boses namin dahilan para magpuntahan na ang mga kasama namin sa bahay sa may labas ng kwarto ko.
"Ang aga aga bakit ang ingay ingay niyo dito Candy, Remy anong nangyayari sayo."
"Ewan ko po ba dito kay Remy, tatawag tawagin ako, at may ichi-chika daw po. Pero wala pa nga pong na chichika sakin tapos ayan, ngayon nagtatalon na."
"Tanggalin niyo please.Tanggalin nio dali na." hindi talaga ito nagbibiro sa pagmamakaawa.
"Ang ano ba yon, anong tatanggalin. Magtigil ka nga muna kasi ka tatalon mo dyan, ako' y nahihilo sa ginagawa mo." naiiyak ding tanong ni tiyang, malamang naawa ito sa pamangkin na to the max ang takot.
"Butiki butiki" pagaisisigaw ni Remy.
"Para, butiki lang pala. OA naman. Tssss..." bulalas ng isang lalakiing hindi ko kilala. Sino kaya tong lalaking ito.
Hoy, Mr. lalaking mukhang hindi ka naman takot sa butiki. Sige kunin mo ng makqpagpahinga na ang katawang lupa ng Kaibigan ko.
Nasaan ba yang butiking yan, Remy anak.?"awang tanong ni tiyong.
"Ewan nasa loob yata ng bra ko, basta sa loob ng dress ko, Ang lamig kinikilabotan ako." sagot nitong nauutal utal dahil marahil sa pagod at takot nito.
"Tanggalin nio na po Auntie, pls." pagmamakaawa ni Remy sa tiyang sa pagitan ng paglululundag.
"Ayaw ko nga."agad na tanggi ni tiyang.
"Kaw nalang Rene." tulak nito sa katabing asawa.
"Ayaw ko din, bahala na."at napatingin naman sakin si Tiyong. "Ikaw na Kendi."
"Naku po Tiyong murd*r na murd*r talaga ang matamis kong pangalan sa inyo. Pero kahit pa po gandahan niyo ang pagtawag sa pangalan ko it's still no pa din po. Pasensya na Remy, talo talo muna tayo ngayon.
"Ikaw nalang Justine." sabi ko naman sa inaalagaang apo nila Tiyang.
"Mas lalong ayaw ko po, tita. Takot din po ako eh. Nagtago pa ito sa likod ng lola.
"Ikaw na Caloy, sure namang hindi ka takot"
"Ayaw ko nga kong ikaw pa yan kanina pa ako nagpresenta kahit wala pang makiusap sakin nanginginig pa." sabay kindat, naiiling nalang ako sa kalokohan nito talaga namang kahit saan nalang. Nagkakagulo na kalandian parin naiisip.
"Kawawa naman si Remy oh, ayaw niyong tulungan."
"Si Arcie nalang po Tita kung papayag po kayo, papayag narin to." tinutulak pa ni Caloy ang lalaki papunta kay Remy.
"Sige kaw na Iho please pwede mo bang tanggalin?"
"Kung papayagan po ako ng pamangkin nyo, why not po. I am more willing to help po."
"Bagal bagal tanggalin mo na kaagad bilis, dami pang satsat."
"Are you sure?"
"Yes, choosy pa ba ako?"
"Then, ano pang hinihintay natin. Game na.
"Teka teka anong Game na." papalag palag si Remy ng buhatin ito ng lalaki.
" At bakit mo ako binubuhat?
"Syempre alangan namang dito natin tanggalin."
"Pwede po bang hubaran to dito tita?
"What. Kailangan ba yon?" halos magkapanabay na tanong naming tatlo nila Remy at Tiyang.
"Opo kesa kakapa- kapa*n ko po. Di niya naman masabi kong nasaan po eksakto ang butiking sinasabi niya."
"Ay wag dito don kayo sa loob ng kwarto ko. Pasok dali. Maiiskandalo ang katawan niyang babaeng yan pag dito may bata pa.'
"Basta make sure Iho na wala kang ibang gagawin. Ingatan mo yang pamangkin ko. Virgin pa yan kaya no monkey business dapat yan ah. Dapat walang labis walang kulang yan pag labas niyo."
"Tiyang naman, dinamay pa ang virginity ko dito."
"Hala pasok at bilisan at male-late na tayo sa pagsamba ."
Akmang papasok din sana ako ng kwarto para samahan si Remy sa loob ng may kamay na humawak sa braso ko, kakaiba yong hawak na yon paran may tumulay na bolta-boltaheng kuryente mula sa kanya patungo sa sa akin. Napatingin ako sa may-ari ng kamay na pumipigil sa akin si Caloy pala, ano ba itong nararamdaman ko para akong inamulahan ng mukha.
"Wag mo ng samahan sa loob, mas lalo lang mahihiya si Remy niyan after." pigil ni Caloy sakin na pumasok sa kwarto ko. Alanganin pa akong sumunod dito, estranghero sakin ang lalaking ito. Pero wala naman siguro itong gagawing masama sa kaibigan ko ang dami namin dito sa labas e.
"Pero, sige na nga. Bilisan nio dyan ah wag i la lock ang pinto. Hindi naman kami papasok."
"Oh ano? kumusta?"
Ok na.
Sobrang Pawis na pawis ka ah.
"Sino ba namang hindi. Naubos yata ang energy ko frenny."
"Naman, to the highest level ang performance mo eh. Para ka ngang nag- enjoy ng bonggang bongga sa exercise mo frenny." natatawa kong sabi.
Tawanan ba naman ako. Ang sama niyo sakin, sobra kayo.
Sorry na po. Mga takot din po kasi.
"Ok, lang kahit nkakainis kau."
"Buti may nakatulong, kaya lang feeling perpek naman. Thank you Mr. Feeling Perfect."
"Talaga itong si Remy nagpasalamat nga may parunggit naman."
Oh Remy anak, heto ang tubig uminom ka muna. Alam kong napagod ka kakajumping rope kanina.
"Auntie naman"
"Pinatatawa lang kita. Pasensya kana kong di kita natulungan."
"Ok lang po Auntie. Kaya lang pinagkatiwala niyo nman po ako sa lalaking feeling Perfect dito. Nakapanantsing na nga marami pang sinasabi." tumingin pa sa lalaki at inirapan.
"Naku huwag po kayong mapagpapaniwala sa babaeng iyan." depensa nito."Tinanggal ko lang po ang b** niya dhil kailangan, wala na po iba." dugtong pa nito.
"Sa B** mo napunta yong..."
"Yup doon naglampungan ang mga butiking nag pa lundag lundag ng bongga sa kanya. Nagtataka ba kayo kung bakit, mga butiki ang sinabi ko? Kasi nga more than one nag-,aasawahan yong dalawang butiki na ginawang Honeymoon place ang dibdib nito si Remy." natatawa. "Ang mga kawawang nilalang binawian ng buhay habang magkani*g sa kanyang dibdib. It's either na suffocate or nahilo dahil naalog at nakalimutan na paanong huminga. Kung may nakapanantsing man dito e walang iba kundi ang dalawang butiking yon."
Malakas na tawanan ang sumunod. Halos walang humpay sa katatawa hangang mag sakitan ang mga tiyan at panga habang ayon si Remy nakasimangot.