Iniwan na siya si John. Pinuntahan ni Dianne ang paborito nilang lugar ni Joffer at nadatnan niya ito.
" Joffer.. "
Lumingon ito sa kanya. Tumakbo siya papalapit dito. Pagkatapos ay niyakap nila ng mahigpit ang isa't-isa.
" Dianne, sorry kung naging duwag ako ! Mahal na mahal kita. "
" Mahal na mahal din kita Joffer. "
Napaiyak siya sa sobrang saya. Natupad din ang pangako nila sa isa't-isa.
Tinuyo ni Joffer ang mga luha niya sa pamamagitan ng halik patungo sa kanyang mapupulang mga labi. Inangkin nito ng buong-buo ang mga labi niya at tumugon naman siya sa mga halik nito.
They kissed passionately.
Again and again and again.
Two years later***
Naging magkaibigan na ulit sina Shane at Dianne. Mas lalo nga silang naging close eh. Siya nga pala naging sila ni Shane at John. Nagkaaminan din ang dalawa sa bandang huli.
Malapit ng makapagtapos sa pag-aaral si Dianne at si Joffer naman ay nagtatarabaho na bilang isang Engineer. Nakapagtayo na rin ito ng bahay na titirhan nila. Kasama ang kanilang magiging pamilya.
'"Mommy, bakit kailangang may piring ako ? "
" Basta ! Sumunod ka lang ! " sagot nito.
" Okay. "
Naririnig ni Dianne ang ingay ng alon at ang dampi na malalamig na hangin. Maya-maya'y may narinig siyang yapak ng paa. Iniwan kasi siya saglit ng mama niya.
" Ma? Ikaw ba yan ? "
" Hindi... " sagot ng boses. Si joffer to ah. Kinuha nito ang piring sa mga mata niya at nabungaran niya ang magandang setting ng table. May mga candles at may mga petals sa paligid. Napaka romantic ng place.
" Nagustuhan mo ba ? " nakangiting tanong nito. " Flowers for you love. "
" OO.. ang ganda ! Salamat. " sagot niya sabay halik sa pisngi nito.
Nasorpresa siya bigla na lang itong lumuhod at may kinuhang kahon sa bulsa.
"Dianne.. I want to live a lifetime w/ you forever. I want you to be my Queen.. will you marry me ? "
" Yes, I do. I wan't to live w/ you forever, no matter what happens ! I love you "
" I love you more...<3 "
THE END.