Ilang araw din umiwas si Joffer kay Dianne.
Napatigil si Joffer sa paglalakad nang mabangga siya ng isang babae.
" Aray..no ba? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? " galit na tanong niya sa babaeng nakayuko.
" Sorry.." sagot ng babae at humarap ito sa kanya. Parang pamilyar sa kanya nag itsura nito.
" Joffer? " tanong ng babae.
So, kilala nga niya ito at nag-isip.Sino kaya ito?
" Ahhhhhh, Shane....ikaw ba yan? " tanong niya.
" Oo ako nga! Kamusta kana? Di ko alam na nakauwi kana pala! " sagot nito.
" Ha? Di ba sinabi ni Dianne sayo? " tanong ni Joffer.
" Hindi ! Minsan na lang kaming nakakapag-usap at saka busy sila ni John. " sagot nito.
Natahimik si Joffer at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
" Oh, nagseselos ka ano ? " tanong ni shane.
Hindi ito sumagot.
" Alam mo kasalanan mo din kung bakit nawala si Dianne sayo ! " dagdag ni shane.
" Bakit ? " tanong ni Joffer.
" Kasi, naging duwag ka. Hindi mo sinabi ang tunay mong nararamdaman sa kanya ! Siguro nakita ka niya sa katauhan ni John kaya niya ito sinagot ! " sisi ni Shane.
" Tama na shane...maybe kasalanan ko pero hindi mo ako masisisi. Maaring naging duwag nga ako pero alam mo ba kung bakit ko ginawa yun ? Ginawa ko yun dahil natatakot ako na kapag sinabi ko sa kanya ang totoo ay baka masira ang friendship namin. Ayokong mangyari yun. " sagot ni Joffer.
" Joffer...hindi pa naman huli ang lahat eh ! Pwede mo pang makuha ang dapat sayo. "
" What do you mean ? "
" Easy lang. Magpanggap tayo na may relasyon ! "sagot ni shane.
" Pumapayag ako...kung yan lang ang paraan para mabawi ko si Dianne. "
Parang sinaksak ang puso ni Dianne ng makita na magkasama si Shane at Joffer. Sweet na sweet ang mga ito sa isa't-isa. Nalaman niyang may relasyon ang mga ito. Aalis na sana siya ng makita siya ng mga ito.
" Dianne. " sigaw ng mga ito.
" Bakit ? " tanong niya.
" Gusto naming magdouble date tayo ! "
" Sige. " sagot niya at kaagad na umalis.
Nagdate nga silang apat. At sa paborito pa nilang beach ni Joffer.
Nagulat si Joffer. Ang boyfriend pala ni Dianne ay ang pinsan niyang si John. Di man lang niya naisip na ang John na sinasabi nito ay ang pinsan niya. Ang dami naman kasing John sa mundo.
" Guys, kakausapin ko muna si Dianne ! Tara dun tayo Dianne. " wika ni Shane.
" Ha ? Bakit ? " tanong niya rito pero parang hindi lang siya nito narinig at patuloy na hinihila hanggang sa makalayo sila.
" May gusto ka pa ba sa Bf ko ? "diretsahang tanong ni Shane.
" Anong pinagsasabi mo ? " balik tanong niya rito.
" Dianne...pareho nating alam na noon pa man ay may gusto ka na kay Joffer. "
" Pwes..ngayon hindi na ! "
" Wag ka nang magsinungaling! Bestfriend mo ako, alam ko siya pa rin! " galit na sabi ni Shane. Nadadala na siya sa emosyon.
" Oo na! Oo na. Tama ka! Siya ang gusto ko. Siya pa rin ang mahal ko! Masaya ka na? " pasigaw na ring sagot niya at naluluha na.
" Oo, masaya ako. Mahal ko rin si John. " pag-amin ni Shane.
" Ha? Bakit hindi mo sinabi? "
At pinag-usapan nga nila ang mga bagay-bagay bilang magkaibigan at nagkaayos silang dalawa.
Sa Kabilang banda:
" Pinsan 'di ko akalain na ikaw pala ang boyfriend ng babaeng mahal na mahal ko ! " wika ni Joffer.
" Don't worry. I'm letting her go. Lalo na't alam ko na ikaw ang tunay niyang mahal ! " sagot ni John.
" Tatanawin kong utang na loob sayo to pinsan ! "
" Good luck sa inyo Joffer ! "
" Alam mo pinsan, mayroon namang nagmamahal sayo ! Maswerte ka nga eh ! "
" Ha ? Sino ? "
" Basta andiyan lang sa paligid-ligid. "
Nang makaalis si Joffer ay nilapitan ni Dianne si John.
" Dianne... I'm letting you go ! "
" What do you mean ? "
" I'm breaking up w/ you ! "
" What ? "
" Alam kong si Joffer ang mahal mo. Pinapakawalan na kita ! "
" Salamat, napakabait mo talaga John ! Kaya nga ayaw kitang saktan kaso anong magagawa ko? Kung kaya ko lang talagang turuan ang puso ko pero kahit anong gawin ko iisa lang ang sisisigaw nito at yun ay ang pangalan ni JOFFER. I'm sorry John. I'm really sorry ! "
" Eto naman, ok lang yun . What friends for naman diba ? Hindi ko naman ipilit ang sarili ko sayo! Sabi nga nila...Let that person perfectly fall cause it's better to let the gravity do the motion than forcefully grab affection w/ out attraction ! "
" John, kung sobra man kitang nasaktan just remember that heartbreaks come to save you from the wrong one ! Dahil hindi ako ang para sayo...TiME WOULD COME NA DARATING DIN SIYA IN THE RIGHT TIME AND PLACE ! "
" Alam mo kasi Dianne kung mahal mo ang isang tao ay kaya mo siyang pakawalan. That's why I'm letting you go ! Puntahan mo na si Joffer bago pa magbago ang isip ko ! "
" Salamat talaga John.. tandaan mong kahit papano ay minahal din kita ! "
"May nakalimutan pa pala akong sabihin sayo ! Pinsan ko si Joffer ."
" What ? Nagbibiro ka ba ? "
" I'm telling you the truth ! "
Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman. Ang tanga-tanga mo Dianne. Napakatanga mo!