" Promise Dianne, pag-uwi ko sasabihin ko na sayo ang totoo kong feelings. I'll ask you to be my girl! " kausap ni joffer sa picture.
...........................................................................
" Hello? Oh joffer napatawag ka? "
" Bakit ayaw mo na ba akong tumawag sayo? " malungkot na sabi nito " Magtatampo talaga ako sayo Dianne. "
" Eto..hindi naman sa ganun! "
" Mabuti naman kung ganun! Kamusta kana? Mahal kong bestfriend! "
" Okay lang, ikaw? "
" Okay lang din, matanong ko lang may pinalit ka na ba sa akin diyan? " pabirong tanong ni Joffer.
" What do you mean? " aniya.
" Haha. Wala. Joke lang yun! " sagot nito.
" Joffer, may sasabihin ako sayo.." sabi ni Dianne.
" Ano naman yun? "
" May.. " saglit siyang napatigil sa pagsasalita parang nahihirapan siyang aminin na may boyfriend na siya.
" Ano nga yun?? " anito.
" Ah.. " bago pa man siya makapagsalita ay may narinig siyang tumawag kay Joffer. Boses babae iyon parang nakaramdam siya ng selos.
" Dianne, next time nalang tayo mag-usap! Emergency lang! Bye." narinig niyang sabi nito at kaagad naputol ang linya.
" Che..emergency ka diyan!" sabi niya.
Parang nagi-guilty siya na sinagot niya si John. Si joffer pa rin pala ang mahal niya, kaya nga nagselos siya ng marinig ang boses ng babae sa telepono. Pero kahit ganun ay ayaw pa rin niyang makipagbreak-up kasi ayaw niyang masaktan si John.
" Dianne, mahal mo ba ako o napipilitan ka lang? " tanong ni John sa kanya.
Nagulat siya sa tanong nito.
" Ha? Hindi ako napilitan! Ano ka ba? Bakit mo naman yan natanong? " sagot niya.
" Wala lang! I just want to make sure at saka ayokong napipilitan ka lang! Kaya naman kitang i-let go. " sabi ni John.
Napakabait talaga ni John kaya ayaw niya itong saktan. Hindi naman ito siguro mahirap mahalin.
"One week later"
Dumating ang araw na babalik na si Joffer sa Pilipinas. Excited siya na makita itong muli. Hinintay niya ito sa airport. Nakita niya ito sa di-kalayuan. Mas lalo itong naging gwapo pero tulad ng dati ay ang mga dimples nito ang nakakapag-hypnotise sa kanya. Tumakbo siya sa kinaroroonan nito at niyakap ng mahigpit na mahigpit.
" Aray Dianne. Hindi na ako makahinga! Miss mo talaga ako no? " wika ni Joffer.
" Sorry ." sagot niya at pinakawalan ito. "Oo naman! Miss na kita. "
" May boyfriend kana ano? " pabirong tanong nito.
Parang di siya makapagsalita at hindi niya alam kung paano aaminin dito na meron diyang "BF"'
" So, meronna nga? "seryosong tanong nito.
"Oo " pag-amin niya at saka kinagat ang ibabang labi.
Ilang segundo ding nawala ang mga ngiti nito.
" Well, congrats! " sabi ni joffer at pinilit na ngumiti.
Magkatabi sila sa upuan ng sasakyan ngunit walang imikan. Tiningnan niya ito pero hindi ito tumingin sa kanya. Di na siya nakapagtiis at kinausap ito.
" Kamusta na si tita? "
" She's okay! " sagot nito at muling namayani ang katahimikan hanggang nakarating sila sa resort.
" Joffer, pwede ba tayong mag-usap? " tanong niya.
" Saka na lang Dianne, pagod ako! " sagot nito at nagpatuloy sa paglakad.
Parang nasaktan siya sa ginawa nito dahil dati kahit na pagod ay inilalaan nito ang oras sa kanya. Tila ba hindi ito na uubusan ng energy pero ngayon ibang joffer na ang nakausap niya.