Inihahatid ni John si Dianne tuwing uwian. Napapansin niya na minsan na lang niyang naaalala si Joffer. Masaya naman siya kapag kasama niya ito kasi parang si joffer na rin ang kasama niya.Isang araw sa di inaasahang oras ay bigla na lang itong nanligaw sa kanya.
" Dianne, pwede ba kitang maging girlfriend? " tanong nito.
" Ha? Di ko alam..." nasagot niya dahil sa pagkabigla. Naguguluhan siya sa feelings niya para dito. Mahal niya ba ito o di kaya'y ito lang ang pinagtutuunan ng pansin na dapat ay kay joffer niya ginagawa.
" I understand. Bibigyan muna kita ng time para makapag-isip! " sabi nito at nagpaalam pero iniwan nito ang bulaklak at chocolates para sa kanya.
SA TOTOO LANG ay ayaw niyang saktan si John at ayaw din niyang madis-appoint ito sa kanya. Well, naging matalik niya na rin itong kaibigan kahit ilang weeks palang silang magkakilala. Magaan ang loob niya para dito. May isang tao lang na pumipigil sa kanya na sagutin ito at yun ay si Joffer.
Oh...Dianne habang buhay ka na lang ba aasa na magugustuhan ka ni Joffer? Isipin mo naman ang sarili mo! Gumising ka nga? Meron naman taong nagmamahal sayo pero anong ginagawa mo? Ha? Panahon na para magpakatotoo at para maging masaya ka naman! Kausap niya sa sarili. Pero ang tanong, magiging masaya kaya siya kapag singot niya ito?
"BINALIK TANAW NIYA ANG NAKARAAN"
" Alam mo Dianne! Paglaki natin ay pakakasalan kita. " sabi ni Joffer.
" Whee..talaga lang ha? " di makapaniwalang tanong niya.
" OO naman, love na love kaya kita! "
" Matagal pa naman yun eh at saka dapat ligawan mo muna ako!!! "
Napangiti siya sa naalala. Di niya malilimutan ang araw na yun. Siguro ang pangako ni Joffer ANG DAHILAN KUNG BAKIT NGAYON AY PATULOY PA RIN SIYANG UMAASA. Pero ngayon ang SARILI niya naman ang kanyang iisipin. Di siya makatulog. Sino ba talaga? Si John o Joffer? Sino bang pipiliin niya? HANGGANG SA TULUYAN NA SIYANG HILAHIN NG ANTOK.
Pagkagising niya ay nakabuo na siya ng desisyon at yun nga ay ang sagutin si John. Dahil sa pagkakataong ito ay sarili niya naman ang kanyang inisip. Gusto din niyang maranasang mahalin.
" John.." tawag niya rito ng pumasok siya ng paaralan.
" Dianne...saka na lang tayo mag-usap kapag may desisiyon kana at saka kailangan kong maging handa. " sagot nito.
" I've made my decision! Sasagutin na kita!!! "
" TALAGA??? " di makapaniwalang tanong nito at niyakap siya ng mahigpit.
" SA CANTEEN"
" Shane....may good news ako!"
" Talaga? Ano? "
" Kami na ni John...."
" Well, congrats." sagot nito.
Parang may nakita siyang hinanakit sa mukha nito pero benalewala niya na lang baka kasi namamalik mata lang siya.