Chapter 4

550 Words
Isang araw na nga ang nakakalipas simula ng umalis si Joffer at hanggang ngayon ay umiiyak parin siya.  " Dianne..life must go on!!! He will be back " kausap niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. Nagpasya siya na pumasok sa paaralan kahit na wala siyang gana dahil kung sa bahay lang siya ay magmumukmok at iiyak lang siya.  " Dianne ba't absent ka kahapon? Hinahanap ka ng cute na guy!!! " pahayag ni shane. " Bahala siya!!! " " Sana ako na lang ang type ng cute na guy!!! " wika nito at nang hindi pa siya nag-react ay muli itong nagtanong. " May problema ba Dianne?" " Wala, namimiss ko lang si Joffer!!! " malungkot na sagot niya. " Si Joffer na naman? Bakit nasaan ba siya? " tanong nito. " Ayun nasa Hongkong, inaalagaan si tita. One month siyang mamamalagi dun!!! " malungkot na sagot niya. " One month lang naman pala pero it seems na isang taon siyang  mawawalay sayo. " pahayag ni shane. Ang malas talaga ng araw niya. Ang taong pinakaiwas-iwasan niya ay kapartner niya ngayon sa pagluluto. Tahimik siyang nagluluto na parang walang kasama nang biglaang napaso ang kamay niya " Aray!!! " sigaw niya. " Patingin nga? " narinig niyang sabi nito at hinugasan ang kamay niya at saka ginamot. Nagulat siya sa ginawa nito. Dapat nga ay magsaya ito sa nangyari sa kanya dahil sa pasususungit niya rito. " Salamat " wika niya rito. " Sa susunod kasi mag-iingat ka!!! " sagot nito na para bang kasintahan niya. Naaalala na naman niya si Joffer. Caring kasi si John tulad ni Joffer. Kapag kaharap niya ito ay parang si Joffer narin ang kasama niya. Parang may hawig ito kay Joffer yun nga lang ay wala itong dimples. Wala naman sigurong masama kung maging kaibigan niya si John. Parang si John ang naging replacement niya kay Joffer. Magkatulad ang mga ito ng kilos at ugali. Mabait, maalaga, mapagpasensya si John pero higit sa lahat mapagmahal katulad ni Joffer. Maaaring hindi maganda ang kanilang unang pagkikita pero simula ng kilalanin niya ito ay natuklasan niyang may good personality ito and once again like Joffer.  " Dianne, anong ginawa ni John sayo at nagbago ang isip mo? Akala ko di mo siya type!!! " tanong ni shane.  " Well, mabait din naman siya diba?" " Oo naman. " sagot nito.   = Makalipas ang ilang minuto ay dumating si John = " Hi girls!!! " " Hi. " sabay nilang bati. " Ah...Dianne? Alis muna ako ha?" paalam ni shane.   " Ha? Bakit? " " Basta. Alis na ako. Bye guys. Enjoy!  " Umalis na nga si shane at naiwan silang dalawa.Napapansin niya bakit kaya umaalis ito tuwing dumarating si John.  " Nagugutom ka ba??? " tanong ni John sa kanya. " Medyo. "  " Tara libre kita." " Sige ba! Basta ikaw ang taya. " sagot niya at pumunta sila ng canteen um-order ng pagkain nila. " Hmmm.. sarap pala pag libre ano? " "Oh.. Dianne ang bibig mo! " narinig niyang sabi nito at saka kumuha ng panyo na ipinahid sa bibig niya. Nagulat siya sa ginawa nito talaga ngang caring ito. Ano kaya kapag boyfriend na niya ito? Mas caring kaya ito? "Ako na..salamat na lang " sabi niya kay John.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD