"You may now kiss the bride" anunsyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga tao sa bagong kasal. Nakangiti naman akong pinagmamasdan sila. Napagdesisyonan ni Eric na magpakasal sila ni Maria habang hindi pa lumalabas ang bata. Masaya ako para sa kanila dahil naniniwala ako na pagdating ng panahon ay matututunan din nilang mahalin ang isa't isa sa tulong narin ng anghel na nasa sinapupunan ni Maria. "Congrats," masayang bati ko sa kanila. "Salamat ma'am," nakangiting tugon ni Maria. "Ano ka ba wag mo na akong tawaging ma'am hindi ka na nagtatrabaho sa'kin isa pa asawa ka na ni Eric." Nahihiya naman s'yang tumango sa'kin. Binati ng iba pang bisita ang bagong kasal. Kaya lumayo na muna ako sa kanila at lumapit sa mag-aama ko. "Mommy!" sabay na tawag ng anak ko. Nakangiting sinalubong

