Hindi ko akalain na isu-surprise ako ni Raiser at talagang kasabwat pa niya si Sydney. Ang dali lang ako naloko ng babae na yon humanda siya sa'kin. Umuwi na kami sa bahay at nagulat na naman ako ng makita ang mga magulang namin at malalapit na kaibigan. "SURPRISE!!" sigaw ng mga ito. Walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ko, bawing bawi sa mga sakit na pinagdaanan ko. Nakikita ko lang ang mahahalagang tao sa'kin na magkakasama at masayang nagtatawanan kontento na ako. "Bongga ang double surprise sayo ni Raiser ha," nakangising wika ni Sydney habang papalapit sa'kin. Pabirong sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na siya galit kay Raiser dahil okay na ang lahat, tinutulungan pa niya ito ngayon. "Pinakaba mo ko ha," wika ko sa kan'ya. "Hahaha di ko naman alam na sobrang selosa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


