I can't walk properly lasing na lasing ako sa dami ng nainom ko pero may lakas pa rin ako ng loob na lumabas ng venue para umuwi papasok na sana ako ng kotse ko ng may nagsalita sa likod ko.
"Magdadrive ka ng lasing?" tanong nito.
"Oh Raiser ikaw pala yan haha hindi ako lasing," sagot ko sa kan'ya.
"Kaya pala hindi ka na makalakad ng ayos," puna nito.
"Style yon hahaha," tumatawang sagot ko.
"Tss let me drive you home."
"Aww you're so sweet!"
Sumakay na ako sa kotse at pumwesto na siya sa driver seat at nagsimulang magmaneho. Wala kaming imikan sa byahe nakatitig lang ako sa kan'ya. Bakit kaya ang gwapo niya napakaswerte ko pala dahil nakakasama ko sya bukod sa sobrang gwapo niya, ubod pa ng yaman. Bonus na yong marunong s'yang magluto at mahalaga, siguro kung ito ang mapapangasawa ko ay napakaswerte ko.
"Nandito na tayo," anunsyo niya.
Bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Gentleman hihi"
Lalakad na sana siya papasok ng building kung nasaan ang condo ko pero hinigit ko siya.
"Piggyback ride please please please!"
"Grabe ka namang malasing napakakulit mo," reklamo niya sa kakulitan ko.
"Hihihi sige na please," pangungulit ko pa.
Wala na siyang nagawa kundi ang pasakayin ako sa likod niya. Pagpasok namin sa loob pinagtitinginan kami pero ngumiti lang ako sa mga tao nakita ko pa ngang may nagpipicture sa'min kaya nagpeace sign ako sa camera.
"Aish this is embarrassing," reklamo niya.
"Bakit Raiser kinakahiya mo ba ako?" inis na tanong ko sa kan'ya.
"No babe maswerte nga ako eh napakaganda at sexy ng pasan pasan kong babae it's just that I may look haggard on the camera."
"Haha ang hot mo nga e."
"Really?"
"Yep hihihi."
Inaamoy-amoy ko lang ang leeg niya habang nakasakay kami sa elevator at hanggang sa makarating kami sa unit ko.
"Ugh! Babe stop it you're turning me on."
"Ohh I want to turn you on hihihi."
"Naughty girl tsk tsk."
Inihiga na niya ako sa kama ko at tinanggal niya ang sapatos ko.
"Aalis na ako" paalam niya.
"What? Iiwan mo ako?"
Pinatulo ko ang mga luha ko siguro pwede na akong artisa.
"Aish babe don't cry okay I won't leave you okay stop crying."
Napangiti ako ng makita ko na nataranta siya sa pag-iyak ko. Nakakatuwa pala na may taong ayaw kang nakikitang umiyak haayyy ang sarap sa pakiramdam. Teka parang hindi na tama itong nararamdaman ko.
Pagkagising ko masakit ang ulo ko babangon na sana ako ng maramdaman ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa tyan ko.
Pagtingin ko kamay pala dito nga pala natulog si Raiser.
"Hey."
Sinampal ko ng mahina ang pisngi niya para magising siya.
"Hmm"
"Gising na."
"Good morning babe."
Bati niya sa'kin pagkamulat ng mata niya. Kung ganito ba naman kagwapo ang bubungad sa'kin tuwing umaga edi masarap este masaya pala.
"Goodmorning."
Ngumiti ako sa kan'ya bago tumayo at nagpunta sa banyo para maligo. Ang lagkit ng pakiramdam ko. Hindi na ako nakapaglinis ng katawan kagabi sa sobrang kalasingan ko. Naligo akong mabuti nilinis ko ang bawat parte ng katawan ko ng bonggang bongga.
Pagkalabas ko ng banyo nagbihis muna ako ng pambahay baka hindi ako makapasok sa trabaho dahil sa sakit ng ulo ko.
Pumunta ako ng kusina at nakita ko si Raiser naghahanda ng pagkain. Mukhang pinakialaman niya na ang kusina ko pero okay lang at least may makakain na ako. Ngunit pagkalapit ko ng kusina at pagkaamoy na pagkaamoy ko ng itlog ay bumaliktad ang sikmura ko nanghihina ako pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan, dahil parin ba ito sa hang over?.
"Hey babe what's wrong bakit ka sumuka?" nag-aalala niyang tanong.
Nagmamadali rin siyang lumapit sa'kin.
"Ugh! Ang baho ng niluto mo nahihilo ako, " reklamo ko sa kan'ya.
"Wait dadalhin kita sa hospital" natatarantang sabi niya.
Ang oa naman ng isang ito hospital talaga agad? Di ba pweding magpahinga na lang muna.
"What? Wag na magpapahinga na lang ako," sagot ko sa kan'ya.
"No, kailangan mo magpacheck sa doctor," pilit niya.
Hindi pa nagtatagal ay nasuka na naman ako at nagmamadali s'yang lumapit at binuhat ako ng parang bagong kasal at nagmamadaling lumabas. Sobrang natataranta siya at kung hindi lng masama ang pakiramdam ko ay talagang matatawa ako sa kan'ya.
Pagkababa namin ay agad siyang nakapara ng taxi.
"Manong ospital po paki-bilisan."
"Opo sir."
"Wala na ba yang ibibilis manong?"
"Ano ba Raiser baka sa halip na hospital lang ay puninarya na tayo bumagsak," saway ko sa kan'ya.
Hindi talaga siya mapakali at pagkadating namin sa hospital ay dinala agad niya ako sa emergency room.
"Hey call the doctors faster!" sigaw niya sa mga nurse.
"What the hell Raiser wag mo silang takutin gosh I'm not dying!"
Pabalik-balik siya sa kinatatayuan niya. Dumating na 'yong doctor and he run some test on me and checked me.
Hindi pa mapakali si Raiser hangga't hindi pa nalabas ang resulta kung anong sakit ko. Akala mo naman ay may malubha na akong sakit at any minute ay pwede akong mamatay sa inaasta niya.
"Ano ba Raiser hindi pa ako mamamatay," paalala ko sa kan'ya.
"I'm sorry nag-aalala lang kasi ako."
Hindi ko alam kung san nanggagaling ang pag-aalala niya. Wala naman kaming relasyon pero grabe siya kung mag-alala.
Maya-maya pa ay dumating na yong doctor para sabihin sa'min ang resulta ng mga test.
"Congratulations Mrs you're 2 weeks pregnant."
Natulala na lang ako sa sinabi ng doctor pakiramdam ko ay namanhid ang buo kong katawan. Buntis? Tumigil ang mundo ko. Anong gagawin ko? Anong mangyayari sa'kin? Kaya ko bang maging ina? Tapos na ba ang maliligayang araw ko?
Wala namang masama kung buntis ako, ang problema ko lang ay kung kakayanin ko ba?
I know being a mother is not easy, sa katulad ko pa kayang puro kalandiana lang ang alam.
Kinakabahan ako sa pweding mangyari, will I be a good mother? Ughhh! Halos mabaliw ako sa mga pumapasok sa isip ko. Halos sumabog ang isip ko. Gulong gulo ako! Ano bang dapat kong gawin?