Matapos ang nakakagulat na sinabi ng doctor ay umuwi na kami tulala par in ako masaya ako na natatakot. Natatakot ako para sa anak ko dahil baka hindi ko siya mabigyan ng buong pamilya pero masaya ako dahil blessing ito. Tinignan ko si Raiser tahimik lang din siya pero nakangiti siguro nagulat din siya instant daddy nga naman siya samantalang puro one night stand lang naman ang gusto niya nakakapagtaka lang na nakangiti siya.
"Magpahinga ka muna at uuwi lang ako para kumuha ng mga damit I'll be staying here from now on," wika nito.
Napanganga ako sa sinabi ni Raiser. Nananaginip ba ako? O baka naman sadyang nababaliw na siya.
"What?" gulat na tanong ko sa kan'ya.
"Dito na ako titira ayoko namang mag-isa ka lang dito baka kung mapano ang anak natin," paliwananag niya.
"Pananagutan mo ba ako? " tanong ko sa kan'ya.
"Babe what are you saying syempre papanagutan kita anak ko 'yan e," sagot naman niya.
"Sigurado ka bang sayo 'to?" tanong ko.
"Oo naman, " lakas loob niyang sagot.
Pangiti-ngiti siya kaya naman nawiwirduhan ako sa kan'ya sa lahat ng playboy siya pa 'yong masayang nakabuntis. Hindi ko ini-expect ang reaksyon niya. Kadalasan sa mga katulad n'yang playboy ay itatanggi kapag nakabuntis sila pero siya, tinanggap niya agad. Hindi ba dapat ay tatakbuhan niya ang responsibilidad?
Umalis muna siya para kumuha ng mga damit niya kaya mag-isa lang ako naisipan ko tawagan si Sydney sigurado naman ako naglalakwatsa lang yon. Gusto kong ibalita sa kan'ya ang blessing na ito sa buhay ko. Syempre siya ang bestfriend ko kaya naman dapat malaman niya agad. Kahit na siya naman madalas ang naglilihim sa aming dalawa.
Wala pang isang oras ay dumating na si Syd.
"Hey Rhiana himala hindi ka pumasok sa work may sakit ka ba?" tanong nito sakin.
"Yeah nahihilo ako," sagot ko naman.
"Omg don't tell me buntis ka?hahaha" pabiro niya pang tanong.
"Yes 2 weeks na, " sagot ko naman na gumulat sa kan'ya.
"Seriously?!"
Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat at humawak pa sa ulo niya na para bang mahihilo siya sa sinabi ko. Ang OA!
"Do I look like I'm joking?"
"Omg!Omg! I'm gonna be ninang na waaahhh I'm so happy for you so sino ang ama?" tanong naman niya.
Nagtatalon siya habang sumisigaw hindi naman halatang masaya siya grabe. Habang nagsasaya siya ay bumukas ang pintuan at pumasok si Raiser dala dala ang maleta niya.
"So he's the father huh?"
"Yes I am," Raiser answered smiling na para bang proud na proud siya.
"Waaaaaaaaaahhhhhh! I'm so happy for you Rhiana you'll have a goddess or handsome child omg!"
Tili nang tili si Syd, nakakatuwa lang na masaya siya para sa'kin and she didn't judged me for being a single mom though papanagutan naman ni Raiser yong bata. Mabuti na lang at pananagutan niya ako, kahit na kaya ko naman kung sakaling hindi niya panagutan. Duh! Kaya kong buhayin mag-isa ang magiging anak ko. Pero masaya ako na kahit papaano ay buong pamilya ang kagigisnan nito.
Kagagaling lang namin ngayon sa doctor para sa check-up ko kasama ko si Raiser talagang seryoso s'yang panagutan ang bata. Naglalaan talaga siya ng oras para sa mga bagay na ganito.
"Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kan'ya.
"Nah, I can work at home isesend ko na lang sa kanila through email and nandon naman ang secretary ko," sagot nito sa'kin.
"Ano ka ba mas maganda parin kung nasa companya ka."
"It's okay mas gusto kitang alagaan."
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya basta naramdaman ko na lang ang pagkibot ng puso ko.
"Oo nga pala about sa project na headquarters para sa ama mo si Maria na ang bahala doon siya na muna ang magsusupervise sa mga tao ko."
"Okay."
"Magaling din yon don't worry." I assured him.
"Okay I trust your company."
Habang nagpapahinga ako ay siya naman ay may ginagawa sa laptop niya. Noong una ay pinagmamasdan ko lang siya pero nabored ako. Dahil wala naman akong ginagawa natulog na lang ako.
Nagising ako sa ingay ng cellphone ni Raiser sinagot niya ito.
"Hello Liza."
Liza? Yon yong babae na pumunta sa condo niya noong nakaraan. Sino ba talaga yon sa buhay ni Raiser? Bakit parang may kung anong malalim na namamagitan sa kanila?
"I'm fine"
"What?! Okay okay I'll be there."
Nagmamadali s'yang tumayo at tumakbo sa pintuan at umalis ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan ng Liza na yon, I wonder ano ba sya sa buhay ni Raiser.
Gabi na pero hindi parin umuuwi si Raiser nakakainis hindi manlang siya nagtext pero sino ba naman ako para itext niya diba?. Napagpasyahan ko na pumunta muna sa bar hindi naman ako iinom mag-eenjoy lang ako. Mahal ko naman ang pinagbubuntis ko kaya hindi ako gagawa ng ikakasama nito.
Nakaupo lang ako sa isang table habang umiinom ng juice.
Pinapanuod ko ang mga nagsasayaw sa dance floor haaay andaya gusto ko rin magsayaw kaso buntis ako baka kung mapano ang bata habang nag eenjoy lang ako panunuod ay nakita ko ang bagong dating na si Raiser kakaway sana ako sa kan'ya kaso nagmamadali siyang lumapit sa isang table.
Si Liza naglalasing? Kinakausap siya ni Raiser siguro inaaya na s'yang umuwi, sasabay na lang ako kay Raiser pauwi okay lang naman siguro yon. Sa condo ko naman na siya nakatira kaya mas okay kung sabay nalang kaming umuwi.
Naglakad na ako palapit sa kanila. Pero bago palang ako makalapit ay napatigil narin ako.
"Rai mahal na mahal kita."
"Liza mahal din naman kit--
Hindi na natapos ni Raiser ang sinasabi niya at hinalikan siya ni Liza. Napatalikod na lang ako sa kanila napakasama ko namang tao 'di'ba kung sisirain ko yong moment nila. Bakit gano'n kumirot yong puso ko? Siguro epekto ito ng pagbubuntis mahirap pala magbuntis kung ano-ano nararamdaman. Kawawa naman ang baby ko hindi ko mabibigyan ng kompletong pamilya nakakalungkot. Ayokong manira ng relasyon ng iba kahit pa may pinagbubuntis ako hindi tama na manakit ng damdamin ng iba para sa sariling kapakanan.