Chapter 8

1086 Words
Hindi umuwi si Raiser kagabi siguro magkasama sila ni Liza. Napagdesisyonan ko na rin na umuwi na muna sa mga magulang ko doon mas magiging maayos ang pagbubuntis ko. Doon ay mas maaalagaan ako. "Maaaa" tawag ko paglarating ko sa bahay namin. "Oh Rhiana napadalaw ka teka bakit ang dami mong dalang gamit? " tanong niya habang nakatingin sa mga dala ko. "Ah ma dito na po ako titira," sagot ko sa kan'ya. "Talaga? Mabuti naman," masayang reaksyon ni mama. "Nasaan po si papa?" tanong ko kay mama. "Nasa library anak" sagot nito sa'kin. "Tara may,may sasabihin ako" Magkasama kaming pumunta ni mama sa library at inabutan si papa na may binabasa. Napatigil ito ng mapansin kami at agad din namang ngumiti. "Pa" "Hey you're here princess," masayang sambit ni papa. Yumakap lang ako kay papa bago umupo para sabihin na sa kanila ang lahat. Hindi ko alam kung magagalit ba sila sakin pero bahala na ang mahalaga ay masabi ko. "Ma ,pa buntis po ako." "Talaga? So kelan ang kasal?" Tuwang tuwa ang itsura ni papa. Kitang kita ko ang saya sa mga mata nila. Siguro tama nga na apo ang magpapasaya sa mga magulang natin. "Ohmygod! Rhiana lola na ako I'm so happy" masayang sambit ni mama. "Ah ano kasi eh hindi ako magpapakasal" nahihiyang sabi ko sa kanila. "WHAT?!" Sabay pa silang napasigaw at nanlalaki ang mata. "Ma, pa sorry, " hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Anak hindi naman kami galit ng papa mo pero bakit naman ganyan ayaw mo bang bigyan ng buong pamilya ang anak mo?" tanong ni mama. "Ma gusto po pero hindi ko po pweding ipilit dahil may mahal ng iba ang ama nito," sagot ko naman. "Rhiana pwede pa naman yon look at us kami ng mommy mo arranged marriage lang kami kaya I know you two will work" "No pa okay naman kami we're civil we don't need to get married" Hindi na sila nakipagtalo sakin niyakap na lang nila ako. Napakaswerte ko sa mga magulang ko dahil naiintindihan parin nila ako. Habang nagpapahinga ako sa kwarto ko ay tumunog ang cellphone ko tumatawag si Raiser. "Hello?" sagot ko. "Where the hell are you?" "In my parents house." "Damn it I've been searching you the whole day-- " Nobody tells you to do that" "But I'm f*****g worried you're pregnant and what if something happens to our child huh?" "Don't worry anak ko rin to hindi ko 'to papabayaan." "Kelan ka uuwi?" "Not anymore." "What? Are you crazy how about me?" "Ilang taon ka na ba? Kaya mo na sarili mo at kung yong bata iniisip mo wag ka mag-alala hindi ko ipagkakait sa'yo" Hindi ko na siya hinayaang magsalita at pinatay ko na ang tawag ayoko na muna siya makausap naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Parang hindi na tama kung may mahal naman pala siya bakit kailangan niya pang panagutan ang pinagbubutis ko. Ilang araw na akong nasa magulang ko masaya ako pero parang may kulang. Tuwing nasa trabaho sila nagkukulong lang ako sa kwarto kahit sinabihan nila ako na lumabas labas dahil masama daw sa bata pag malungkot ako biniro pa nga ako ni Papa na baka pumangit ang apo nila. Hindi na ako pumapasok sa trabaho dahil mas gusto ko pagtuunan ng pansin ang pagbubuntis ko. Mas gusto kong alagaan ang baby ko para masigurong maiisilang ko ito ng maayos. Wala akong balita kay Raiser pero lagi naman s'yang nagpapadala ng mga prutas yon lang hindi manlang siya tumatawag sa'kin. Nakakainis bakit nga ba naman tatawag yon sa'kin malamang busy kay Liza yon. Inip na inip na ako ng marinig kong tumunog ang phone ko nagmamadali akong kunin iyon pero parang nadisappoint ako ng makitang si Sydney ang tumatawag. Teka bakit ako nadidisappoint sino ba inaasahan kong tumawag? "Oh?" walang gana kong sagot sa tawag. "Hellloooo buntis bakit parang sad ka?" tanong ni Sydney. "Hindi naman bored lang" pagdadahilan ko. "Ayy kawawa ka naman gusto mo gala tayo?" "Sige sunduin mo ako" "Naku pasalamat ka buntis ka laki-laki mo na susunduin ka pa,"reklamo niya. "Haha yaan mo na." "Oo na sige na magbihis ka na pupunta na ako d'yan." Pagkababa ng tawag ay naligo agad ako at nagbihis, mabuti naman may gagawin na ako nakakainip na talaga eh. Ang hirap ng nasa bahay lang at walang ginagawa. Pagkababa ko sakto ang dating ni Sydney. "Tara na beautiful preggy," aya niya sa'kin. "Haha ikaw talaga," Sumakay na kami sa sasakyan ni Syd at nagmaneho na siya sa pinakamalapit na mall. "Hindi ka ba dinadalaw ni Raiser?" tanong niya. "Hindi e, wala akong balita sa kan'ya." "Tss ano ba namang klase ng nakabuntis yon baka mamaya takbuhan na niya yong bata." "Haha ok lang yong Syd kaya ko namang palakihin mag-isa yong bata." Kahit naman takbuhan ako ni Raiser ay hindi ko siya hahabulin kaya ko namang palakihin ang anak ko mag isa. Pero syempre iba parin ang kompletong pamilya. "Kahit na syempre iba pa rin pag may ama yan" wika niya. "Haha hayaan mo na kamusta pala kelan kasal niyo ni Mr. Villanueva?" pag-iiba ko ng topic. "Ihhhh, bakit mo naman pinaalala kinikilig ako hahaha." Grabe tinanong ko lang ang tungkol sa kasal niya grabe na makangiti. Inlove na inlove talaga itong bestfriend ko. Mabuti nalang talaga at mahal na mahal nila ang isa't isa. Maswerte ang bestfriend ko sa lovelife bagay na kabaliktaran ko naman. "So kailan nga?" ulit na tanong ko. "Hmm balak kasi namin next year February" "Haha hulaan ko 14 ang date?" "Hala pano mo nalaman?" "Haha ikaw pa." Matagal-tagal pa naman pala ang kasal niya November pa lang naman ngayon. "Sayang hindi ka makakasabay." "Kaya nga pero okay lang blessing tong nasa tyan ko no haha." Naglibot-libot muna kami ni Sydney at namili ng mga bagong damit bumili na din ako ng mga damit pangbuntis. Masayang isipin na magkakaanak na ako hindi ko iniexpect pero binigay ni Lord. "Tara laro muna tayo Syd," aya ko sa kan'ya. "Yay sige gusto ko yan" Napagdesisyonan naming maglaro muna since maaga pa naman para kumain 11:00 pa lang at hindi pa kami gutom. Pumunta na kami sa arcade para maglaro. "Teka si Raiser ba yon?" Napatingin ako sa tinitignan niya at nakita ko nga si Raiser kasama si Liza naglalaro ng basketball habang nagtatawanan parang may kumirot sa dibdib ko habang pinapanuod ko sila na masaya. Ito ba ang dahilan kaya hindi niya ako magawang tawagan?. Masaya naman pala siya hindi niya na kailangan pang panagutan ang baby ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD