"Tara."
"Ha?"
"Maglalaro tayo Rhiana."*wink*
Napailing na lang ako kay Sydney siguradong may binabalak to at hindi maganda ang kutob ko. Matagal na kaming magkaibigan at alam kong naiinis siya dahil nararamdaman niya na nasasaktan ako.
Bumili kami ng token para makalaro.
"Basketball tayo hohoho."
Tawa pa lang ni Sydney kinakabahan na ako.
Naghulog na ako ng token nagshohoot na ako ng bola ng mapatingin ako kay Syd.
Shit! Ang bruha tumabi pa talaga kina Raiser.
Nanlaki ang mata ko sinadyang patamaan ni Syd si Liza.
"Aww!"
"Miss naku naku sorry hindi ko sinasadya."
"Miss mag ingat ka naman! Sydney?" saway sa kanya ni Raiser.
Nagpalinga-linga si Raiser at ng makita niya ako ay nanlaki ang mata niya. Surprise gago. Nagulat pa talaga siya. Bakit siya lang ba may karapatan magpakasaya dito.
"Rhiana," gulat na sambit niya.
Lumapit ako sa kanila at hinila na si Syd palayo sa kanila.
"Syd tara na sa iba na lang tayo."
Nginitian ko sila,
"Pasensya na sa kaibigan ko."
Pumunta kami sa toy catcher may nakita kasi akong magandang minion.
"Ano ba yan hirap naman" reklamo ko ng hindi ko ito makuha.
Nakasampong subok na ako wala parin. Ang hirap pala talaga ipilit kunin yong di naman talaga para sa'yo. Ang hirap gustuhin ng mga bagay na hindi talaga para sa atin.
"Haha tigilan mo na nga yan dun tayo oh sa fishing hihi" aya sa'kin ni Syd.
Napailing na lang ako ng makita kong nandoon sila Liza naku pasaway talaga tong si Sydney. Lahat gagawin niya makapangbwesit lang sa taong ayaw niya.
Nagmamadali syang lumapit kina Liza at talagang tumabi siya kay Liza.
Mukhang wala naman siyang balak manggulo kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsubok kunin yong minion. Naubos na lang yong token ko pero hindi ko parin nakuha bibili sana uli ako ng manlaki ang mata ko sa ginawa ni Syd siniko niya si Liza aish! Pasaway.
"Naku sorry miss,"
Hinihimas himas niya pa si Liza galing talagang umarte nito.
"Sydney!"
Nagbabanta ang boses ni Raiser. Siguro ay napapansin narin niya na sinasadya talaga ni Sydney.
"What? Hindi ko sinasadya."
Lumapit na ako sa kanila kailangan na naming umalis baka kung ano pa maisip gawin na kalokohan ng kaibigan ko baka mamaya sinasaksak na niya si Liza. Ayoko dumalaw sa kulungan na buntis.
"Syd tara na nagugutom na ako," aya ko sa kan'ya.
"Ihhh naglalaro pa ako e," reklamo nito.
Alam na alam ko namang hindi mga games dito ang nilalaro niya kundi si Liza. Kapag hindi pa kami umalis baka bali-bali na ang buto ng babae ni Raiser.
"Bukas na lang ulit pagod na ako."
"Sige na nga."
Umalis na kami pero nahuli ko pang inirapan ni Syd si Raiser pasaway talaga. Hindi talaga siya papayag na hindi ipapadama ang inis niya.
"Ikaw talaga dami mong kalokohan," puna ko sa kan'ya.
"Tss dapat lang yon sa kanya may anak na yong nilalandi nya e."
"Baka hindi niya alam hayaan mo na nga yon."
"Ewan ko sayo kung ako yon baka sinampal ko na si Raiser kapal ng mukha kainis!"
Oo nakakainis nga nakakainis yong nararamdaman ko kumikirot ang dibdib ko parang naluluha ako habang pinagmamasadan ko sila ni Liza haaayy, kailangan itanong ko sa doctor kung symptoms pa ba to ng pagbubuntis ko.
Hinatid na ako sa bahay ni Sydney niyaya ko siya pumasok sa loob pero nagmamadali daw siya dahil may dinner date daw sila ng fiance niya kinikilig pa ang loka loka parang walang kalokohang ginawa.
"Ma, Pa nandito na po ako. "
Walang sumagot pero maingay sa kusina namin.Nagulat ako ng may bisita pala sina mama.
"Ma."
"Oh anak nandito ka na pala,"
Napatingin sa'kin ang mag asawang kasama nila at isang lalaking siguro ay anak nila.
"Anak kain ka na,"alok sa'kin ni papa.
Umupo ako sa tabi ni mama sa harap nung lalaki.
"Anak sila nga pala si Mr.and Mrs. De chaves at ang anak nila si Eric well mamemerge na ang company namin," pakilala ni papa sa mga bisita.
"Hello po good evening ako po si Rhiana," bati ko bago ngumiti ako sa kanila.
"Good evening din hija" bati ni mr. De Chaves.
"Oh bakit kaya hindi natin ipakasal ang mga anak natin mas magiging maganda yon sa kompanya hindi ba? Hahaha" ani ni Mrs. De Chaves.
Nasamid ako sa suggestion niya grabe lang. Parang ang dali lang sa kanila na ipakasal ang anak nila.
"Naku hindi pwede eh buntis na si Rhiana" sabi ni mama.
"Oh? Nasaan ang asawa mo iha?" tanong ni Mr. De Chaves.
"Wala po hindi po kami mag papakasal," nahihiyang sagot ko.
"Then let's get married," sabi ni Eric.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at nasamid naman ang aming mga magulang. Hindi ko alam kung sira ba ang ulo ng lalaking ito para sabihin 'yon.
Buntis ako sa ibang lalaki tapos papakasalan kalokohan.
"Hahaha nice joke," tawa ko.
Tumawa na din ang mga magulang namin pero nanatili s'yang seryosong nakatingin sa'kin. Medyo kinabahan ako sa sobrang seryoso niya. Totoo ba o nagbibiro lang siya.
"Ehem ehem," I fake cough.
"Anak seryoso ka ba?" Tanong ng ina niya.
"Yes man, ano naman kung buntis siya sa ibang lalaki I mean look at other people they adopt kids so I guess I can consider her child my own kahit hindi right?" paliwanag niya.
Napatitig ako sa kanya may sira ba ang ulo nito masyadong understanding at matured. Ang ibang lalaki malaman nga lang na hindi na virgin ang babae ayaw na nila tapos sya alam niyang buntis tatanggapin pa?.
"So it's settled then?" tanong ni Mr. De Chaves.
Isa pa naman tong ama niya, anong settled? Okay lang din sa kan'ya na magpakasal ang anak niya sa buntis?. Nababaliw naba sila?.
"Okay take care of my princess Eric." ani ni papa.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni papa so payag din siya. Ano bang nangyayari sa kanila.
"I will sir," sagot ni Eric.
Teka bakit parang di manlang nila tinanong kung okay lang ba sa'kin. Masaya sigurong mabigyan ng ama ang pinagbubuntis ko pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may kumirot sa dibdib ko. Bakit parang may hinahanap pa itong iba.