Nakatulala lang ako ngayon sa kwarto ko Lord ano bang nagawa ko bakit napakabait niyo sa'kin? Slut ako I slept with so many guys but then meron paring tao na handa akong tanggapin.
Malalim ang isip ko ng magring ang phone ko.
Si Raiser? Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi pero napagdesisyunan ko na sagutin.
"Hello?"
"I'm sorry"
Sandali akong natigilan napakaraming nangyari ngayong araw na hindi ko maintindihan una yong nararamdaman ko nasasaktan ako pag magkasama sila ni Liza tapos ngayon bakit siya nagsosorry?.
"Raiser bakit?"
"For everything."
"Be specific please."
Hindi ko siya maintindihan, nalilito na ako. Dulot parin ba ito ng pagbubuntis ko?. Ganito ba talaga pag buntis ang daming kakaibang nararamdaman.
"Rhiana I'm sorry kung hindi kita maalagaan sorry kung napapabayaan ko kayo ni baby," paghingi niya ng tawad.
"Pero bakit? Bakit nga ba hindi mo kami alagaan? Bakit Raiser sabihin mo bakit?" puno ng hinanakit na tanong ko sa kan'ya.
Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Ang sakit kasi tanggap ko naman na may iba s'yang mahal pero bakit ganito nasasaktan ako.
"Kailangan ako ni Liza"
"Pero kailangan din kita! Kailangan ka ng anak natin!" sigaw ko sa kan'ya.
"I'm sorry--
Pinatayan ko na siya ng phone sabagay kahit kailangan namin siya ng anak ko hindi niya kami pipiliin dahil mas mahalaga si Liza.
Sana hindi siya gumalaw ng kung sinong babae kung may mahal naman na pala s'yang iba. Sana hindi na lang sya nangbuntis sana hindi na lang sya ang nagustuhan ko oo inaamin ko na gusto ko siya kaya ako nasasaktan hindi lang basta gusto mahal ko na siya at nakakainis dahil hindi naman ako ang mahal niya.
Iyak ako ng iyak ngayon nagmumukha akong kawawa.
"Ahhh!"
Napasigaw ako sa sakit sh*t ang baby ko,
"Maaaaaa!"
Nagmamadaling pumasok si mama at papa sa kwarto ko at natatarantang lumapit sa akin.
"Anak anong nangyayari?!"natatarantang tanong ni mama.
"Ang baby ko," tanging sambit ko.
Nagmamadaling lumapit sakin si papa at binuhat ako.
"Kiana bilis tawagin mo si Fred at ihanda ang kotse" utos ni papa kay mama.
Nagmamadaling tumakbo si mama pababa para tawagin ang driver namin.
Pagkababa namin nandoon na agad ang kotse ipinasok agad ako ni papa at umalis na kami.
"Anak calm down please."
"Mama ang baby ko."
Iyak parin ako ng iyak.
"Your baby will be alright okay shhh stop crying princess," pag-alo nito sa'kin.
Nang makarating kami sa hospital ay agad akong dinala sa emergency room bago ako nawalan ng malay.
Nagising akong nahihilo at sobrang sakit ng mata ko ng makaadjust na ang mata ko nakita ko si Eric nakahawak sa isa kong kamay.
"Eric?"
Napatunghay siya at tumingin siya sa'kin.
"How are you feeling now? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong nito sa akin.
Nataranta ako ng maalala ang nangyari. Ang baby ko?
"Eric ang baby ko?!" tarantang tanong ko sa kan'ya.
"Shhh calm down the baby is fine," sagot niya sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang napatingin ako sa kan'ya ng nagtataka.
"Ano pa lang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kan'ya.
Napangiti siya sa tanong ko at natulala ako sa kan'ya ito ang unang beses kong nakita s'yang ngumiti para s'yang anghel kasi naman pagseryoso siya napakaistrikto n'yang tignan.
"Your my fiance Rhiana so you're my responsibility now," sagot niya sa'kin.
"Ahh wala ka bang trabaho ngayon?"
"Meron naman pero hayaan mo na yon magpagaling ka para maasikaso ko ang kompanya ng magulang natin."
Ngumiti ako sa kan'ya at tumango. Siguro kung mas una ko nakilala si Eric walang problema hindi ako masasaktan kay Raiser haaay hindi ko na siya dapat isipin makakasama sa baby namin.
Nakauwi na rin kami noong hapon galing hospital at umuwi na rin sa muna si Eric. Napagod din siguro yon he stayed up all night para lang bantayan ako.
"Anak please kung ano man ang problema mo hayaan mo na muna yon alagaan mo ang sarili mo at ang baby okay?"sabi ni mama.
"Opo ma."
Ngumiti siya sa'kin pero kita ko pa rin ang pag aalala niya, sabagay unang apo nila ito.
Aakyat na sana ako ng kwarto ng pumasok si papa na may kasama.
"Anak mag-usap kayo."
Iniwan kami ng magulang ko sa sala. Nakatingin lang siya sa'kin pero hindi ako tumitingin sa kan'ya kinakabahan ako.
"I heard what happen I'm sorry."
"It's not your fault Raiser."
"But I should be the one taking care of you."
"It's okay you don't have to."
"Okay ka na ba is there anything you want?"
"Wala kailangan ko lang ng pahinga."
Lumungkot ang mukha niya pero hinayaan ko na lang hindi ito ang oras para mag assume ako.
"Sige kung ganoon aalis na ako."
Ngumiti lang ako sa kan'ya at hinatid ko siya sa gate paalis na sana siya ng dumating si Eric nagkatinginan sila ni Raiser parehas nakakunot ang noo nila. Waaaaahhh nataranta na ako anong gagawin ko anong sasabihin ko?