Chapter 11

725 Words
"Sige aalis na ako,"paalam ni Raiser matapos silang magtitigan ni Eric. Ngumiti lang ako sa kan'ya. Pagkaalis ng kotse niya napalingon ako kay Eric. "Ano kasi ahm napadalaw lang siya" nahihiya kong sabi. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kan'ya. "It's okay siya parin naman ang tunay na ama ng bata." Nagulat ako na alam niya pero hindi na ako nagtanong. Tumango lang ako sa kan'ya at pumasok na kami sa loob ng bahay. "Dito ka na magdinner kung okay lang sayo," aya ko sa kan'ya. "Sure." Masayang sagot naman niya. Ngumiti ako sa kan'ya. Nakakainis kanina pa ako ngiti ng ngiti pag wala na akong masabi. "Ahm"----" Ahm" Napatingin ako sa kan'ya ng magkasabay kami, natawa naman siya ng konti. "Bakit pala andito ka na agad kanina lang magkasama pa tayo sa hospital?" tanong ko sa kan'ya. "Just checking if you're okay," sagot naman niya. "Salamat Eric pero wala ka bang girlfriend?" "Papakasalan ba kita kung meron?" "Haha oo nga naman e nagugustuhan wala ba?" Wala naman bakit mo tinatanong?" "Wala lang baka kasi bigla nalang may sumugod sa kasal natin haha." "Hmm sa tingin baka sa'yo may maghabol at itakas ka sa kasal natin." Napatingin ako sa kan'ya seryoso siya. Alam ko imposible ang sinasabi niya wala namang maghahabol sakin tss wala namang gusto sa'kin si Raiser. "Sigurado akong wala." "Mahal mo siya 'diba?" "Kung itatanggi ko ba maniniwala ka?" Natawa siya sa'kin. "Why don't you ask him to marry you?" tanong niya. Pinalo ko siya sa balikat at natawa ako. "Ano ka ba haha babae ako bakit ako mag-aaya ng kasal kung gusto niya ako siya ang magpopropose no haha," sagot ko sa kan'ya. "Hmm sabagay tama ka dyan sana lang bilisan niya kung may balak siya kasi sa oras na tumapak ka sa simbahan wala ng urungan at hinding hindi na kita papakawalan." Natulala ako sa kan'ya napakaseryoso niya ng sabihin niya yon at nakatitig lang siya sakin. Naputol lang yon ng tawagin na kami ni mama para kumain ng dinner. Excited kami nina mama at papa ngayon papunta ng ospital. Ngayon kasi ang schedule ng ultrasound ko malalaman na namin ang kasarian ng anak ko. "Anak tara na!" "Saglit lang may." "Wag mo namang madaliin ang anak natin." "Ihhh gusto ko na malaman kung boy or girl naeexcite ako mag shopping." Natawa na lang kami ni papa kay mama. Paglabas namin ng gate nandoon na si Eric. "Anak kay Eric ka na sumabay," utos ni papa. "Sige po." Pinagbuksan ako ng pinto ni Eric kaya pumasok na ako pagkatapos ay pumasok na rin siya at nagmaneho. "Excited ka na ba?" tanong niya sa'kin. Ngumiti ako sa kan'ya at tumango. "Pero mas excited si mama haha," natatawang sambit ko. "Halata nga, ano bang gusto mo girl or boy?" "Kahit ano naman blessing to ni Lord kaya happy ako kahit ano pa yon." Ngumiti siya sa'kin at nagpatuloy lang sa pagmamaneho napapansin ko madalas na s'yang ngumingiti unlike before parang palaging may dalaw. Pagkarating namin sa hospital ay nandoon na sina mama nauna pa sa'kin e, parang siya ang i-uultrasound. "Am I late?" Napatingin ako sa bagong dating na si Raiser. Ngumiti ako sa kan'ya "Hindi naman." "Rhiana Sevilla." Tawag nong nurse sa pangalan ko. "That's me." "Let's go ma'am" Nagmamadaling pumasok sina mama pero pinalabas sila, kami lang ni Raiser ang pwede sa loob nakita kong sumimangot si mama kaya natawa ako si Eric naman umiwas ng tingin ano kayang problema nun. "Hi Rhiana and Raiser ready na ba kayo malaman ang gender ni baby?" "Opo!" Sabay naming sabi kaya natawa si doktora. Habang tinitignan namin sa monitor ang bata ay naluluha ako I can also hear it's heartbeat. Lord thank you for this wonderful gift. "It's a twin congratulations dalawang baby girl." Napatingin ako kay Raiser ng suminghot siya lalo akong naluha ng makita ko na umiiyak siya habang nakangiti. Nang lumingon siya sa'kin ay niyakap niya ako. Bumilis ang t***k ng puso ko, ipinagdarasal ko lang na sana ay hindi niya iyon marinig. "I'm sorry di ko lang mapigilan napakasaya ko ganito pala ang pakiramdam ng magiging ama" paliwanag niya. Natawa ako sa kan'ya. "Okay lang yan hindi ka naman nagmukhang bakla haha." "Hey are you teasing me? Do you want another twin huh?" Namula ako sa sinabi niya natawa naman si doktora na nanunuod pala sa'min.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD