Pagkalabas namin ay sumalubong agad sina mama. Hindi naman halatang excited sila no?.
"Ano anak magshoshopping na ako anong gender ng apo ko?" tanong agad ni mama.
"Haha MGA apo ma," pag tatama ko sa kan'ya.
Nanlaki ang mata ni mama sa sinabi ko.
"Really?! Oh my god that's great," masayang sambit niya.
Niyakap naman ako ni papa.
"I'm so happy for you princess," buong nito sa'kin.
"Thanks papa and mama it's a girl," anunsyo ko sa kanila.
"Naku excited na ako na may mag iingay sa bahay natin sana lang hindi kayo ipagdamot samin ni Eric pag kasal na kayo" sambit ni mama.
"Kasal?!"
Nagulat kami sa sigaw ni Raiser.
"Ah eh ano kasi Raiser wag ka mag-alala hindi ko naman ipagdadamot ang anak natin" wika ko sa kan'ya.
"Tss."
Tinalikuran niya kami at umalis na siya. Hindi ko alam kung galit ba siya. Pero bakit naman siya magagalit? Wala lang naman ako sa kan'ya diba?.
"Hayaan na mo na yon Rhiana kung gusto ka niya gagawa siya ng paraan," sabi ni Eric.
Tumango lang ako. Napakabait ni Eric kahit mukha s'yang masungit hindi niya ako pinipilit binibigyan nya ako ng chance si Raiser lang ang problema.
Napagkasunduan namin na magmall muna kami. Humiwalay samin sina mama at papa bukod sa nagmamadali si mama mamili ng damit ng baby.
"Anong gusto mong gawin?". tanong ni Eric.
"Hmm mamasyal nalang muna tayo," sagot ko sa kan'ya.
"Sige."
Inakbayan niya ako pero hinayaan ko na lang. Marami ang napapalingon samin siguro dahil may itsura si Eric at dahil nakaakbay siya sa isang buntis.
"Totoo pala no ikakasal na si Mr. Dechaves at buntis na ang asawa niya yuck pinikot lang."
Sumama ang tingin ni Eric dun sa babae na nagsabi nun kaya umalis sila.
"Hayaan mo na," sabi ko sa kan'ya.
"I hate people when they're judging others without knowing the truth first tss."
Tama siya yan ang hirap sa mga tao mabilis silang manghusga base sa nakikita nila but what can we do that's human and their own opinions.
"Laro na lang tayo," aya ko sa kan'ya
Nagpunta muna kami sa laruan para naman makapag-enjoy kami.
Sinubukan namin lahat ng laro at talaga namang nakakapagod yon.
"Can you sing for me?"tanong ko sa kan'ya.
Natulala siya saglit sa'kin pero agad ding tumango.
"Live," I added
"What?" gulat n'yang tanong habang nanlalaki ang mata.
Sumimangot ako sa kan'ya kaya wala s'yang nagawa kundi sundin ang gusto ko.
"Fine."
Nakatitig lang ako sa kan'ya habang kinakantahan niya ako, damang-dama ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
Natapos ang kanta niya at lumapit sa'kin siya sakin.
"Don't ever leave me Rhiana."
Niyakap niya ako habang sinasabi niya 'yon.
Nakarinig ako ng tilian at mga kantyaw ng tao sa paligid kaya napangiti ako gumagawa na pala kami ng eksena dito.
Paglibot ng paningin ko nakita ko si Liza clapping her hands while smiling like the other people does but what caught my eyes is the man beside her with those pair of eyes looking sharply at us and it's Raiser.
After namin kumain ay umuwi na rin kami inihatid ako ni Eric dahil hindi ko na macontact sila mama at papa masyado yatang nalibang sa date nila.
Hindi ko rin malimutan yong tingin ni Raiser bakit ganun napakasama ng tingin nya na para bang anlaki ng kasalanan namin sa kanya. Nag iisip ako ng nagring ang phone ko and it's Raiser who's calling.
"Hello?" I answered.
"Ako ba talaga ang ama nyan Rhiana?!" Pasigaw n'yang tanong sa'kin.
"What?"
"Tss, you're a slut right? How will I be so sure na sa'kin nga yan ilan ba kaming pinagsabay sabay mo ha?"
Naluluha ako sa mga sinasabi niya sa'kin ngayon hindi na nga siguro mabubura yong image ko as a slut machine.
"I maybe a slut but I am not a gold digger as you can see mayaman ako I don't need your money and I don't even need you as my daughters father hindi kita pinilit kusa mong inako wala kang karapatan sa mga anak ko kung pagdududahan mo lang sila hindi ka namin kailangan! Lalo ngayon na may taong handa akong panindigan kahit hindi naman 'to sa kan'ya at handa akong pakasalan kahit sino pa ako! Kahit ano pa nakaraan ko!" sigaw ko sa kan'ya.
Pinatay ko ang phone ko matapos yon. Palagi na lang ganito kapag tumatawag siya nag aaway kami at madalas ko siya pinagpapatayan ng phone. Nakakainis ganito pala ang pakiramdam ng mainsulto ganito pala ang pakiramdam ng sobrang minamaliit oo marami na akong nakasama sa kama pero sya lang ang hindi gumamit ng proteksyon at siya lang din naman na ang huling nakagalaw sakin. Matagal na akong walang panahon sa s*x dahil sa dami ng trabaho ko sya lang naman itong sumusulpot sa opisina ko at may nangyari sa'min.
Kapal ng mukha niya hindi ko naman siya pinilit nakakainis dahil kahit ganon itong puso ko nasa kanya parin pero ayoko na kailangan ko na sya kalimutan hindi isang taong iinsultuhin lang ako ang dapat mahalin ko kundi yong taong mamahalin ako aalagaan at higit sa lahat irerespeto.