Ilang araw na ang nakalipas simula ng magkasagutan kami ni Raiser sa phone nagpapadala parin sya ng mga prutas pero hindi ko kinakain masyado akong nagtampo, sorry niya ang hinihintay ko hindi mga suhol.
"Anak nabubulok na yong mga prutas na padala ni Raiser bakit hindi mo kinakain?" tanong sa'kin ni mama.
"Ayoko ng mga yon ma,"
"Pero diba ganoong mga prutas lang din pinapadala ni Eric pero kinakain mo naman."
"Eh mas gusto ko yon ma, galing sa puso hindi katulad ng sa iba napipilitan lang."
"Umamin ka nga anak may problema ba kayo ni Raiser pati papa mo nahahalata na rin dahil hindi na siya dumadalaw dito."
"Ma, hindi ko naman siya kailangan nandyan naman si Eric."
"Anak iba pa rin yong tunay na ama ng mga bata at saka hindi ba pweding kayo na lang dalawa ang magpakasal?"
"Hindi ako namimilit ng tao ma, isa pa wala akong balak magpakatanga sa taong hindi ako ang mahal."
"Umamin ka nga Rhiana mahal mo ba si Raiser?"
Nagulat ako sa tanong ni mama ganon ba talaga ako kahalata para maisip niya yon. Haaay kawawang mga anak ko siguradong pagdating ng panahon ay maaaring husgahan sila ng mga tao. Bakit kasi ganun mahal ko naman si Raiser bakit ako hindi nya mahal. Malabo ba ang mata ni kupido at mali mali ang tinatamaan ng pana niya?
"Ahhhhhhhh!"sigaw ko.
"Sige pa misis push," utos ng doktor.
"Rhiana sige kaya mo yan," sabi ni Eric habang nakahawak sa kaliwa kong kamay.
"Please doc pwede bang wag na lang sya mahirapan?" tanong ni Raiser habang hawak hawak niya ang kanan kong kamay.
Pwede bang araw-araw na lang ako manganganak para laging may mga gwapong papabol akong kasama? Joke nagawa ko pa lumandi samantalang nahihirapan na ako.
"Ahhhh ihhhhhh!"
"Sige pa misis malapit na."
"Ihhhhhhhhhhh!!!!!!!"
"Uwaaaah uwaaaah!"
"Misis lumabas na yong isa let's wait for the other one."
My ghad mamamatay na ako isa pa lang yon may isa pa.
"Ahhhhhhhhh!!"
"Misis push!"
"Oo na saglit lang bwesit ikaw kaya manganak ng kambal in normal delivery!"sigaw ko sa doctor na nagpapaanak sa'kin kainis kanina pa ako binabadtrip e.
"Sorry po."
"Ahhh ihhhhhhhh! Hmmmmpppp!"
"Sige pa po malapit na."
"Saglit naman bwesit mas excited ka pa!"
Nakita kong natatawa na yong dalawang lalaking katabi ko.
"Bwesit tatawa pa kayo ha kayo kaya manganak!" sigaw ko sa kanila.
"Sorry," sabay pa nilang sabi.
"Uwaaaa uwaaaa uwaaa!!" narinig kong iyak ng mga anak ko.
"Congratulations ma'am ito na po ang twin baby girl niyo."
Inabot sa'kin ang mga anak ko grabe anong tingin nila sakin si bong soon na malakas para buhatin ko sila ng sabay mga bwesit nakalimutan yata nilang nakakapagod manganak. Buti na lang kinuha ni Raiser yong isa. Napangiti ako at naluluha habang tinitignan ko ang mga anak ko nakakawala ng pagod sila ang mga anghel ng buhay ko pero bakit ganun nakakairita kamukha parehas ni Raiser wala manlang kamukha ko.
"Bogssshhh booommm!"
Nagkatinginan kaming tatlo ng may sumabog sa labas ng hospital.
"Ano yon?"tanong ko.
" Sir sir may mga armadong tao sa labas ng hospital kailangan niyo pong tumakas"sigaw ng tauhan ni Raiser.
Tatakas? bakit? At talagang ngayon pa kung kelan pagod na pagod ang katawan ko mga bwesit.