Chapter 14

709 Words
Nagkakagulo na ang lahat sa hospital dahil sa pagsabog at dahil sa mga armadong tao mabuti na lang at may mga bodyguard si Eric at Raiser sa paligid tumawag na rin si Raiser sa papa nya kaya parating na ang mga sundalo at pulis. "Sir bilisan natin sa likod na tayo dadaan" sabi ng isang bodyguard. Nakasakay ako sa wheelchair at ang mga anak ko naman ay dala ni Eric at Raiser. Tulak tulak ako ng isa pang bodyguard. "Raiser ano bang nangyayari?" tanong ko. "Saka na ako magpapaliwanag kelangan na natin makaalis dito," sagot niya sa'kin. Naluluha ako dahil sa takot at pagod bakit ba ngayon pa kung kelan kakaanak ko lang. Pagkadating namin sa labas ay nandoon na ang sasakyan namin. Pagkasakay namin ay nagmaneho na ang driver pero agad may nagpaputok samin. "Ahhh"sigaw ko. "Uwaaaa uwaaahh," iyak ng mga anak ko. "Shhh Rhiana please calm down" sabi ni Raiser. "How can I calm down kung may mga humahabol satin para patayin ano na lang mangyayari sa mga anak ko?!"sigaw ko. "We won't let you three die" seryosong sabi ni Eric. Niyakap ko na lang ang dalwa kong anak para mapanatag sila. Kakalabas pa lang nila ng mundo karahasan agad ang kanilang naranasan. Patawad anak pero pangako poprotektahan ko kayo kahit buhay ko pa ang kapalit. Patuloy parin ang pakikipagputukan ng mga bodyguard doon sa mga humahabol samin mabuti na lang at nakasalubong na namin ang mga sundalo na pinadala ng ama ni Raiser. Ang iba sa sundalo ay inihatid kami sa bahay namin. "Anak! Oh my god anong nangyari sa inyo anak?" umiiyak na tanong ni mama. Lumapit ako kay mama at yumakap sa kanya. Umiyak ako sa balikat ng mama ko. "Mama natakot po ako." "Shhh tahan na princess we're here," sabi ni papa na yumakap na din. Nagising ako sa ingay ng mga anak ko na hawak hawak ni mama at papa. "Anak sorry nagising ka pero gutom na yata sila e," sabi ni mama. "Haha okay lang may." Kinuha ko sila sa magulang ko at sabay pinadede naunang makatulog si Rhysa kaya inilagay na sya ni mama sa kanyang crib habang si Rhynee naman ay dumidede pa rin. "Tuloy na ba ang kasal nyo ni Eric anak?" tanong ni papa. "Opo pero sabi ni Eric hihintayin namin mag isang taon ang kambal" sagot ko. "Hindi na ba magbabago ang isip mo anak? Paano si Raiser?" tanong ni mama. "Ma naman 'diba napag usapan na natin to mahal niya si Liza kaya imposible na pakasalan ako nun" sagot ko kay mama. "Pero kasi anak..." "Ma please," pakiusap ko kay mama. "Hayaan mo na ang anak natin tama naman sya masama ang sumira ng relasyon ng taong nagmamahalan" sabi ni papa. "Haay sige na nga, " suko ni mama. "Sige anak aalis na kami may trabaho pa kami ng mama mo pag may kailangan ka tawagin mo lang ang katulong sa baba okay?"paalam ni papa. Humalik at yumakap muna sila sa'kin at sa mga apo nila bago sila lumabas ng kwarto ko. Nang makatulog na rin si Rhynee ay itinabi ko na sya sa kapatid nya. Kapag nakapikit sila talagang magkamukhang magkamukha sila ang pinagkaiba lang naman nila ay mga mata. Rhynee have my black eyes and Rhysa have her father's eyes which is brown tanging yon lang ang pagkakakilanlan sa kanila. Tinawag ko ang isang katulong namin para bantayan ang kambal dahil maliligo muna ako. Matapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako pero kalalabas ko lang ng banyo ng may marinig kaming kalabog sa baba ng bahay. "Inday ano yon?" tanong ko sa katulong namin. "Ma'am saglit lang titignan ko po" Pagbukas ni inday ng pintuan ay napaatras siya dahil sa baril na nakatutok sa noo niya. Nanginginig na umatras si inday. Pumasok ang ilang mga kalalakihang may saklob ang mga ulo at tanging mata ilong at bibig lamang ang kita. "Anong kailangan niyo?" lakas loob kong tanong. "Wag ka ng magtanong sumama ka na lang para hindi kayo masaktan" sabi ng isa sa kanila. Wala kaming nagawa ni inday kundi sumama sa kanila. Dala dala ni inday si Rhysa habang dala ko naman si Rhynee. Hindi ko alam kung bakit namin nararanasan ito. Wala naman akong maalala na naging kaaway ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD