Chapter 15

1064 Words
"Uwaahh uwaaahh" Iyak ng iyak ang mga anak ko ngayon siguro nakakaramdam din sila ng takot. Nakakulong kami ngayon sa isang kwarto kasama si Inday. "Lumabas kasi muna kayo para mapadede ko ang mga anak ko!" sigaw ko sa kanila. "Oo na wag ka sumigaw di kami bingi," sagot ng isa sa kanila. Lumabas sila at iniwan kami. Agad ko namang pinadede ang mga anak ko. "Ma'am anong gagawin natin?" natatakot na tanong ni Inday. "Aba malay ko hindi ako gagawa ng ano mang kalokohan I will never risk my children's safety," sagot ko sa kanya. "Taray napaenglish si ma'am," biro ni Inday. "Bwesit ka nagawa mo pang magbiro sa kalagayan natin!" sigaw ko naman sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ba kami naririto hindi ko rin alam kung ano ba kailangan nila samin. Nakakainis ano na lang mangyayari samin? Papano na lang mga anak ko?. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking medyo may edad na. "Pasensya na kung kailangan ka pa namin dukutin." "Bakit ba kami narito?" tanong ko dito. "Malaki ang kasalanan ni Mr. Saavedra sa pamilya namin" sagot niya sakin. "Ha? Si Raiser?" nagtatakang tanong ko sa kan'ya. "Oo alam mo bang nawalan kami ng buhay dahil sa kan'ya?! Dahil sa kanya bumagsak ang kompanya namin! Dahil sa kanya nawalan ng kulay ang mga buhay namin!" sigaw niya. Nakakatakot siyang tignan galit na galit parang naging isang mabangis na leon siya na handa kaming lapain. "Sorry pero ano namang magagawa ko dun?" "Hahaha malaki ang magagawa mo at ng mga anak mo." Parang naging demonyo siya habang nakatingin sa mga anak ko. Itinago ko sa likuran ko ang mga anak pati narin si Inday. "Kung ano man ang kasalanan niya sayo please lang wag mo na idamay ang mga anak ko napakabata pa nila para maranasan 'to," pakiusap ko sa kan'ya. "Hindi mo naiintindihan!" sigaw n'ya. "Then make me! Make me understand why are you doing this mister!" ganting sigaw ko sa kan'ya. "Hindi ikaw! Hindi ikaw ang nawalan ng anak ang nag-iisa kong anak ang tanging natitira sa buhay ko at buhay ng magulang ko! Pero anong ginawa n'yang Raiser na yan sinaktan niya ang anak ko kaya siya nagpakamatay!" paliwanag niya. Nagsimula ng tumulo ang luha sa mga mata niya. Nakakaawa pero ano magagawa ng pagkidnap niya samin hindi nya na maiibalik ang buhay ng anak niya. "Tingin ko masama nga si Raiser tingnan mo ako binuntis niya kahit hindi niya mahal nasasaktan din ako pero ano ba magagawa ko andito na 'to eh kahit ano pa gawin ko hindi na mababalik ang nakaraan all I have to do is move on." Tumingin siya sa'kin na para bang naaawa pero agad din yong nawala. "Mali ka may magagawa pa tayo," ngumisi siya na para bang may masamang binabalak. Tumitig lang ako sa kan'ya at umiling.Tumingin siya sa anak ko. Agad naman akong kinabahan. "Patayin natin sila hahahaha siguradong masasaktan siya." "Nababaliw ka na hindi ako papayag!" "Edi mamamatay ka rin hahahaha." Tumawa siya ng tumawa at kinuha ang isang baril at tinutok sa'kin. "Mamili ka kakampi ka sa'kin o mamamatay karin?" nakangisi nyang tanong sa'kin. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa lalaking ito. Alam kong labis s'yang nasaktan pero hindi naman sagot yon para mandamay ng inosenting buhay. "Kill me then but you can't touch my kids never!" mariin kong sagot sa kan'ya. "Hahahaha nakakaawa ka mamamatay ka rin," nababaliw n'yang wika. Nakatitig ako sa kan'ya ayokong kumurap hangga't maaari baka pag mulat ko may isa ng duguan samin dito. Boggggshh! Isang pagsabog ang narinig namin. "Boss sinusugod tayo ng mga militar!" "Mas mabuti hihintayin ko na lang sila dito," ngumisi siya na para bang may magandang naisip na plano. Umupo siya sa bangko habang pinaglalaruan ang baril sa mga kamay niya. Tuloy ang putukan sa labas kaya naman hindi matigil ang pag-iyak ng mga anak ko pati ni Inday. "Ano ba inday tumigil ka nga ka iiyak," saway ko sa kanya. "Eh kasi naman ma'am huhu paano kung mamatay na ako dito" "Wag kang mag alala bibigyan kita ng magandang burol at libing kaya manahimik ka!" "Hindi naman yon eh napakawalang puso mo ma'am!" Inikot ko ang mga mata ko sa kanya at umiling na para bang nababaliw na siya sa mga sinasabi niya. "E kasi naman hindi pa ako nagkakaboyfriend NBSB ako huhuhu!" Natawa ako sa kanya sa ganitong sitwasyon yon pa talaga ang iniisip niya. Sa halip na mahal sa buhay niya maalala niya, lovelife pa talaga. "Hayaan mo na mas mabuti nga yon hindi mo mararanasan masaktan sa pag-ibig kasi alam mo wala namang forever e." "Wag ka ngang bitter!!" Natigil lang kami ni inday ng may pumasok sa pinto. Si Raiser, "Sa wakas nandito ka na nakakainip rin maghintay alam mo ba yon? Haha" "Pakawalan mo sila nandito na ako." "Hahaha anong akala mo ganon ganon na lang yon?" Bigla n'yang itinutok sa mga bata ang baril kaya mabilis kong niyakap ang mga anak ko. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa silid kung nasaan kami. Tumulo ang luha ko at nanginginig na rin sa takot nanghihina ako dahil wala akong naramdamang bala sa katawan ko hindi matanggap ang namumuong konklusyon sa isip ko at ng lumingon ako ay nakita ko ang nakahandusay na katawan ni Raiser pero pinipilit niya pa ring tumayo. "Sa tingin mo ba bayani ka na ha! Dahil sinalo mo ang bala? Hindi!" sigaw nung matandang lalaki at pumulot pa sya ng bakal at inihampas kay Raiser . Sa ulo sa katawan sa paa at sa braso hindi ko na mabilang kung ilang palo. Halos maligo na sa dugo si Raiser. Wala akong magawa kundi umiyak. "Please tama na" pakiusap ko pero hindi siya nakinig. Tumatawa siya habang binubogbog si Raiser. "Tama na po maawa naman kayo!" "Bakit ako maaawa sa hayop na 'to kung siya ang dahilan ng pagkamatay ng anak ko!" At isang malakas na hampas pa ang pinakawalan niya. Bang! Isang tama ng baril ang nagpatigil sa kan'ya mula sa medyo may katandaan ng sundalo katabi niya ang mga kapwa sundalo at si Eric na mga bagong dating. Bakit ganon akala ko ba sa pelikula lang huli dumadating ang mga alagad ng batas pero bakit pati dito bakit ngayon lang sila kung kailan sobrang nasaktan na si Raiser at halos hindi na siya makilala at nalulunod na rin sa sariling dugo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD