Papunta kami ngayon sa hospital mabuti na lang at si inday at Eric na ang naghahawak sa kambal dahil hindi ko talaga kaya. Nanginginig ako at hindi ko mapigilan ang pag iyak ko sobrang sakit na sa mismong harapan ko pa nag aagaw buhay ang taong mahal ko.
Nang makarating kami sa hospital ay nandoon din si Liza na umiiyak napansin ko na namumutla at nangangayayat din sya pero hindi na yon ang mahalaga ang mahalaga ay ang kaligtasan ni Raiser.
Napalingon si Liza samin at nanlaki ang mga mata niya.
"Eric?" tawag niya kay Eric
Tumingin lang sa kanya si Eric at ngumiti.
"Uminom ka muna," bigay sa'kin ng tubig ni Eric.
Kinuha ko yon at uminom.
Maya-maya lang ay lumabas na ang doctor.
"Family member of the patient?"
Lumapit ang may edad na sundalo.
"I'm his father doc."
"I'm sorry to say but hindi pa nagigising ang pasyente and we don't know kung kelan siya magigising dahil sa tindi ng bugbog at palo sa ulo niya pero naalis na namin ang bala sa likod niya. We will run some test and ct scan. For now all you can do is wait and pray" paliwanag ng doctor.
Pagkatapos nyang sabihin ay umalis na siya.
"Umuwi na muna tayo Rhiana it's not good para sa kambal ang manatili dito baka magkasakit sila," sabi ni Eric.
Hindi na ako nagprotesta pa at pumayag na lang dahil baka nga kung ano pa mangyari sa kambal ko at hindi yon gugustuhin ni Raiser.
Pagkauwi namin ay agad akong sinalubong ng yakap ng mga magulang ko.
"Mygod Rhiana halos atakihin ako sa puso ng mawala kayo!" Umiiyak na sabi ni mama.
"Princess are you hurt? The twins are they alright?" Tanong ni papa.
"I'm alright pa but Raiser is badly hurt," iyak ko sa kanila.
Niyakap lang nila ako at hinagod ang likod ko.
"Go upstairs and rest princess everything will be fine," sabi ni papa.
Umakyat na ako sa taas kasama ang kambal at iba pang katulong.
"Magpahinga ka na ma'am kami na po bahala sa mga bata."
Tumango lang ako sa kanila. Mabilis lang akong nakatulog dahil narin siguro sa pagod.
It's been almost 12 months at tulog parin si Raiser. Walang araw na hindi ako dumadalaw o sumasaglit sa hospital at palagi ko ring naaabutan si Liza doon para ngang doon na sya tumitira kaya naman lalo syang nangangayayat. Masigla lang siya tignan dahil sa ayos niya at paiba ibang kulay ng wig niya.
Dadalaw ako ngayon kay Raiser pero hindi ako mag-isa isasama ko ngayon ang kambal dahil bukas ay birthday na nila nakakalungkot na hindi siya makakaattend sa first birthday ng anak namin.
"Eric let's go ako na magdadala kay Rhynee sayo si Rhysa"
"Okay sige since paborito ko naman itong napakacute na si Rhysa."
"Mas cute si Rhynee."
"Woahh hey pantay lang ang cuteness nila ikaw talaga."
Natawa na lang ako sa kanya kasi hindi talaga siya pumapayag na may kinakampihan ako sa mga anak ko.
Nang makarating kami sa hospital ay dumiretso na kami sa room ni Raiser at tulad ng dati nandoon si Liza.
Ngumiti lang ako sa kan'ya at ganon din siya sa'kin.
"Raiser gising na nandito si Rhynee at Rhysa dinadalaw ka nila dapat gumising ka na kasi birthday na nila bukas"
Inilapit ko ang kambal kay Raiser para makita siya ng kambal.
"Look at this cute girls will you miss their birthday? Wake up sleepy head you should be the one guiding them every time they're practicing how to walk. Gising na baka si Eric na talaga ang kilalanin nilang ama sige ka mawawalan ka ng anak" biro ko sa kan'ya
"Anak? What do you mean?" Nanlalaki ang matang tanong ni Liza
"Akala ko si Eric ang ama nila?" dadag tanong pa niya.
"Raiser is the father of my daughters." sagot ko sa kan'ya.
"But why are you engaged with Eric?"
Ngumiti ako sa kanya.
"Dahil ikaw ang mahal niya."
Napatitig lang siya sa'kin bago siya bumaling ang tingin kay Raiser.
"D-ad" biglang nagsalita si Rhysa agad namang tumawa si Rhynee at ginaya ang kapatid niya.
"D-ad"
"Oh my god Raiser did you heard that they're calling you dad," masayang sabi ko.
Agad namang lumapit sakin si Eric para tulungan ako dahil naglilikot ang kambal.
"Wait? Did guys see that? gumalaw ang kamay nya oh my god wait tatawag ako ng doctor!" Natatarantang sabi ni Liza.
Hindi ako mapakali habang nakatingin kay Raiser dahan-dahang nagmumulat ang mata niya.
"A--na-k" nahihirapan niyang tawag sa kambal.
Ngayon ang birthday celebration ng kambal at walang pagsidlan ang tuwa ko dahil na rin nagising na si Raiser. Sa halip na sa bahay kami magcelebrate ay napagdesisyonan namin na sa hospital na lang para kasama ang daddy nila.
"Ready na ba ang mga cute babies?" tanong ni Eric.
"Oo haha pakibuhat naman si Rhysa," utos ko sa kan'ya.
Nakadress na pink ang kambal white na shoes at nasumbrero sila na pink.
"Pakiss nga ako sa mga cute na apo ko," sabi ni mama at humalik siya sa kambal.
"Mamaya na lang ang gift ko pagbalik natin babies," sabi naman ni papa.
"Let's go," aya ko sa kanila.
Nagtungo na kami sa hospital hindi alam ni Raiser na doon kami magcecelebrate kaya surprise ito sa kanya. Pagdating namin sa labas ng room niya ay nandoon na si Maria at ang papa ni Raiser.
"Ma'am!" sigaw ni Maria sabay yakap sa'kin.
"Hey easy baka maipit si Rhynee" sabi ko sa kan'ya.
"Ay sorry po namiss kasi kita saka waaahh nakakastress sa company mo ma'am" reklamo niya.
"Don't worry bibigyan kita ng extra pay," pampagaan ko sa loob niya.
"Yes!" sigaw niya.
"Shhhhhh!" halos sabay-sabay naming saway sa kanya.
"Sorry" nahihiyang sabi niya.
Sumilip si Liza galing sa loob at sinabing gising si Raiser kaya naman pumasok na kami.
"Surprise!!" sabi namin.
Napatingin siya samin at ngumiti siya.
Ipinasok na ng mga katulong ang handa ng kambal pati na ang cake, three layer na kambal ang cake nila.
"Wow happy birthday babies," sabi ni Raiser.
Nilapit ko sa kan'ya ang mga bata kaya naman na niya sa tagal n'yang nasa hospital ay gumaling na ang bugbog niya hinintay lang talaga s'yang magising.
"Napakacute naman ng mga anak ko."
Naghagikhikan ang kambal para bang naiintindihan nila ang sinabi ng daddy nila.
"Madaya nga eh kamukha mo sila parehas," reklamo ko.
"Dahil gwapo ako haha"
"Bakit pangit ba ako?" asar na tanong ko sa kan'ya.
"No you're the most beautiful woman that I've ever seen in my whole life."
Namula ako sa sinabi niya at tumingin ako sa paligid luckily busy sila sa pagkain at pagkukwentuhan kaya walang nakarinig. At sana hindi nila marinig ang t***k ng puso ko dahil masyadong malakas.