Chapter 17

630 Words
Naging masaya at puno ng tawanan ang birthday ng kambal marami din silang natanggap na regalo galing sa mga kakilala namin at sa mga kaibigan ng magulang ko. Gabi na ng makauwi kami sa bahay at naabutan namin ang magulang ni Eric.Nagmamadaling sumalubong ang mama ni Eric sa amin. "Happy birthday mga apo ko," humalik siya sa dalawang bata at binigay ang regalo niya. "Thank you po tita," pasasalamat ko sa kan'ya. "Welcome anything for my apo" nakangiti n'yang sabi. Ang weird lang dahil tuwang tuwa siya sa mga anak ko kahit hindi naman sila anak ni Eric parang tunay na apo ang turing niya sa mga ito. Sa halip na makipagkwentuhan siya kina mama ay nandito siya sa kwarto ko at nilalaro niya ang kambal. "Kelan pala ang kasal nyo ni Eric ang sabi nyo noon ay pag isang taon na ang mga bata" tanong niya sa'kin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa katotohanang kay Eric nga pala ako ikakasal at hindi kay Raiser. "After two months po tita yon ang sabi ni Eric, " sagot ko. "If you don't mind bakit hindi si Raiser ang pakasalan mo?" "Hindi naman ako ang mahal niya tita," malungkot na sagot ko. "Pero si Eric hindi mo siya mahal diba? So bakit mo siya papakasalan?" Para akong sinampal sa sinabi ni tita tama siya hindi ko rin naman mahal si Eric pero willing akong magpakasal sa kanya. "It's because if I will marry Raiser I might hurt Liza and I don't want that to happen." Ngumiti siya sa'kin. "Handa kang magsakripisyo sana lang may tao ding handang magsakripisyo para sumaya ka because someone like you deserve to be happy" Ngumiti ako sa kan'ya at tumingin sa kambal. "I'm happy and blessed naman po to have my babies." Nagulat ako ng pumunta ako sa bahay nina Liza upang magdala ng wedding invitation next week na ang wedding namin ni Eric pero ang nakita ko sa bahay nila ang malaking tarpaulin na may picture ni Liza at marami ding tao. "Miss kaibigan po ba kayo ni ma'am Liza?" tanong sakin ng guard. "Ah yes." "Sige ma'am pasok na kayo." Pumasok ako at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko Liza is in the center sleeping in her coffin. Nang makita ko si Raiser ay agad akong lumapit sa kan'ya. Malungkot siya at halatang ilang araw ng puyat dahil sa lalim at itim ng mata niya. "Raiser" tawag ko sa kan'ya. "Oh Rhiana ikaw pala," ngumiti siya sa'kin pero alam ko namang pilit lang yon. Niyakap ko siya para iparamdam ang pakikiramay ko. "Tara ipapakilala kita sa magulang ni Liza." Lumapit kami sa medyo may edad lang mag asawa. "Tita tito si Rhiana po mommy po ng mga anak ko Rhiana magulang ni Liza" pakilala samin ni Raiser. "Hello po" bati ko sa kanila. "Rhiana? Are you Rhiana Sevilla?" tanong ng mama ni Liza. "Opo bakit po?" "Wait here may kukunin lang ako." Ngumiti lang ako at tumango sa kan'ya. "Kumain ka na ba?" tanong ko kay Raiser. Umiling lang siya sakin. Nag-aalala ako sa kan'ya dahil kagagaling niya lang sa ospital pero nandito siya nasasaktan. "Gusto mo bang samahan kita mamaya pagkabalik ni tita?" tanong ko sa kanya. "Okay lang ako Rhiana your presence here is enough." "Pero ayokong magkasakit ang ama ng kambal." "Dahil lang ba ako ang ama ng kambal kaya ayaw mo ako magkasakit?" tanong niya sakin. Hindi ako nakasagot sa kan'ya kaya naman ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Mabuti na lang dumating na ang mama ni Liza at may inabot na sobre sa'kin. "Ano po ito?" tanong ko. "Ibinigay sa'kin yan ni Liza bago sya sumakabilang buhay." Tinignan ko ito at halatang sulat ang laman nito siguro mga bilin niya ito para alagaan si Raiser.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD