Ilang araw na ang nakalipas hindi ko pa rin binabasa ang sulat ni Liza nakalibing na rin siya. Si Raiser naman halos araw araw pumupunta dito sa bahay para makipaglaro sa kambal.
"Haaay!" napabuntong hininga ako habang nakatitig sa sulat ni Liza.
Ano ba kasi to listahan ng bilin mo? Pag hindi ko ba nasunod mumultuhin mo ako? Ganoon mo ba talaga kamahal si Raiser?.
"Haaaaaay" isang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago tuluyang buksan ang sulat.
Dear Rhiana,
Kung nababasa mo to siguro wala na ako sa mundo. Una gusto kong magsorry sayo sorry kasi hindi ka pinanindigan ni Raiser pero gusto ko lang malaman mo na hindi nya ako mahal bilang isang babae kundi bilang isang kapatid. Mahal na mahal ko sya siguro yon ang dahilan kaya mas pinili nya na manatili sa tabi ko. Sorry dahil hindi ko nalaman agad na siya pala ang ama ng anak mo dahil kung alam ko lang matagal ko na s'yang tinulak papunta sayo siguro alam n'yang mangyayari yon kaya sinabi n'yang si Eric ang ama ng anak mo. Mahal ka ni Raiser alam ko yon dahil kilalang kilala ko na siya simula bata pa lang magkasama na kami. Nasasaktan ngayon si Raiser alam mo ba kung bakit? Yon ay dahil sa dami ng lalaki sa mundo si Eric pa talaga ang aagaw sayo. Ang mama ni Raiser ay ang kinikilalang ina ngayon ni Eric napakasakit nun para sa kan'ya dahil sumama ang mama niya sa papa ni Eric at piniling iwan siya. Magkakaibigan kaming tatlo noong mga bata pa kami nasira lang dahil sa mama ni Raiser. Isipin mong mabuti Rhiana iniwan na siya ng mama niya iiwan mo rin ba siya? Make him happy please.
-Liza
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko ngayon dahil sa nabasa ko mahal ko si Raiser at masayang malaman na mahal niya rin ako pero anong gagawin ko bukas na ang kasal namin ni Eric hindi ko siya kayang ipahiya.
Wala na akong nagawa ng tuloy tuloy ng tumulo ang luha ko siguradong ako na ang pinakapangit na bride bukas.
Today is the day, I am wearing a long white gown walking with my parents at the aisle of the church. Everyone is looking at me they're all smiling habang ako nakangiti rin pero peke. Parang sobrang bagal ng oras gusto ko ng matapos agad ito parang dinudurog ang puso ko habang palapit ng palapit ako kay Eric habang siya ay napakalawak ng mga ngiti.
Nang makarating kami sa dulo ay ibinigay na ako ni papa kay Eric.
"Are you ready?" tanong ni Eric.
Dahan-dahan akong tumango sa kan'ya. Naglakad na kami patungo sa unahan kung saan may nakatalikod na lalaki ang weird lang.
"Rhiana all I want is to make you happy and for that to happen you have to be with him," sabi ni Eric at iniabot ang kamay ko kay Raiser.
Teka kumurap kurap ako at sinampal sampal ko ang sarili kaya natawa silang dalawa.
"Bro ang malas mo naman baliw pa yata papakasalan mo haha" biro ni Eric bago umalis.
"Raiser" tawag ko sa kan'ya.
"Yes babe?" Sagot niya sa'kin at kinindatan pa ako.
"Hindi ba ako nananaginip?" Tanong ko sa kan'ya.
Natawa lang siya sa'kin at pinisil niya ang pisngi ko.
"Aray!" reklamo ko.
"See? Hindi 'to panaginip."
Nagsimula na ang kasal at wala na akong naintindihan dahil hindi ako makapaniwalang kay Raiser ako kinakasal .
We exchanged I do's and kiss infront of all the people who attended our wedding.
Lumipat na kami sa bagong bahay na matagal na palang pinagawa ni Raiser matagal na sana kami dito pero pinili niya kasi noon na alagaan si Liza.
"Babe," tawag ni Raiser
"Hmm?"
"Tapos na ba yan?" tanong niya.
Nagluluto kasi ako ng adobo. Lumapit siya sa'kin at yumakap sa likod ko hinalikan niya ang batok ko habang dahan-dahang naglalakbay ang kamay niya sa katawan ko.
"Hmm Raiser" ungol ko
"Hmm babe..."
"Uwaaahh uwaaahh," iyak ng kambal.
"Aish ihabilin nga muna natin ang kambal sa lola't lolo nila istorbo," reklamo ni Raiser.
Natatawang pinalo ko siya sa balikat at pinuntahan na ang umiiyak na kambal.
End of part 1