Nagtataka na talaga siya dahil palaging umaalis si Dave nang gabi. Pangatlong araw na siya rito sa bahay na binigay nito sa kanya. Tinanggap niya na lang ang bahay. She have no choice dahil pinilit siya nito nang pinilit. Kakaalis lang ni Dave alam niyang mga alas-dos na naman ito nang madaling araw makakauwi. Gusto niyang malaman kung saan ito pumupunta. Tuwing alas-syete ito umaalis. Noong unang araw na dinala siya nito sa bahay na ito umalis ito nang alas-syete. Matutulog na sana siya nun kaso narinig niyang bumukas ang pinto alam niyang si Dave ang bumukas nun pero isinara rin nito kaagad ang pinto. Narinig niya na lang na umandar ang kotse nito paalis. Simula ng araw na iyon tuwing alas-syete umaalis ito. Binabantayan niya kasi ito kung anong oras ito umaalis. Pero nagtataka ta

