Kasalukuyan niyang dinadamitan ang anak niya nang may tumawag sa bagong cellphone niya. Sinagot niya ito at pinaupo niya mo na sa kama ang anak niya. Pagtingin niya sa caller ay unknown number ang nakalagay. Sino kaya itong tumatawag sa kanya? “Hello, who's this?” Inabot niya ang cologne sa bag niya. Nilagyan niya ng cologne ang anak niya. Napakunot ang noo niya dahil walang may sumasagot. “Hello, who are you?” tanong niya ulit. Sino kaya ito? Baka wrong call ito. Kaya pinatay niya na lang ang tawag wala rin naman kasing may nagsasalita. Inilagay niya ang cellphone sa bulsa ng bag niya. Binuhat niya ang anak at isinukbit ang bag sa kanyang balikat. Naglakad siya papuntang pinto. Pagbukas niya ay mukha ni Dave ang sumalubong sa kanya. Masaya ang mukha nito. “Hey! Andito ka na pa

