“Are you ready?” Tinanguan niya si Dave. Ready na ba talaga siya na makita ang mga ito? Ang alam kasi talaga ng mga ito patay na siya. Hays! I'm really nervous. Nasa harap na sila ng pinto ng bahay ng magulang niya. Nasa Canada na sila. Ano kaya magiging reaction ni mommy at daddy kapag nakita nila ako? Huwag sana silang mahimatay baka isipin nilang multo ako. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Sa wakas makakasama niya na ang mommy at daddy pati na rin ang dalawa niyang kuya. “Hi, Mom and Dad!” banggit niya sa mga pangalan nito. Hindi pa ng mga ito siya nakikita dahil nakatalikod ang mga ito. Unti-unting lumingon sa kanya ang mommy niya. Napatayo naman ito nang makita siya. “Honey! Nananaginip ba ako? Bakit nasa harapan ko si Angela?” Tinapik-tapik ng kanyang mommy ang

