Pababa na siya ng hagdan nang may marinig siyang nag-uusap. Kaya hinanap niya kung saan banda ito. Dahil madilim mabagal siyang humakbang pababa ng hagdan. Huminto siya sa huling baitang ng hagdan. Nakaupo si Gabriel sa sofa. Wala naman itong kasama. Wala rin dito si Elona kaya imposibleng si Elona ang kausap ni Gabriel. Teka, sino ang kausap niya sa cellphone? Kaya napakunot ang noo niya. “Don't worry, ilalayo ko sa kanya ang anak ko, ayaw kung madamay siya sa mangyayari. Ayokong ilayo niya sa akin ang anak ko. Kaya anak ko ang ilalayo ko sa kanya,” Shit! B-bakit ilalayo niya sa akin ang anak ko? ‘Di niya pwedeng ilayo sa akin ang anak ko! ‘Di ako papayag! “Don't worry, Honey, hindi niya malalaman,” F*ck you Gabriel! Matapos kitang mapatawad sa mga ginawa mo. Ganito ang ibabalik

