Naaasar siya sa lalaking kasama niya sa bahay ni Gabriel. Magtatlong buwan na siya kay Gabriel, hindi pa rin siya nakakauwi kay Dave. Nakaupo lang siya sa sofa. Walanghiyang Gabriel na iyon. Bakit ba kapag pumapasok siya sa trabaho niya pinapabantayan niya ako sa Jelo na ito! “Hoy! Jelo, pwede ba umalis ka rito!” sigaw niya. “Angela, bawas-bawasan mo nga ang pagiging bungangera mo. Araw-araw mo na lang ako sinisigawan, tatanda ka kaagad niyan,” “I said get out!” Binato niya ito ng tsinelas niya. Kinamot nito ang ulo na natamaan ng tsinelas. “Relax ka lang. Hindi ako aalis dito papagalitan ako ni Gabriel,” pagpapakalma nito sa kanya. “Ayaw kitang makita! Umalis ka kung ayaw mong mabato ng remote!” banta niya. “Lahat ba talaga ng mga buntis masusungit?” Binigyan niya ito nang

