Prenteng nakaupo si Gabriel sa sofa sa loob ng kwarto niya. Pinapanuod niya si Angela na kumakain ng tanghalian. Pinalagyan niya ng CCTV ang kwarto nito. He really miss her so much. Sobrang saya niya dahil buhay pa ito pati ang anak nila. Gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito. Alam niyang nagpapanggap lang ito na hindi siya kilala. Alam niya rin na hindi nito asawa ang lalaking nakita niya sa ospital. ‘Di niya naman talaga gusto na ipasuntok sa dalawa niyang kaibigan ang lalaking iyon. Tinawagan kasi siya ni Jelo at sinabi na nakita nito raw si Angela. Pero hindi siya naniwala sa kaibigan. Sinabi pa nitong si Dave Ortiz daw ang kasama ni Angela. Sinabi niya sa kaibigan na baka kamukha nito lang, pero malakas daw ang kutob nito na si Angela ang babaeng iyon. Dahil buntis da

