Palabas na siya ng Hospital. ‘Di niya kasama si Dave dahil alam niyang busy ito sa trabaho. Ayaw niya na kasi itong istorbohin. Habang naglalakad siya napansin niya ang isang lalaki. May kausap ito sa telepono habang naglalakad. Alam niyang mabubunggo siya nito. Iiwas na sana siya kaso biglang sumipa ang baby niya. Napahinto siya at napapikit. Nabitawan niya ang dalang paper bag. Naramdaman niyang may bumunggo sa kanya. Mabuti na lang sa balikat lang siya nito nabunggo. ‘Di kasi tumitingin sa dinadaanan, eh! Nagmulat siya at napailing-iling. Nakita niyang pinulot nito ang nalaglag na paper bag na dala niya. “Sorry, Mister,” Humingi na lang siya ng tawad sa nangyari. Pagtingin nito sa kanya ay parang nakakita ito ng multo. “Mister, sabi ko sorry,” Nakatitig lang ito sa mukha

