Hindi ko alam kung paano ko i-explain sa kanila ang situwasiyon ni Engr. Kith. Oo, alam nila ang tungkol kay Genil pero magkaiba naman kasi silang dalawa. Engr. Kith will marry his partner while Genil can't even get his self a boyfriend kaya hindi expose sa ganoong usapin ang mga anak ko. Hinalikan ko na lang sila at agad ding umalis. Sa Rodeway Inn ang dinner namin, isang hotel and restaurant dito sa ciudad namin. Mukhang nakalimutan naman ng dalawa ang usapan namin kanina kaya noong makarating kami sa resto at makita ang Ninong Kither nila, masigla nila itong sinalubong at binati. Salitan naman sila sa pagku-kuwento kay Engr. Kither sa mga experience nila rito kaya buong hapunan, silang tatlo lang talaga ang magka-usap at ako naman ay tahimik at nakangiti lang na nakamasi

