"'Yan po, manong, 'yan... pakilagay na lang po," turo ko pa sa pina-utos ko sa isa sa mga trabahante ng site. "Salamat, manong." Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. "Magandang umaga po, Engineer!" "Magandang umaga rin sa inyo!" Nakangiti namang bati ko sa mga trabahanteng ngumingiti at bumabati sa akin. Another busy day at work. Second week pa lang ng construction pero feeling ko ang dami ko nang na-achieve. Charot. Matapos ang isang oras na paglilibot at pag-observe sa mga manggagawa, sumilong ako sa tent kung saan ang plano ng project na ito. S'yempre, naka-puting hard hat na ako niyan and dressed properly according to the situation. Mukha akong tambay sa suot ko ngayon pero kumportable naman ako. Pinasadahan ko pa ng tingin ang blueprint sa lamesa bago

