"Ang ganda niyo po, Miss MJ, wala pa ring kupas," aniya bago ako naglakad pabalik sa elevator. Natawa na lang ako sa sinabi ng secretary'ng iyon at agad tinahak ang daan pabalik sa site. Bumalik ako sa site. Pero nagda-drive pa lang ako ay may tumawag na naman sa akin. Kinonekta ko ito sa airpods ko para makapag-drive pa rin ako habang may katawag. Annalina Sabete is calling... Medyo nagtaka pa ako kung bakit ako tatawagan ng girlfriend ni Vad. We're kind of close but it's still unusual but I accepted it anyway. "Yes, Lina? Napatawag ka?" Nakangiti ko pang sagot sa kaniya kahit na hindi naman niya nakikita. "MJ, nasaan ka? Bakit wala ka rito?" Pero ang ngiting kanina'y naka-plaster sa aking mukha ay biglang napalitan ng pagtataka. "Pabalik na ako sa trabaho ko.

