Pagkarating ko sa bahay, agad akong inasikaso ng mga kasambahay para malapatan ng pa-unang lunas ang paa kong na-injured. Naabutan pa nga ako nina Mama at Papa bago sila umalis pabalik ng Manila. Nang makaalis sina Mama at Papa at na-bendahan na ang medyo namamaga ko pa ring paa, nagpahinga ako sa sala ng bahay at nanood ng TV. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi ni Darry kanina. Mukhang kailangan ko nga ang pahinga. Natawagan ko na rin si Engr. Meeton at ang iba pa para i-inform ang tungkol sa minor accident na nangyari sa akin. "Mom? Are you okay?" Lumapit sa akin ang kambal at agad tinanong sa akin ang kaninang tanong pa nila. Kanina pa nila ako kinukulit sa kalagayan ko. Parang hindi naniniwala sa bawat sinasabi ko, e. Si Kaven ang nagtanong no'n. "I am fine, mga

