I'm expecting na papagalitan nila ako, o 'di kaya'y matinding drama ang makukuha ko mula sa kanila once na magka-alaman na tungkol sa totoong ama ng mga anak ko pero hindi ko pa lang nasasabi sa kanila, alam na nila kung sino. Ganoon ba talaga kahalata sa mukha ni Kaven? Napayuko ako, pinagmasdan ang buhangin na nadadaanan namin saka ako nagbuntonghininga. "Natatakot ako, Papa," panimula ko. "Natatakot po akong sabihin sa kanila kasi alam ko pong kukunin nila sa akin ang mga anak ko." Papa tapped my shoulder. "No one will take away your children from you. Anak mo sila at ikaw ang higit na may karapatan para alagaan sila. Ang sa akin lang naman, mija, e, malaman nila ang tungkol sa mga bata. Ang dugo nila ay nasa dugo rin ng mga anak mo, ng mga apo ko. Hindi lang Osmeña ang

