"Bakit ni isa sa inyo walang nagsabi sa akin?" Kalmado pero puno ng hinanakit na tanong ko sa kanila habang nakatayo at mariing nakatitig sa kabaong ni Lolo. Tuloy-tuloy pa ring umaagos ang mga luha kong hindi na yata maubos-ubos. "Anak, magpahinga ka muna. Katatapos lang kanina ng board exams n'yo and bumiyahe ka pa from Manila," puno ng pag-aalalang sabi ni Mama sa akin sabay marahang hinaplos ang kaliwang braso ko. I clenched my jaw and intently look at my Lolo's cadaver. "Tama ang Mama mo, mija, have some rest. Pagod ka, and also, hindi ka pa nakapag-hapunan. Darry said na kaninang hapon ka pa umalis ng penthouse n'yo kaya for sure hindi ka pa kumakain." Kung masisira agad ang ngipin ng isang tao dahil sa kakatiim-bagang, baka kanina pa nasira ang mga ngipin ko sa sobra

