"I'm sorry, wife," he said in his usual baritone voice. I can sense sincerity pero sobrang namanhid na ako sa sakit, wala na ulit akong ibang maramdaman kundi ang sakit. "Sorry?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya. "Bakit, Darry? Mabubuhay ba si Lolo ng sorry mo?" "I-I-I just want you to focus on your board exams and y-your Lolo asked me to hide it from you for the meantime." What the s**t? Umatras ako ng isang hakbang palayo sa kaniya at hindi makapaniwala sa dinagdag niyang rason. "Focus on my boards? Nakaka-putangina naman 'yan, Darry! Isang malaking putang ina!" Sigaw ko sa kaniya. "Ang board exam, puwede ko pang kunin hangga't kailan ko gusto. Puwedeng sa susunod na taon, puwede kong ipagpaliban. Pero ang buhay ng Lolo ko... isa lang 'yon, e, isa lang! Sana hinayaan

