Chapter 21.2: The Husband's Friends (Part 2)

2627 Words
Darry: Dinner later with your Mama and Papa. Tomatito. I'll fetch you there.   Ako: Okay.   I sighed heavily then throw my phone on a coffee table.   Tumitig si Lorene doon at bahagya pang sinipat ng tingin ang screen.   "Lalim ng hininga, a. Pasan mo ba ang mundo?" Ani Lory. Hindi ko na pinansin at itinoon na lang ang atensiyon sa TV ng condo ni Maj.   "So, kumusta ang unang gabi bilang mag-asawa?" Iginalaw ko ang aking mata para makita si Paulla na may dalang malaking bowl ng popcorn at inilapag sa coffee table sa harapan namin. "Welcome to the club na ba?" Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang idagdag niya iyon.   "Oo nga, kaibigan! Magkuwento ka naman!" Ani Ressie na yakap-yakap ang throw pillow ng sofa.   "Masarap ba?" Tanong ni Lory.   "Daks ba?" May panunuyang tanong ni Jessa.   "Magaling ba?" Nagsitilian silang lahat sa sinabi ni Paulla.   Ano ba!!!   Halos lamukusin ko ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi nila.   "Mga punyemas!" Sigaw ko. "'Wag n'yo nga akong dinadamay d'yan sa mga maduduming n'yong utak!" Dagdag ko habang nakatingin pa rin sa TV.   Matapos ang pananghalian namin sa penthouse, umalis ako roon at pinuntahan ang condo ni Maj kung nasaan ang mga kaibigan ko. Babalik na silang Negros mamayang gabi kaya sinusulit ko lang kasi hindi namin alam kung kailan ulit ang sunod na gala.   "Asows! Madamot ka lang sa kuwento, e!" Ani Jessa.   "Tigilan n'yo na 'yang si Misis Lizares, it's a private thing about a married couple kaya dapat hindi na shini-share 'yan."   Nakahinga ako nang maluwag nang salbahin ako ni Vad.   "Wala nga sabi akong ginagawang makamundo kasama si Darry!" Depensa ko pa rin.   "Kahit kiss wala? Imposible naman, MJ. Ikaw nga nagturo sa amin n'yang bases, e, tapos unang araw mo bilang Misis Lizares wala kang ginawa?"   Halos tampalin ko ang noo ko sa sinabi ni Paulla.   "Wala nga!"   "Sigurado ka? Anong ginawa n'yo pagkarating n'yo sa penthouse niya?" Tanong ni Maj.   I almost groaned with their questions.   "Wala! Natulog ako!"   "Natulog ka? Natiis mo 'yon? E, 'di ba noong ka-fling mo si Gerald, ang sabi mo halos mapunit ang kumot niya sa dorm nila dahil sa paglalaplapan n'yo? Nakapagpigil ka talaga, MJ?"   My God! These friends are crazy as hell!   "Hindi kami magkatabi," malamig kong sabi at kinuha ang nilapag na bowl ni Paulla kanina.   "Wow!" Halos sabay na sabi nilang lahat.   Napapikit ako nang mariin dahil sa lakas ng boses nila.   "Hindi ko siya fling para laplapan."   "Yes, he's not your fling but he's your goddamn husband, MJ. So basically, you can do whatever you want to do. It's all legal and moral. You can even proceed to the base three and more and explore!" Ma-aksiyong kuwento ni Ressie na mas lalo kong sinimangutan.   "Why are we even talking about this one? We're here to watch a movie! Can we just watch this one, guys?" Tiningnan ko sila isa-isa at masiyadong seryoso ang kanilang mga tingin sa akin kaya umiwas na ako ng tingin agad.   "I know you don't have any experience about being a girlfriend to a guy. Wala kang experience sa isang totoong relasyon. But do you know how to be a wife to your husband?"   Umurong nang panandalian ang kaluluwa ko nang marinig ang sinabi ni Jessa.   'Wala kang experience sa isang totoong relasyon.'   "E, ano naman ngayon? Wala rin naman akong pakialam. Kesyo may alam ako o wala, it will always put into waste," depensa ko.   "Bakit naman?" Curios na tanong ni Lorene.   "Kahit na, MJ, dapat alam mo kung paano maging mabuting asawa sa asawa mo! You should cook for him, take care of him, make him happy all the time! Ganoon 'yon!" Ani Lory not minding what her twin sis asked.   "Ewan ko sa inyo, kahapon lang naman ako ikinasal kung saan-saan na kayo nakakarating. Iba na lang pag-usapan natin, 'wag 'yan. At 'wag kayong mga feeling na may experience kasi hindi pa naman kayo kasal." Pagtatapos ko sa usapan.   Natuloy ang usual hapon namin with watching movies and usapan tungkol sa future plans nila. Meron din silang mga chismis na pinag-usapan pero masiyado yatang lutang ang utak ko at hindi ako minsan makasunod sa mga pinag-uusapan nila.   Hanggang sa kailangan ko nang umalis. Si Jessa umalis din kasi kailangan daw niyang makausap si Mefan. Yes, the Pilot Mefan Barcelona. 'Yong iba, nagpaiwan sa condo ni Maj kasi aalis na sila mamayang gabi. Gusto ko pa sanang sumama sa paghatid pero hindi pa ako sigurado kung makakasama ako. May dinner nga kami nina Mama.   So sabay nga kaming bumaba ni Jessa. Kaming dalawa lang siyempre, hipokrito 'yong si Maj, e, hindi man lang kami hinatid pababa, sabi malaki na raw kami.   Akala ko sa lobby ng condo si Jessa bababa, pero katulad ko pala na sa basement parking ang diretso.   "May sundo ka? Sino? 'Yong piloto?"   "Yeah..." At sinabayan niya pa ng kibit balikat.   "Talagang boyfriend mo 'yon?" Napangiwi ako, hanggang ngayon 'di ko pa rin matanggap.   "Bruha ka! Kaibigan ba kita o basher? Ba't parang hindi ka makapaniwala r'yan?"   Mas lalo akong umismid tapos pinasadahan ko ng tingin siya mula ulo hanggang paa.   "I thought you don't like pilots?"   "I thought you don't like the Lizares?"   Back to you, MJ!   Ting!   Matinding paglunok ang ginawa ko sa sinabi ni Jessa kaya naiwan ako sa loob ng elevator. Muntik pa akong masaraduhan kung hindi lang ako naging maagap sa pagpigil ng pinto.   Naipilig ko ang ulo ko dahil sa sinabi ni Jessa. Gusto kong dumepensa kaso baka maging guilty ako kung ginawa ko. Mabuti siguro, manahimik na lang ako?   Sinundan ko sa paglalakad si Jessa at bahagya ring hinanap sa malawak na basement parking na iyon ang kotse ni Darry.   Bakit ba kasi dito pa? Puwede namang doon na lang sa lobby?   Hindi rin nagtagal ang paghahanap ko dahil agad ko naman siyang nakita, kausap ang pilotong boyfriend ng kaibigan ko.   Tumigil ako sa paglalakad at sinipat ng tingin ang bawat kilos ni Jessa. Pinanliitan ko pa ito ng mata habang papalapit siya kay Mefan.   Ew.   Matinding pagngiwi ang ginawa ko nang hinalikan ni Jessa si Mefan sa labi. Like, ew!!!!   I know I've seen my friends landi some guys way back college but punyemas! I never imagined them to be near a guy like Mefan Barcelona! Punyemas, Jessa, what did you do?   "Ang laswa, Jessa! Akala ko ba galit ka r'yan?" Hindi ko na nga napigilan ang sarili kong singhalan siya.   Pero ang walang hiya kong kaibigan, ayon, nakangiti lang habang nakapulupot ang kamay nila sa bewang ng isa't-isa.   "Malaswa, MJ? E 'di ba, gawain mo 'to?" Humalakhak siya nang todo na halos um-echo ito sa basement parking.   Aba't!!!   Hindi ko alam kung sasakmalin ko ba si Jessa o tatahiin ang bibig. Sobrang nakakainis!   "Umalis na nga kayo! Naiirita ako sa'yo, kanina pa!" Iwinasiwas ko ang kamay ko para malaman nilang pinapalayas ko na nga sila.   Patuloy pa rin sa paghalakhak si Jessa habang inaalalayan siya ni Mefan pero bago pa man siya makapasok. May pahabol pa ang bruha.   "Good bye, Mister Lizares. Good bye, Missis Lizares!"   Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi na pinatulan ang pinagsasabi ni Jessa.   "Sige bay, ma-una na kami. MJ!"   Pagak akong ngumiti kay Mefan nang nagpaalam siya. Humarurot ulit ang sports car na nakita ko na kagabi.   Punyemas! See that? Masiyado silang mataas para sa amin! Oo, mayaman kami pero wala kami sa kalingkingan ng kayamanan nila.   "Let's go, Mama Blake and Papa Rest are waiting."   Punyemas. Isa pa 'to. Mama Blake and Papa Rest? When did he start calling them that?   "S-Sige..." Tumikhim ako para pakalmahin ang sarili ko. Punyemas, ang ingay talaga ni Jessa. Sana kahit minsan lang, itikom niya ang bibig niya. At sana kanina niya itinikom ang bibig niya!   Punyemas! Guilty'ng-guilty yata tayo sa parte na gawain natin 'yon, MJ?   Tahimik kami buong biyahe hanggang sa nakarating kami sa resto at nakasama namin ang pamilya ko. Kumpleto kami, maliban na lang kay Ate Isabel.   Aalis na bukas sina Ate Tonette and family pabalik ng Negros to handle the Steel Works. Mama, Papa, Kuya Yosef, and Falcon will go to Pennsylvania. My parents will start their vacation and to also visit their new apo na si baby Dove.   Nakahiga na ako sa kama ko rito sa penthouse. Nakatitig ako sa isang maliit na ilaw sa ibabaw ng bedside table ko. Kanina pa ako nagpaikot-ikot sa kama ko. Hindi ko na alam kung anong oras, basta ang alam ko kanina pa ako hindi makatulog!   Ewan ko ba! Baka naghahanap ng alak ang sistema ko?   Padarag akong bumangon at ginulo ang buhok.   Punyemas naman! 'Wag mo sabihing namamahay ako?   Bumagsak ako sa kama at pinilit ipikit ang mata ko. Pumikit lang talaga ako hanggang sa hilahin na ako ng antok.   I am now blow-drying my hair. Katatapos ko lang magbihis and I'm now preparing for my first day of work. Yes! Maybe not as engineer but the acting CEO of Osmeña Business Empire. Final touch ko na itong blow dry kasi tapos na akong maglagay ng light make-up.   I am wearing a black turtle neck sweater ng Uniqlo, Memo's black trouser, and Vince Vero Leather Slip-ons. Papatungan ko lang ng coat ang damit ko, puwede nang pang-opisina.   Nang matuyo ang buhok, kinuha ko ang maliit kong handbag and ang black coat at lumabas na agad ako ng kuwarto. Yeah, all black. Parang araw ng mga patay. But hey! I look good with black!   Kumportableng-kumportable akong naglakad pababa ng semicircular stairs. Pinasadahan ko ng tingin ang buong sala, walang tao at sobrang tahimik ng penthouse.   Inilapag ko muna sa may coffee table ang coat at ang handbag 'tsaka ako pumunta ng dining area. Dumiretso akong kusina nang makitang walang tao roon.   "Magandang umaga, Ma'am MJ!" Maligayang bati ni Erna nang makita ako sa kusina. Siya ang nasa tapat ng stove at merong niluluto at base sa amoy, chicken sausage 'yon.   "Ba't ang tagal mo namang gumising?" Salubong agad ni Alice sa akin. Unlike Erna, masiyado talagang straight to the point itong si Alice kaya hayaan n'yo na, hindi pa ba kayo sanay?   "Ang aga ko kaya!"   "Dapat ikaw ang naghahanda ng agahan n'yo," rebuttal niya na ikinataas ng kilay ko.   "Bakit ako? Ano pang silbi n'yo kung pati agahan, ako pa ang gagawa?"   "Oo nga naman, Ate Alice. Edi nawalan tayo ng trabaho nito?"   Natawa ako sa sinabi ni Erna kaya taas noo kong nilingon si Alice, nakahanap ng kakampi sa katauhan ni Erna.   "May asawa ka na, Ma'am MJ, kaya dapat lang marunong kang pagsilbihan ang asawa mo. Ipagluto mo siya tuwing umaga, tuwing tanghali, tuwing gabi."   Okay... I need to crane my neck, this is gonna be good fight.   "Ano ako? Alalay?" Matapos kong patunugin ang leeg ko, 'yon lang ang sinabi ko. Wala lang, trip ko lang.   Natapos si Erna sa pagluluto kaya inilapat na niya ang nilutong ulam sa isang malinis na lalagyan. Si Alice naman ay inabot sa akin ang mug ng usual coffee ko at tinulungan si Erna na dalhin sa dining area ang almusal. Sinundan ko ang dalawa sa dining area att tumayo malapit sa kabisera ng lamesa, patalikod sa daan galing sa salas.   "Bakit ko naman gagawin 'yon? I studied college and finished it to be an engineer, not to be a slave to anyone. Kaya bakit ako magluluto? Bakit ako magsisilbi?" Rebuttal ko sa kanila. Kasi totoo naman. Hindi ako magpapakahirap sa kolehiyo kung pagsisilbihan ko lang pala ang ibang tao! No punyemas way!   Pero punyemas, wala sa akin ang tingin nila. Kundi nasa likuran ko.   "Magandang umaga, Sir Darry."   Nice. Very very nice.   Marahan akong pumikit at pagak na ngumiti sa likod ng aking isipan. Ganda ng bungad!   "Good morning," sabi niya gamit ang pang-umagang boses niya.   Punyemas! That voice of him... is just... so sexy. Punyemas!   "Almusal na po, Sir," sabi ni Alice sabay pasada ng tingin sa akin. Dahil nasa tabi ako ng kabisera, siyempre hindi siya umupo roon. Sa right side ng kabisera siya umupo, malayo sa akin.   "Good morning," bati ko sa seryosong boses at sinabayan na siya sa pag-upo.   "Hmm..."   'Yon lang ang sinagot niya sa akin. Ni pasada ng tingin, hindi niya ginawa, diretsong sa mga pagkain siya nakatingin. Ni lingon, wala. Ni sulyap, wala! Aba matinde!   Gulantang man sa ginawa niya, nagawa ko namang maglagay ng pagkain sa pinggan ko.   Narinig niya kaya ang sinabi ko? Imposible kasi kapapasok lang niya sa dining area nang matapos ako sa pagsasalita, tama ba? Sana nga.   Tahimik ang unang minuto ng aming pagkain. Kaya nang nakatatlong subo ako ay inayos ko ang sarili ko at bahagyang tumikhim para maagaw naman ang pansin niya, 'no?   Sinulyapan ko siya pero wala pa rin siyang imik kaya nagsalita na ako.   "Anong opisina ba ang una kong pupuntahan? Sa inyo ba o sa amin?" Tanong ko sa schedule ko ngayong araw.   Ang sabi kasi, mag-o-office tour muna, ipapakilala muna ako sa dalawang kompanya tapos wala na, kasi bukas pa ang official first day of work ko talaga. Kaya nga naka slip-on ako, e.   "Osmeña Building."   "Ah, so after no'n, punta na tayong Lizares?" Ngumiti pa ako kahit hindi naman siya tumitingin sa akin.   "No."   Oh! So cold, nahiya si Elsa at Olaf sa malamig niyang boses. Punyemas. He's so cold!   "Ha? Bakit? 'Di ba ngayong araw din ang office tour ko sa building n'yo?" Isang ngiti na lang, MJ, baka nasaktohan lang na ganoon talaga ang sagot niya. "At saka ipakikilala rin ako roon, 'di ba?" Isang subok pa.   "It's not today."   Punyemas, malamig pa rin. Isang subok na lang talaga.   "Ha? E, kailan? Akala ko pa naman ngayon." Nag-iwas ako ng tingin at pinalungkot ang mukha ko.   "I'll reschedule it, we have the whole week to do the tour before we went home to Negros for the election." At bigla siyang tumayo. "Hurry up, ihahatid na kita sa opisina mo." At bigla rin siyang nawala sa upuan niya.   Okay? What was that? What the punyemas was that?!   I sighed heavily. Something is up. Anong nangyayari sa kaniya? He's not this cold noong nagkita kami umaga bago kami ikinasal. Hindi rin siya ganito kagabi noong kasama namin ang parents ko. What is going on?   "Ma'am MJ, naghihintay na si Sir Darry. Aalis na po raw kayo."   Matinding singhap ang ginawa ko nang marinig ang boses ni Erna.   Kahit hindi pa tapos sa pagkain, wala akong nagawa kundi ang tumayo at lumabas. Inabot sa akin ni Alice ang mga gamit kong inilapag ko sa coffee table kanina at seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang inaabot sa akin ang mga iyon.   Darry's standing at the door of the penthouse. Noong nakita niya ako ay na-una na siyang lumabas kaya napasunod na rin ako.   Punyemas. Tahimik na naman kami hanggang sa makarating kami sa Osmeña Building.   Ang akala ko, lalabas siya sa kotse niya at pagbubuksan ako pero nanatili sa steering wheel ang kamay niya at nakatingin lang sa harapan. Wala sa sarili akong napatingin sa labas ng kotse at nakitang may papalapit na isang valet ng building.   "Your cousin, Dieviena, will be the one to accompany you on your office."   What?   Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.   "H-Ha? Hindi ka sasama?" Kasama sa usapan na sasama siya. Kaming dalawa ang papasok sa building.   "I still have work to do in the office. And no need for me to introduce, they already knew me."   Punyemas?   Matinding paglunok ang ginawa ko at hindi na nagawang makapagsalita nang buksan na ng valet ang pinto sa side ko. Humigpit ang hawak ko sa handbag at hindi na siya tiningnan hanggang sa makapasok ako sa loob ng lobby.   Punyemas! Ganyanan pala ang gusto mong trato ha? Okay! Walang problema, Darry. Varsity player ako sa pag-i-ignora.   Fuck. That. s**t!   ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD