Chapter 30 NARARAMDAMAN ko na parang may mga matang nakamasid sa’kin pagdating ko palang sa lugar. Kaya palingun lingon ako habang naglalakad sa loob. Ngunit wala naman akong makita. Guni guni ko lang siguro sabi ko sa isip ko. Pauwi na sana ako galing sa trabaho nang maisipan kong dumaan muna sa Mall tutal maaga pa naman. Para ibili nang laruan ang anak ko sigurado akong matutuwa siya pagdating ko. Napapangiti ako habang iniisip ko ang magiging reaksyon niya kapag naibigay ko na ang laruan na bibilhin ko para sa kanya. Naglakad ako at pumunta nang Toy’s Section. Maraming ibat ibang laruan. Naglibot pa ako hanggang sa makita ko ang poboritong laruin nang anak ko. Naalala ko bigla si Lawrence. Isa siya sa mga hinahangaang manlalaro dahil magaling siya sa basketball sa aming University

