Chapter 31 NAKATAYO at tahimik na nakatanaw sa mga nagtatayugang mga gusali mula sa bintana nang aking opisina. Kahit pagod galing nang Airport ay dumeretso na agad ako dito, gusto kong makita kung sinunod nga nang secretary ko ang mga iniutos ko sa kanya sa phone. Hindi ko pa rin alam kung tama ba ang naging desisyon ko na umuwi na nang pilipinas. Ilang taon na rin ang lumipas, pero parang kahapon lang nagyari ang lahat. Hangga ngayon sariwa parin sa aking isipan at hindi ko pa rin makalimutan. Hindi naging maganda ang naging karanasan ko dito, kaya nung una ayoko nang bumalik at manatili nalang sa America. Pero nakapangako ako kay Mama na uuwi nang pilipinas. Nagtataka talaga ako sa kanya nang mga huling araw niya. Ang akala ko noon sa America niya gustong manirahan kaya nga gusto

