Chapter 9
NANG mag-uwian na nang hapon sa labas nang campus ko nalang hinintay si Lawrence. Nag-text nalang ako sa kanya na sa labas ko nalang siya hihintayin. Hindi ko alam kung natanggap niya kasi hindi niya ako nireplyan.
Hindi pa siya sumagot sa text ko kaya naglakad na ako papunta dun. Kalahating oras din ang hinintay ko bago ko siya nakitang naglalakad palapit sa’kin.
"Babe! bakit sa labas ka naghintay? ibinigay ko naman yung susi nang sasakyan ko para sa doon mo nalang ako hintayin! o kaya naman nagpasundo ka nalang sa room mo." nagtataka nyang tanong.
Hangga't maaari ayokong magsumbong o sabihin sa kanya ang mga naririnig ko. "Ah naiwan ko kasi sa bahay yung susi kaya sa labas nalang ako naghintay." pagdadahilan ko.
"Tara na umuwi na tayo." Ang totoo sinadya ko talaga hintayin siya sa labas. May mga tao kasing gustung gusto kong iwasan. Alam kong nakamasid lang sila sa mga kilos at sa mga ginagawa ko. At ayokong ako ang maging dahilan nang mga usap usapan tungkol kay Lawrence baka ikasira pa nang pangalan niya.
Hinawakan nya ko sa mukha "Eh di sana pinuntahan mo ako sa room ko! may ginagawa kasi kami kanina kaya hindi ko napansin ang mga text mo sa’kin.” Sabi niya sa’kin habang tinititigan niya ako sa mukha. Buti nalang walang masyadong tao sa labas nakakakita kay Lawrence.
Inakbayan niya ako habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya “Ayokong naghihintay ka sa labas hindi safe yun para sayo hmm!." mahinahon nya pang sabi sa’kin nang pasakay na kami nang sasakyan niya.
Na touch naman ako sa mga sinabi nya. Nang makasakay na kami nagulat siya nang halikan ko siya sa pisngi “Mwuahhh.”
Hawak niya ang manibela nang humarap sa’kin na may ngiti sa labi. "Ang sweet naman nang asawa ko" sabi niya at hinawakan nang isang kamay niya ang pisngi ko.
Maaga kaming nagpahinga, pareho na kaming nakahiga pero hindi pa makatulog. Nakasandal ako sa kanya habang yakap yakap nya ako sa magkabila nyang bisig.
Isiniksik pa niya ang kanyang ulo sa balikat ko "Babe--!" paglalambing nya
"Hmm?" tugon ko sa kanya.
"Anong gusto mong maging anak natin babae o lalaki?" iniisip ko bakit kaya bigla bigla nalang nyang naitanong sakin yun? sabi ko sa sarili ko.
Matagal bago ko siya sinagot "Hindi pa tayo nakakatapos sa pag-aral Lawrence kaya hindi ko muna iniisip yan.!” Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakayakap sa'kin.
"K-kung sakali lang naman babe! ano ah!?" Hindi ko parin siya sinasagot.
Pero naisip ko sa sarili ko kung sakali man taus puso kong tatanggapin kahit ano pa siya babae man o lalaki.
Pinaharap niya ako at pinahiga sa dibdib niya. Dinig na dinig ko pa ang bilis nang t***k nang puso nya.
"Ako gusto ko sana lalaki! para may kasama akong magtatanggol at magbabantay sayo." sabi niya sakin habang hinahalik halikan ang buhok ko.
"Eh paano kung babae pala!?"
"Syempre gusto ko pa rin! eh di dalawa na kayong babantayan ko nun. Lalo na kung kasing ganda nang asawa ko.” sabi niya sa’kin habang inaamoy amoy ako.
“Ang bango mo talaga babe!." At itinatas ang kamay ko inaamoy amoy ang kilikili ko.
"Ano ba L-lawrence na kikiliti a-ko! Tsk.. tsk..." tawang tawa din siya sa kalokohan nya.
Hinalikan ako sa ulo "Mwuahhh---! sige na babe matulog na tayo. Alam kong pinagod kita kagabi kaya pass ka muna ngayon." sabi nya sakin at natulog kami na magkayakap.
Kinapa ko ang higaan wala na akong katabi pag-kagising ko. Pumunta ako nang banyo hindi ko rin siya makita naisipan kong bumaba na at nakita ko nga siyang nasa kusina.
Tumingin siya sa’kin "Gising kana pala babe!? eto ginawan na kita nang kape mo" sabay abot sa'kin.
Ngayon ko lang siya nakitang nangielam sa kusina. "Anong ginagawa mo dyan?"
"Hindi na kasi ako makatulog, bumangon na ‘ko. Maaga pa kaya naisipan ko na ipagluto ka." sabi nya.
"Marunong ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Medyo! tsk.. tsk.., sorry babe mga almusal lang pala ang kaya kong iluto." pero kahit ganun kinilig parin ako sa kasweetan nang asawa ko.
Pinapanuod ko siya habang nagluluto "Salamat babe! sa susunod ikaw naman ang ipagluluto ko. Ano bang paborito mo?"
"Hmm--!" Tumingin muna siya sa'kin bago tumingala at nag-isip muna.
"Kahit ano basta luto mo babe kakainin ko." natuwa naman ako sa sinagot niya.
***
Maaga palang tapos na ang pang hapong klase namin. Naisipan kong lumabas muna nang university. Mamaya pa naman uuwi si Lawrence kaya habang hinihintay ko siya naisipan ko munang maglakad lakad muna sa labas para hindi ako mainip.
Habang naglalakag ako napansin kong makulimlim na, kaya naisip kong bumalik na. Habang nasa daan palang ako bumuhos na bigla ang malakas na ulan. Wala pa naman akong dalang payong, hindi ko rin matext si Lawrence dahil lowbat na rin ang phone ko.
Tumakbo ako at similong muna sa malapit dahil medyo basa na ang uniform ko. Sa convinient store ako napadpad malapit sa University.
Habang hinihintay kong tumila ang ulan, pumasok sa isip ko si Lawrence baka maghintay pa siya sakin nang matagal kung hindi pa titila agad ang ulan. May isang oras na ding umuulan hindi parin tumitila kundi lumalakas pa lalo.
Naisip ko tumakbo nalang tutal medyo malapit nalang ito sa campus kaso siguradong mababasa pa rin ako.
Inip na inip na ko siguradong nag aalala na si Lawrence sakin. Hindi pa naman ako nakapag paalam kanina dahil akala ko sandali lang ako sa labas.
Tumayo ako malapit sa pinto habang hinihintay kong tumila ang ulan. Medyo nilalamig na rin ako dahil manipis lang ang uniform na suot ko. Aninag na din pati panloob ko. Bahagya pang nabasa kanina nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Alam kong may nakatingin sa'kin kaya hindi ko alam kung paano ko ito tatakpan sa dala kong bag at libro.
Parang may tumatawag sa'kin kaya lumingon ako. May lalaki ngang nakatingin sa'kin at may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan sa lakas nang ulan.
May itsura naman kaso medyo natakot pa rin ako dahil ngayon ko lang siya nakita.
Lumapit pa siya sa’kin "Miss! isuot mo muna itong jacket ko." sabay abot nang kanyang jacket sa'kin. Nagulat ako hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya pinansin.
"Miss! sige na isuot mo muna ito para hindi ka pinagtitinginan sa suot mo." sabi pa niya ulit sa'kin.
Napansin ko nga may mga ilang tao na nakatingin sa gawi ko. At naasiwa ako para akong hinihubaran sa klase nang tingin nila.
Hindi ko pa rin siya kinausap. "Hindi naman ako masamang tao miss, kaya huwag ka nang matakot." dun ko palang siya tinignan.
"Salamat" sabi ko, kinuha ko at isinuot.
"Nick Dela Rosa pala!" sabi nya sabay lahad sa kamay niya.
Kabastusan naman kung hindi ko sasabihin ang pangalan ko pagkatapos nyang magpakita sa akin nang kabutihan. "Gianna" sabi ko nalang.
"Wala ka bang kasama?" pag karaa'y tanong niya.
"Ang totoo may naghihintay sa'kin sa loob nang University.”
"Kung gusto mo ihahatid na kita?"
"Hindi na! baka masyado na kitang naaabala." Sabi ko dahil parang masyado na siyang mabait sa’kin.
"Huwag ka nang mahiya ok lang sa'kin miss! kailangan mo ring makauwi agad dahil basa ang suot mo baka magkasakit kapa pag tumagal yan sa katawan mo." naisip ko na tama nga siya kaya pumayag na ako na ihatid nya.
Nasa gate kami nang harangan kami nang security guard. Ayaw siyang papasukin dahil hindi naman siya nag-aaral dito.
Pinakiusapan nalang naming siya na ihahatid lang ako tapos aalis na siya. Sinabi ko rin na wala kasi akong dalang payong, hindi pa rin siya pumayag. Nang mag-iwan siya nang kanyang ID dun palang siya pinayagang makapasok sa loob.
Malakas pa ang ulan nang hinatid niya ako sa parking lot. Malapit na kami sa sasakyan ni Lawrence, nang mapansin niya siguro ako.
Biglang bumukas ang sasakyan at binuksan ang payong na dala nya. Nang makalapit samin, parang galit na pinaglipat ang tingin sa’ming dalawa nang kasama ko. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya nang mga sandaling iyon.
Matiim siyang tumingin ulit sa'kin at sa jacket na suot ko. Lumapit siya sa’kin at padabog nang hilahin niya ang suot kong jacket.
Nang mahubad ang jacket napansin nya na kita na ang bra sa suot ko dahil basa ang damit ko. Narinig kong mahina siyang napamura.
Nakamata lang si Nick sa kanya. Ibinalik niya yung jacket na sinuot ko pagkatapos hinila na ako at pinasakay sa sasakyan niya. Mabilis ang mga pangyayari kaya ni hindi man lang ako nakapag pasalamat kay Nick.