Chapter 10

1778 Words
Chapter 10 PAUWI na kami at nakasakay na sa sasakyan ni Lawrence. Magkatabi kami sa harapan pero parang wala siyang kasama, hindi man lang niya ako pinapansin.  Pinagmamasdan ko siya may nakaharang na isang sasakyan sa  labas nang gate nang University kaya dahan dahan lang siya nang lumabas. Gusto kong magsalita at magpaliwanag. Gusto ko siyang subukang kausapin pero natatakot akong baka masigawan at magalit siya kapag nagsalita ako. Kaya tahimik nalang ako pinakikiramdaman ko nalang siya. Hindi niya sinasabi pero nararamdaman ko sa mga kilos niya na galit siya. Tumingin nalang ako sa labas nang bintana habang hindi pa kami nakakarating nang bahay. Madilim na sa labas at tumila na din ang ulan. Basa ang damit ko kaya hindi ako mapakali sa loob nang sasakyan. Niyakap ko nalang ang sarili ko at pumikit. Ngunit hindi ko parin kinaya ang lamig, kaya hininahan ko na ang aircon sa loob nang sasakyan niya. Napansin niya ang ginawa ko at napansin din siguro niya na nilalamig ako. Kaya sandali nyang inihinto ang sasakyan niya at bumaba. Umikot pa siya sa likuran parang may kinuha siya doon. Pagbalik niya sa loob nang sasakyan pinatong niya lang sa dalawa kong balikat ang kanyang jacket. Wala siyang sinabi, hindi pa rin niya ako kinakausap. Hanggang makarating kami nang bahay tahimik pa rin siya. Sabay kaming bumaba nang sasakyan pero nauna na akong pumasok sa loob. Tuloy tuloy na pumanhik sa taas para makapag palit muna ako nang damit. Pagpasok ko nang kwarto dumiretso na ako sa banyo balak kong maligo muna saglit. Habang naliligo ako iniisip ko kung anong gagawin ko para mawala ang galit sa'kin nang asawa ko.  Hanggang matapos ako sa paliligo wala pa rin akong maisip na paraan para malusaw ang galit niya sa’kin. Balisa ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Nakapagbihis na ‘ko at nakaupo na sa harap nang salamin. Nahihiya ako at nag dadalawang isip ako kung bababa ba ako o hindi na. Hindi pa rin umaakyat si Lawrence, hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa baba. Nagugutom nga ako pero mas gusto kong magpahinga nalang muna. Hindi maganda ang pakiramdam ko para akong lalagnatin. Hinihintay kong umakyat si Lawrence. Ilang oras na ang lumilipas wala pa rin siya. Hanggang nakatulugan ko na siya. Nagising ako na parang may tumatapik tapik sa balikat ko. "Babe..! babe..!" si Lawrence ang naririnig kong gumigising sa’kin. Hindi pa rin ako nagmumulat naisip ko na baka galit pa rin siya sa'kin kaya nagkunwari akong tulog pa. "Babe! kumain ka muna bago ka matulog" sabi niya sa malumanay na tono. Doon palang ako nagmulat nang mata. Naramdaman kong masakit ang ulo ko. Tinignan ko siya nang paupuin niya ako. Nakita ko ang tray nang pagkain sa table na nasa tabi nya.  "Hindi kana bumaba kanina kaya naisipan kong ipanhik nalang dito ang pagkain mo." sabi niya nang malumanay pa rin. "Kumusta ang pakiramdam mo?." "Masakit nang konti ang ulo ko Lawrence." sabi ko sa kanya. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa leeg at noo ko. "Hintayin mo ako sandali lang ako  ikukuha kita nang gamot sa ibaba." pagbalik niya may dala na rin siyang tubig. "Kumain ka muna bago mo inumin ang gamot mo." siya na rin ang nagpakain at nagpainom nang gamot sa'kin, pagkatapos kong kumain siya na rin ang nagbaba nang mga pinagkainan ko. Nakahiga na ako nang pumasok ulit siya. Nakita kong pumasok muna siya nang banyo at naligo bago siya humiga sa tabi ko. "Babe!" tawag niya. “Hmmm!?” Pinaharap niya muna ako sa kanya at iniyakap ang isa niyang kamay sa aking baywang ang isa nama'y humahaplos sa buhok at mukha ko. "Galit ka pa ba sa'kin?" pagkaraa'y tanong ko. Hinalikan muna niya ako sa pisngi at huminga nang malalim. "Oo kanina!" sabi nya  "Oh ngayon galit kapa ba?" lambing ko sa kanya "Hindi ako nagagalit sayo dahil hindi ka nagpaalam kanina. Hindi rin ako nagagalit dahil matagal ka, O kahit naghintay pa ako nang matagal. Alam mo ba kung ano ang hindi ko nagustuhan?" nakikinig lang ako sa kanya. Tinignan ko siya "Ano?" nacucurious kong tanong. "Nang makita kitang may ibang lalaking kasama kanina. At hindi lang yun, suot suot mo pa yung jacket niya." Gusto kong kiligin sa mga sinabi niya. "Babe! nagmagandang loob lang naman yun tao sa'kin" sabi ko sa kanya. "Kahit na ayoko nang ganun nagseselos ako." hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Nagselos pala siya kanina at ang sarap marinig mula sa kanya na nagseselos siya. "Oh sige na magpahinga kana nang mawala na yang sinat mo. Gigisingin nalang kita mamaya pag iinom kana ulit nang gamot mo." "Lawrence salamat" sabi ko at hinalikan ko siya at niyakap. Habang yakap niya ko sa mga bisig niya “Ano ka ba! Mag-asawa na tayo babe! Obligasyon ko bilang asawa mo ang alagaan ka.” Kinaumagahan mag isa ko nalang sa kwarto hindi na rin masakit yung ulo ko. Ang galing kaya nang nag-alaga sa'kin, talagang inorasan niya ang pag inom ko nang gamot. Pumasok siya nang kwarto na may dalang almusal. "Breakfast in bed, babe kumain kana ako ang nagluto nyan." Pagmamalaki niyang sabi sa'kin.  Nang tignan ko sinangag na kanin, pritong itlog, ham at hotdog at may kasama pang gatas. Nakangiti ako nang tumingin sa kanya. Almusal lang talaga ang kaya niyang iluto sabi ko sa sarili ko at napangiti. Nakita pala niya ko “Bakit ka napapangiti, hmm?” Umiling ako “Salamat sa almusal." Sabi ko nalang. "Ikaw kumain na?" "Hindi pa mamaya nalang mauna kana." Hindi ko siya nakitang nakabihis "Hindi ka ba papasok ngayon sa school?" "Hindi nalang muna babantayan nalang kita dito para may kasama ka." Naisip ko na baka may gagawin pa siya sa school "Hindi na Lawrence! kaya kona, wala na akong lagnat." sabay patong nang kamay sa noo ko. Hindi pa rin siya pumasok nanatili lang din sa bahay kasama ko.   NASA University na naman ako at nakaupo malapit sa isang puno, nakita kong nasa malapit lang ang grupo na iniiwas iwasan ko.  Nagtataka ako malayo ang building nang Com Sci Dep't dito. Pero madalas ko silang nakikita dito na nakatambay. Pa-ismid kung tignan nila ako. Pag nakita nilang nasa malapit lang ako lagi nalang silang nagpaparinig nang kung anu ano. Wala naman akong alam na masamang ginawa ko sa kanila para gawin nila sa'kin ang ganun.  Kaya hanggat maaari ako nalang ang umiiwas para wala nalang gulo. Ayaw ko din namang masabihan nang basagulera lalo na’t kababae kong tao. Pero minsan kahit anong bait mo, at kahit anong iwas at timpi ang gawin mo hindi mo pa rin maiwasang mapuno lalo na kung sumosobra na sila. Gaya ngayon, naglakad ako para makaiwas sa kanila. Pagtapat ko sa kanila sinadya nila akong banggain dahilan upang tumilapon lahat nang hawak ko na libro. Nakita ko rin silang pinagtatawan ako. Nabigla ako sa ginawa nila at galit ko silang binalingan. Hindi ko na naisip na marami sila at nag iisa lang ako. "Ano bang mga problema niyo?" pagalit ko na tanong. Tumayo at lumapit ang isa sa kanila sa’kin at hinarap ako. Marahil siya ang pinaka umaayaw sa'kin sa grupo si Jean ang babaeng yun. "Ikaw!" harapan nang sabihin niya sa’kin ang katagang iyon. Hindi ako sumagot tinignan ko lang siya, at nagsalita siya ulit "Girl! layuan mo si Lawrence, hindi kayo bagay." maarte niyang sabi sa'kin. Nagtaas din ako nang kilay nang sumagot ako sa kanya. "At sino naman kaya ang bagay sa kanya? ikaw?." Sabi ko nang hindi ko din inaalis ang tingin ko sa kanya. Tumawa siya nang painsulto habang nakatingin sa’kin "At mabuti pala nakuha mo rin! Oo, ako nga! kami ang bagay na dalawa ni Lawrence."  Sabi pa niya. “Tsk.. tsk..” tuya ko sa kanya. "Baka akala mo girl hindi namin alam!? na nakikitulog ka na sa bahay nila." Patuya niyang balik sa'kin. Gusto kong sabihin na asawa ko na si Lawrence pero nagdadalawang isip ako baka magalit naman siya sa'kin. Baka ayaw pang ipaalam ni Lawrence na mag asawa na kaming dalawa. "Eh di si Lawrence nalang ang kausapin mo." sabi ko sa kanya. At sabay aalis na sana ako nang bigla siyang nagalit at hinila ang buhok ko sa likod.  "Sandali lang! hindi pa ako tapos sayo babae ka, kinakausap pa kita!" nasaktan ako nang bigla niyang hinila ang buhok ko. Kaya pinatulan ko na rin siya, hanggang nakuha namin ang atensyon nang mga tao at inawat kaming dalawa.  Nakita pala ni Ryan ang nangyari,  isa siya sa mga umawat sa’min at pinatawag nalang niya si Lawrence kay Adrian. Dumating naman si Lawrence nang hingal na hingal pa dahil siguro sa pagtakbo. "W-what happened Ryan?" sabay lapit sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko dahil gulong gulo pa ang buhok ko. Nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya "Pwede bang may magsabi kung ano ang nangyari dito?" galit na tanong niya habang inaayos ang buhok ko sa kamay niya.  Tahimik lang ang lahat walang gustong magsalita. "Babe are you okay?" hindi rin ako sumagot. Tinignan din niya ang grupo ni Jean na nakaaway ko. "Kung ganun pwede ko na sigurung isama ang asawa ko!?" sabi pa niya nang wala pa ring nagsasalita. Hindi lang ako ang gulat sa sinabi niya pati ang mga tao sa paligid namin. "Asawa???" "Asawa???" magkasabay na tanong ni jean at Ryan. Nakita kong gulat na gulat ang reaksyon ni Jean. Kinuha niya ang mga gamit ko "Let's go." Habang naglalakad kami paalis nakatingin pa sila sa aming dalawa ni Lawrence. Dinala niya ako sa parking lot at pinaupo sa sasakyan. "Siguro naman ngayon sasabihin mo kung ano ang nangyari kanina?." hindin ko pa rin sinabi ang dahilan.  Hanggat maaari ayokong sabihin sa kanya na siya ang dahilan nang away namin kanina ni Jean. Napaka seryoso niya nang tignan niya ko kung may mga galos ba ako. Nagulat kami nang biglang sumulpot si Ryan. "Okey kana ba Gianna?."  "Oo, okey na ‘ko Ryan, salamat." sabi ko nalang. "Pare ikaw ah! asawa agad?" Tinignan niya nang seryoso si Ryan "Bakit hindi ka naniniwala? seryoso ako Ryan.." mabilis niyang sagot kay Ryan.  “O pare relax ka lang.” Tumahimik naman si Ryan alam niya na badtrip ang kaibigan niya.  Binalingan ako "Ano bang nangyari Gianna? akala ko kanina nag uusap lang kayo. Bat bigla nalang hinila ang buhok mo? mabuti nalang napadaan kami ni Adrian, wala ka pa namang ibang kasama." nagtatanong ang mata ni Lawrence nang tignan niya ako.   Tahimik lang si Lawrence nang sabihin ko sa kanila ang totoong nangyari. Nagdalawang ipis pa ako nung una kung sasabihin ko ba o hindi. Baka kasi sisihin ni Lawrence ang sarili niya sa nangyari sa'kin kanina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD