Prologue
LUMABAS ako nang bahay dahil parang mababaliw na ako sa katahimikan sa loob. Gusto kong lumabas nang kwarto para makalanghap nang sariwang hangin.
Hangga't maaari ayaw ko munang umuwi sa'min dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak, at natatakot akong baka magalit si Papa at anong isipin nila na ginawa sa akin ni Lawrence.
Kaya eto ako ngayon walang maka-usap, naglakad lakad muna sa labas nang bahay para mawala panandalian ang mga iniisip ko. Naramdaman ko na naman bigla ang hilo, umupo muna ako sandali sa isang bakanteng upuan sa parke.
Tulala habang nakaupo ako tinitignan ko ang mga batang naglalaro sa damuhan, naghahabulan, nagtatawanan, masaya walang problema, habang pinapanood ko sila hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko sa aking pisngi.
Biglang bumalik ako sa kasalukuyan sa problemang kinakaharap ko ngayon. Ipinapanalangin ko na sana panaginip nalang lahat nang ito at maging okey na pag-gising ko.
Malapit nang gumabi kaya naisipan kong bumalik na nang bahay. Baka dumating si Lawrence at hanapin ako. Tahimik nang papasok ako nang pintuan.
Pagpasok ko sa loob nang bahay nagulat ako nang may biglang nagsalita. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata at parang kanina pa niya ako hinihintay.
"Saan ka galing?" pagalit niyang biglang tanong sa'kin.
Nabigla ako kaya hindi muna ako nakasagot sa tanong niya. "Tinatanong kita kung saan ka galing?"
"Lawrence! naglakad lak---!." hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin nang bigla niyang hatakin ako sa braso.
"Ano magsalita ka! pumunta ka ba sa lalaki mo ah!? pumunta ka ba--?." nabigla ako sa mga sinasabi niya.
"Lawrence! ano bang pinag-sasasabi mo? naglakad lakad lang ako sa labas."
"Hindi mo na ako maloloko Gianna."
"Ano bang sinasabi mo Lawrence!?" hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin sa mga tanong niya.
"Huwag ka nang magmaang maangan pa, alam ko na ang totoo kaya magtapat ka na."
"Wala akong alam sa mga sinasabi mo Lawrence!." tinatanggal ko ang mga kamay niya sa braso ko ngunit hindi ko maalis sa higpit nang pagkakahawak niya. Lalo pang dumiin habang nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya.
"Lawrence! nasasaktan ako." sabi ko.
"Masasaktan ka talaga kapag hindi mo sinabi ang totoo."
"Anong totoong sasabihin ko Lawrence? wala talaga akong alam sa mga sinasabi mo, pakawalan mo na ako." pagmamakaawa ko sa kanya.
Hindi pa rin niya binibitawan ang mga braso ko, takot na takot ako sa kanya dahil para na siyang mananakit sa sobrang galit.
Humarap siya sa'kin at nabigla nang makita niya ang mga luhang nag-uunahang maglandas sa ‘king pisngi, doon palang siya biglang natauhan, bigla niyang niluwagan ang pakakahawak niya sa mga braso ko.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako, binitawan niya ako at walang sabi sabing umalis sa harapan ko. Kinabukasan paggising ko masakit ang mga braso ko, kitang kita ang mga bakas nang mga kamay ni Lawrence.
Dahil sa nangyari kagabi takot akong kausapin at lapitan siya, kaya sa tuwing magkikita kami sa bahay iniiwasan ko nalang siya, Minsan mas gusto ko nalang manatili sa loob nang aming kwarto.
At kahit maging siya kahit magkasalubong kami dito sa bahay iniiwasan niya rin ako, hindi ako kinakausap, o pinapansin hindi rin ako kinikibo parang wala siyang nakikita.
Hindi na rin siya natutulog sa kwarto kasama ko. Sa library siya lagi naglalagi, papasok lang siya nang kwarto tuwing magpapalit nang damit o kaya kung alam niyang wala ako sa loob, kapag naman nasa loob ako para siyang napapasong aalis agad.
Nakahiga na ako nang bigla siyang pumasok sa kwarto, naamoy ko na naman ang alak sa kanyang bibig. Nang tangka na niya akong hahalikan lumayo ako sa kanya, dahil sa takot na muli na naman niya akong saktan.
"Ano ayaw mo! bakit sino ang ipinagmamalaki mo? ang lalaki mo!?" sabay hiklas na naman sa mga braso ko. Napangiwi ako sa sakit dahil hindi pa naghihilom ang mga pasa na siya din ang may gawa.
"A-aray-Lawrence nasasaktan ako." patuloy lang siya sa ginagawa niya, ang pwersahan ako.
"Mas magaling din ba siyang humalik kesa sa'kin ah!?" at marahas niya akong hinalikan. "M-mw-- !" "Lawrence! tama na" pagmamakaawa ko pa.
Ngunit para siyang bingi walang naririnig nagulat ako nang bigla niyang hiklasin ang damit pantulog ko dahilan para mapunit at lumantad ang katawan ko.
"L-law--rence---!" kasabay nang hagulgol ko ay nakita niyang takot na takot ako sa ginawa niya. Nakita niya ang mga pasa sa braso ko, doon palang siya parang natauhan, bumangon siya bigla at lumabas nang kwarto.
Awang awa na ako sa sarili ko hindi ko na mapigilang hindi mapahagulgol nang malakas. Naisip ko bigla ang mga pambabalewala na ginagawa niya sa'kin, ang pananakit niya.
Pagkatapos nang mga nangyari nagkulong lang ako sa kwarto hindi ako lumalabas. Hindi na rin siya pumapasok nang kwarto. Naisip kong anong mangyayari sa aming dalawa kung lagi kaming nag-iiwasan kaya minabuti kong kausapin na siya kahit may kaunti pa rin takot sa dibdib ko.
Gusto kong maayos at maibalik sa dati ang aming pag-sasamang dalawa, ngunit paano ko gagawin yun kung ayaw naman niya.
Bumaba ako at pumunta nang library, nakita kong nakabukas hindi na ako kumatok pumasok nalang ako agad, nakita ko si Lawrence nakaupo sa sopa lumingon siya, nang makita niyang ako kaya umiwas siya nang tingin.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Lawrence! kausapin mo naman ako, sabihin mo sakin kung anong nasa loob mo, kung ano ang problema mo?." nakikinig siya pero hindi niya ako nilingon.
"Lawrence! nagmamakaawa ako sayo makinig ka naman sakin oh, ayusin natin ito Lawrence please--." hindi parin siya nagsasalita.
"Ano bang gusto mong gawin ko? para mapatawad mo ako Lawrence!?" tanong ko sa kanya habang umiiyak kahit na wala naman akong alam na ginawa ko para ikagalit niya.