Chapter 1

2118 Words
Chapter 1 “G-GIANNA--! gising na malelate kana! ikaw talagang bata ka!” Sigaw nang aking madrasta ang nagpagising sa'kin sa masarap na pagkakahimbing. Iinat inat muna ang ginawa ko “Opo ma babangun na po.” ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako pupungas pungas na tumayo at tuluy tuloy na pumunta nang banyo. Ito talaga ang inaayaw ayawan ko kapag pasukan na. Gusto kong magbabad lang maghapon sa higaan. Lunes na naman nang umaga kaya hirap na naman akong bumangon para pumasok. Ito ang unang araw nang pasukan sa bagong University na papasukan ko, kung kaya kailangan kong pumasok nang maaga dahil hindi ko masyadong alam ang pasikut sikot sa University. At isang sakay pa mula dito bago ako makarating sa Universidad.  Kakalipat lang kasi namin nang tirahan nung isang linggo, kaya kinailangan ko ding lumipat nang school. Malayo ito sa University na pinanggalingan ko. Nag desisyon si Papa na lumipat dahil isang sakay lang mula dito yung bagong kompanyang papasukan niya. Bookkeeper ang trabahong inaplayan ni Papa Daniel sa Companyang iyon.   “Gianna! kumain ka muna bago ka umalis anak,” sabi pa ni Mama sa’kin. “Opo Ma.” Masasabi kong napaka swerte ko at itinuring akong sariling anak ng aking madrasta. Hindi lang siya mabait, maalalahanin at naging mabuting ina siya para sa’kin. Nasa elementarya lang ako nang maulila sa ina, bata pa si Papa kaya nag asawa ulit siya, si Mama Carol at merong isang anak si Mama Carol sa kanyang unang asawa si ate Candy. Hindi kami totoong magkapatid pero itinuring niya akong hindi iba sa kanya. Kaya magkasundong magkasundo kami sa lahat nang bagay, at parang totoo talagang magkapatid kung magturingan kaming dalawa. Pagkatapos kumain nagmamadali na akong umalis baka malate pa ‘ko. Nagkasabay pa kami ni ate palabas nang gate, papasok na rin siya sa trabaho. Nakahanap din si ate nang trabaho nang makalipat kami dito, isa syang cashier sa isang boutique sa bayan. “Gianna! tara na sabay kana sa'kin baka malate ka pa.” “Sige ate tara na.” Nasa 3rd year college na ako sa kursong Bussiness in Accountancy. Gusto kong makapagtapos nang pag-aaral, para makahanap nang magandang trabaho at makatulong sa mga magulang ko. Pagbaba ko nang jeep tanaw ko na ang gate papasok sa University. Pagpasok ko nang Unibersidad marami nang tao, maingay, kanya kanyang umpukan ng mga estudyante. Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta.  Palinga linga pa ako dahil hindi ako masyadong pamilyar sa lugar, medyo may kalakihan din ang Unibersidad na ito, kaya kailangan kong lakasan ang loob ko. Palakad lakad at palingun lingon ang ginawa ko, nagtanong na ako kanina at tinuro na sa’kin kung saan pero hindi ko masyadong naintindihan. Yan tuloy hindi ko alam kung tama ba itong daang tinatahak ko. Saan ba yun!? bat hindi ko parin makita? "Kailangan ko na ulit magtanong" sabi ko sa sarili. Huminto ako sandali nang mapadaan sa nag-iisang babae na nakaupo at nagbabasa malapit sa isang puno. Lumapit pa ako “Miss pwedeng magtanong?” binaba niya yung binabasa niyang libro at tumingin sa'kin. “Miss saan ba dito yung building ng BA Department.” “Ah! Nakikita mo ba iyong malaking building na ‘yon? Engineering Department ‘yon!? Katabi lang nya.” Sabay turo nang kanyang kamay. “Salamat miss!” nakangiti kong sabi sa kanya. “You’r welcome!”  Paalis na ako nang magsalita siya ulit “Bago ka lang ba dito miss?” “Oo miss, transferee.” sabi ko nang lingunin ko siya ulit, “Ahhh!” sabi niya at tumangu tango habang may ngiti sa labi. "Mababait naman pala yung mga nag aaral dito." habang naglalakad para akong tanga na kinakausap ang sarili ko.  Sa ingay at dami nang mga tao sa paligid hindi ko alam kung saan ako dadaan. “H-hayyy sa wakas! nakita ko rin ang BA Department!.” Hinanap ko muna kung saan classroom iyong nakasulat sa schedule ko. Pagpasok ko sa loob nang classroom may ilan nang mga estudyante, humanap ako nang bakanteng mauupuan, wala akong kakilala at makausap kaya tahimik lang akong nakikinig sa isang sulok sa mga kwentuhan, asaran at tawanan nila.  Hanggang sa biglang pumasok yung babaeng napagtanungan ko kanina. Nakangiti siya nang tumingin at lumapit sa akin. “Miss diba ikaw yung kanina?” nanlalaki ang mata niyang tanong sa'kin. “Oo” maikli kong sagot na nakangiti sa kanya. “Tignan mo nga naman! magkaklase pa pala tayo!? what a small world.” sabay upo sa tabi ko. “Welcome to University. I'm Blessie Hidalgo” sabay lahad nang kamay nya sa’kin.  “And you are?” Nilahad ko rin ang kamay ko at nakipagkamay sa kanya “Gianna Torres.” sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako at sinabing “Nice meeting you.” “Nice meeting you too.” balik ko ding sabi sa kanya na nakangiti. Bigla akong nagulat nang may biglang sumigaw, malapit sa may pintuan at nakatingin sa’kin. “Hello everyone!” sigaw nang isang tinig. Palapit siya sa’min ni Blessie. Huminto pa siya sa harapan ko “Ipakilala mo naman ako sa kasama mo Blessie?” sabay kindat pa sa’kin. “Ryan! Huwag mo nang subukan, dahil hindi ako magdadalawang isip na isumbong ka kay Ellise. At bakit nga pala kayo nandito! dapat nasa Engineering Department kayo hindi ba?” sabi ni Blessie sa kanila. Si Ryan at Adrian daw ay mga Eng'g student dito rin sa Unibersidad, at sa  katabi lang nang aming building. Matinik daw sa mga babae, so totoo naman dahil todo pacute nga sila sa mga babae May mga itsura naman sila at halatang may sinasabi sa buhay. "Ah, Wala lang naisipan lang naming mag ikot-ikot, tutal wala pa namang ginagawa.” sabi ng isang kasama ni Ryan na si Adrian. “Ah! at naghahanap kayo ng mabibiktima nyo ganun!?” sabi pa ni Blessie sa kanila. “Grabe ka naman!” sabi nila pareho Bunulong sa’kin si Blessie “Gianna, 'wag kang magpapadala sa matatamis nilang salita.” Hinawakan pa niya ako sa siko. “Ang totoo may girlfriend na yan! si Ellise isa sa mga friends ko na nasa kabilang University, ipapakilala kita sa susunod sa kanila.” Kahit bulong narinig pala niya “Ikaw naman Blessie! masama ba kung makipag kaibigan kami? diba pare?” sabay baling sa kasama nya. “Oo nga naman Blessie.” Segunda naman nang kasama niya. Lumapit pa siya sa’kin “Hi miss, Im Ryan at ito naman si Adrian.” sabay kaway nang kaibigan niya sa’kin. “Gianna,” sabi ko at inilahad ang kamay ko. “Ang gandang pangalan bagay na bagay sayo,” sabay hinawakan nya kamay ko at tinitigan ako ng matagal. Bigla lang naudlot nang biglang may nagsalita. "Good Morning Everyone!" tinig nang aming Profesor na kadarating lang. Hudyat na magsisimula na ang aming unang klase kaya mabilisan na silang nagpaalam at umalis. *** Pag-uwi ko nang bahay dumiretso ako sa sala at umupo muna saglit, napagod ako sa unang araw “H-hayyy--!” Tinabihan ako ni Mama. “Kumusta ka naman sa unang araw mo sa bago mong eskwelahan Gianna?” sabi ni Mama sa'kin,  Sumandal ako sa upuan. “Okey lang naman po Ma, malaki yung school at maraming mga studyante Ma at tingin ko nga po karamihan po sa kanila may mga sinasabi sa buhay.” Pati si Papa pala nakikinig sa’min na nasa may di kalayuan. “Hindi ka kaya mahirapan doon anak?” tanong ni Papa sa’kin, “Syempre po Pa sa ngayon naninibago pa po ako, pero huwag po kayong mag alala Pa, Ma kayang kaya ko po,” sabay ngiti ko sa kanilang dalawa. Simple lang ang buhay namin, hindi kami mayaman, masasabi kong hindi rin naman kami hikahos sa buhay. May trabaho si Papa at si ate Candy si Mama naman nasa bahay lang, kaya ako nalang ang nag aaral. “Gusto ko makatapos ka nang pag-aaral mo anak, iyan lang ang ipapamana namin sa iyo nang Mama mo” sabi pa ni Papa sa’kin “H’wag na po kayong mag-alala Pa, Ma, sisikapin ko pong makatapos nang pag-aaral.” Gusto kong sabihin sa kanila na, gusting gusto ko talagang makatapos nang pag-aaral dahil gusto kong magkaroon nang sariling trabaho. Sa paglipas ng mga araw unti unti kong nakakasanayan ang bago kong kapaligiran, sa tulong na rin ni Blessie, hindi ko inakala na siya ang magiging matalik kong kaibigan sa Unibersidad.  “Hoy best! hindi pa ba tayo uuwi?” sabi ni Blessie sa'kin na nakasimangot na. Nasa library kami ngayon hindi ko namalayan na dalawang oras na pala kami dito. Dahil busy ako gumagawa ng feasibility study. Nagulat lang ako nang magsalita siya “Ay sorry, hindi ko namalayan ang oras! magliligpit lang ako tapos uwi na tayo ah!.” sabay ngiti ko sa kanya. Ako lang ang gumagawa dahil natapos na ni Blessie ang kanya, may sariling library ang kanyang Daddy sa kanilang bahay. Naging malapit kaming magkaibigan ni Blessie kahit saan kami magpunta lagi kaming magkasamang dalawa sa library, canteen kahit sa pag babanyo hindi kami mapaghiwalay na dalawa. Nasa labas na ako nang University at nag-aabang nang masasakyan pauwi. “Tara Best! sabay ka na sa’min.” sabi ni Blessie sa'kin nang madaanan ako sa harap nang Unibersidad. Hatid sundo si Blessie nang kanilang driver. Nag-iisang anak lang si Blessie nang kanyang mga magulang. May kaya ang mga magulang ni Blessie sa katunayan meron silang sariling Companya, at mga magulang daw niya ang namamahala nito. “Hindi na maghihintay nalang ako dito ng jeep malapit lang naman, kung sasakay kasi ako sa inyo mapapalayo pa kayo! salamat nalang best, ok lang ako.” Sabi ko nalang.  “O sige ikaw ang bahala, mag iingat ka ah.” sabi niya sa’kin habang paalis na sila. “Oo sige kayo din, bye po manong, sige best bukas nalang ulit.” Uwian kaya maraming mga estudyante sa labas nang Unibersidad ang naghihintay din nang masasakyan. Isang oras din ang hinintay ko bago nakasakay pauwi nang bahay. Pagpasok ko nang gate deretso agad ako sa loob nang bahay. “Nandito kana pala bunso! magpalit kana maghahahin na ako para makakain na tayo.” sabi ni ate Candy. Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan namin maaga akong nagpahinga. Kinabukasan kasi kailangan ko na naman pumasok ng maaga dahil hindi ko natapos yung feasibility study na ginagawa ko kanina sa library kaya dadaan muna ako doon bukas bago papasok. "Natapos mo ba yung feasibility study mo best?” tanong ni Blessie sakin pagpasok ko nang classroom. Umupo ako sa tabi niya “Oo best! Kanina pa ako sa library pumasok ako ng maaga para tapusin kaya inaantok ako ngayon.”  “H-ayyy naku best! wala daw si Miss Castro ngayon! narinig ko kanina nung papasok ako”  “Wala siya!?” gulat kong tanong. Tumango tango pa siya sakin habang kagat ang labi niya.  “Napilitang akong pumasok nang maaga tapos wala naman pala siya! sayang ang effort.” Inis kong sabi sa kanya. “Hoy huwag ka na ngang mag emote diyan!” “Ang hirap kayang gumising nang maaga tapos wala naman palang mangyayari.” Inis pa rin ako nang sabihin ko yun. “Atleast, pag pumasok na sya, meron kanang ipapasa diba!? Nagkasakit nga daw s'ya kaya wala tayong prof ngayon.” pagtataray nya pang sabi sakin. Kung sabagay tama nga naman siya.  “Para mawala yang inis mo, tara kain muna tayo sa labas!” aya niya sa'kin habang nakapatong ang ulo ko sa mga kamay ko na nasa upuan.  “Ayoko best, inaantok ako. Iidlip nalang muna ako dito.”  Hinila hila niya kamay ko “Tara na best! naghihintay sa’tin sa labas sina Ellise at Lorreyn.” Nabigla ako at napatuwid nang upo. “Aahh! bakit?” “Sila ang nag-aya at ‘wag daw akong lalabas nang hindi ka kasama, kakain lang daw tayo sa labas best. Wala din daw silang prof ngayon kaya tara na! babalik din naman tayo kaagad, sabi kasi nila may bagong bukas daw na pizza ililibre daw nila tayo at ang sarap daw promise, tara na!”  Naalala ko hindi rin pala ako nag-almusal kanina bago ako umalis nang bahay “O sige na nga! para maalis na rin yung antok ko.” Naghihintay na nga sa labas si Ellise at Lorreyn at parang inip na inip na sila. Nakapamaywang pa si Ellise nang magsalita paglapit namin. “Hay naku, ang tagal nyong lumabas kanina pa kami dito!” pero hindi naman siya galit. “Pasensya na po mga madam, o tara na para makabalik agad tayo.” sabi ni Blessie at sabay sabay na naming nilisan ang lugar na iyon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD