Chapter 15
SAMANTALA lingid naman sa kaalaman ni Lawrence nagpasyang umuwi nang bansa ang kanyang Mama na si Donya Lara Dela Rama.
Mayroong pagdududang nabuo sa kanyang isipan kaya siya umuwi muna nang bansa. Nito kasing nagdaang mga araw halos hindi na nila makausap si Lawrence. Madalang nalang din kung mangumusta o tumatawag sa kanila.
Matagal na siyang kinukumbinsi nang kanyang ina na sumunod na sa kanila dun sa America. Subalit sa hindi niya malamang kadahilanan hindi pa rin niya mapapayag ang anak sa gusto nito. Kaya minabuti niyang umuwi nang pilipinas para dalawin ang anak at para na rin sorpresahin sa nalalapit niyang pagtatapos sa kolehiyo. Ngunit sa hinagap hindi niya akalain na siya pala ang masosorpresa nito.
Hindi muna siya umuwi sa kanilang tahanan dahil gusto niyang malaman kung ano ang pinagkaka abalahan ngayon nang kanyang anak. Imbes na sa bahay tumuloy sa hotel nalang muna siya pansamantalang nanuluyan.
Alam nang Mama ni Lawrence kung saan siya nag-aaral kaya doon niya naisipang puntahan ang anak. Nasa harapan siya nang gate nang University at matiyagang naghintay.
Nagtatakang siya halos umuwi na lahat nang mga estudyante sa University dahil sa lakas nang ulan subalit hindi pa rin lumalabas ang sasakyan ni Lawrence.
Kilala niya ang sasakyan ni Lawrence dahil siya ang bumili at nagregalo nung ika-20th birthday nang anak. Hindi pa rin siya umalis naghintay pa siya dahil may mangilan- ngilan pa ring mga estudyanteng lumalabas nang Universidad.
Kalahating oras din ang pinaghintay niya at sa wakas nakita rin niyang papalabas na sa gate ang sasakyan ni Lawrence.
Dahan dahan lang ang sasakyan habang lumalabas, dumaan sa harapan nila ang sasakyan kaya nakita niyang mayroon itong kasamang babae na nakaupo sa harapan katabi niya.
Nagdesisyon siyang 'wag na munang magpakita sa kanya sa halip sundan nalang muna niya ang anak. Nakasunod lang sila sa di kalayuan, huminto sandali ang sasakyan nila dahil huminto ang sasakyang nasa harapan nila, ang sasakyan ni Lawrence.
Itinabi ang sasakyan at nakita niyang bumaba si Lawrence may kinuha siya sa likod at bumalik rin ulit sa loob nang sasakyan.
Hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay sinusundan pa rin niya. At nakita niya na magkasama pa silang bumaba nang sasakyan at pumasok nang bahay.
Nagtataka siya kung bakit kasamang pumasok ni Lawrence sa kanilang bahay ang babae na yun lalo na't gabi na. Naghintay pa siya nang kaunti at nag babaka sakaling aalis din ang babaeng kasama niya.
Hanggang maghahating gabi na at inip na inip na siya hindi parin sila lumalabas nang bahay. Kaya nagdesisyon siyang umalis na muna at bumalik nalang kinabukasan.
Kinabukasan nga maaga siyang umalis nang hotel at maaga palang nasa harapan na siya nang kanilang bahay. At sinubukan niyang tawagan si Lawrence, dalawang ring lang sinagot na agad niya.
"Hello ma!"
"Lawrence! kailan mo ba talaga balak pumunta na dito? Naiinip na ako anak."
"Ma, malapit na pong matapos ang pasukan kaya huwag na po kayong mainip."
Hindi alam ni Lawrence na ang taong tumatawag sa kanya na kanyang Mama ay nandito lang sa bansa at nasa harapan lang nang kanilang bahay.
Ano kayang itinatago mo sa’kin Lawrence? malalama't malalaman ko rin yan anak, nasabi nang Mama niya sa kanyang isipan. Pagkatapos nang tawag hindi pa rin siya umaalis sa labas nang gate nakatanaw pa rin siya sa labas nang bahay.
Ilang oras pa ang lumipas bago lumabas ang sasakyan ni Lawrence. Sandaling tumigil muna ang sasakyan nito hindi niya alam kung bakit.
Hindi naman siya nag-aalala na makita siya dahil tinted ang salamin nang sasakyan kaya sigurado hindi sila nakikita sa loob.
Sinundan pa rin niya nang sinundan hanggang marating ang isang hindi kalakihang bahay na may lumang gate sa harapan. Ipinarada nila sa loob ang sasakyan nila at pumasok silang magkasama sa loob nang bahay na magkahawak kamay.
May nakita din siyang mga tao na sumalubong sa pinto kay Lawrence at sa kasama niyang babae.
Hindi nila alintana ang mga pares na mga mata na nakamasid lang sa kanila. Halos manginig na sa galit ang Mama ni Lawrence dahil sa mga nakikita.
Gusto niyang bumaba at magpakita sa anak ngunit minabuti niyang ‘wag nalang muna dahil galit pa siya baka kung ano ang masabi o kaya magawa nito sa dalawa.
Kaya nagpasya na naman siyang bumalik muna sa hotel na tinutuluyan niya para makapag isip isip kung ano ang sunod niyang gawin. Habang nasa hotel siya hindi siya mapakali palakad lakad, uupo, tatayo hindi makapag-isip nang tama.
Naisip nang Mama niya na kaya pala kahit anong gawin niya hindi niya mapasunod sa kanila ang kanyang anak. Marahil ang babaeng 'yun ang tanging dahilan kaya hindi maiwan iwan ni Lawrence ang bansa.
Wala namang sinasabi si Lawrence sa kanya, ang buong akala nang Mama niya dahil hindi pa tapos sa kanyang pag-aaral ang anak kaya hindi pa siya makasunod sa kanila.
Hindi sumagi man lang minsan sa kanyang isipan na isang babae pala ang dahilan kung bakit.
Base sa nakikita niyang tinginan ngayon nang dalawa hindi sila basta basta mapag-hihiwalay. Kaya kailangan may gawin siya, kailangan niyang makapag-isip nang magandang paraan para tuluyan na silang maghiwalay na dalawa.
Halos araw araw laging silang sinusundan, laging nakasunod ang tingin sa kanilang dalawa. Kahit saan sila magpunta o kahit anong ginagawa nila lagi pa rin silang minamatyagan nang mga matang iyon at pinag-aaralan ang mga kilos nila.
Hinding hindi niya hahayaang mapunta si Lawrence sa isang babae na katulad niya. Ni hindi kilala sa lipunan na ginagalawan nila hindi nila kauri sa estado nang pamumuhay.
Sa isang babae na tingin niya ay tanging kayamanan lang ang habol kay Lawrence. Hindi niya hahayaang masayang ang lahat nang mga pagod at paghihirap niya para lamang mapunta sa babaeng 'yun si Lawrence at magtamasa ang pamilya niya sa yaman nila.
Sa araw araw na nakasunod siya nang tingin sa dalawa. Nakita niyang mag-isa lang si Lawrence na umalis nang bahay. At sa oras din iyon doon na nga niya sinimulang gawin ang mga plano niya.
Sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi.
***
Gianna
HATING-GABI na nang maramdaman kong dumating si Lawrence. Antok na antok ako kaya hindi ko na nagawang imulat ang mga mata ko. Naramdaman ko nalang siya na tumabi sa'kin sa kama hinalikan pa ako sa noo at niyakap sa kanyang dibdib.
Nagising ako nang umaga nakayakap pa rin ang mga bisig niya sa’kin. Pagtingala 'ko nakangiting mukha niya ang sumalubong sa akin, gising na rin pala siya hinintay lang pala niya akong magising.
Napapansin kong maamoy ko lang si Lawrence parang kumpleto na ang araw ko "Babe! sabay na tayong mag-almusal tara na baba na tayo." tumayo na nga kami at magka-akbay na bumaba.
Ilang subo lang ang nakain ko ramdam kong busog na naman ako samantalang halos araw araw akong walang matinong kain.
"Kumain ka ba kagabi pagdating mo Lawrence? hindi na kasi kita nahintay na makauwi nakatulog na ako." sabi ko sa kanya habang nag-aalmusal kami.
Ang totoo alam ko pa nung dumating siya hindi ko lang mapigilan ang antok ko kaya hinayaan ko nalang siyang isipin niya na natutulog na ako.
"Nagluto kami kagabi sa bahay nila Adrian at kumain na rin kami dun kaya busog pa ako pagdating. Kaya humiga nalang ako agad ako pagdating, at nakita kong ang sarap na nga nang tulog mo nang dumating ako." sabi pa niya sa’kin.
"Okey na ba ang pakiramdam mo babe? para kasing pumayat ka ngayon!" pagkaraa'y puna niya sa’kin. Gusto ko sanang sabihin na iba ang pakiramdam ko, hindi ako makakain nang marami dahil parang isusuka ko lang. Pansin ko nga rin na parang bumawas nga ang timbang ko at laging parang walang ganang kumain.
Hanggat maari ayaw ko muna siyang bigyan nang alalahanin "Oo, okey na 'ko Lawrence huwag ka nang mag-alala." sabi ko nalang sa kanya.
Tinignan pa talaga ako parang hindi siya kumbinsido "Okey ka lang ba talaga babe!? sigurado ka?" tumango ako at ngumiti.
Pagkatapos naming kumain naghanda na kami para pumasok sa University. Naghihintayan kami lagi lagi rin kaming sabay sa pagpasok hanggang sa uwian.
Hanggang sa bahay kami pa ring dalawa ang laging magkasama at hindi kami mapaghiwalay na dalawa.
Nakita ko pa ang isang ugali nang asawa ko na napakasweet niya sa’kin. Halos araw araw lagi nalang siyang naglalambing nakahiga man kami o kahit na anong ginagawa ko. Hahalik lang siya bigla basta may makita siyang pagkakataon hanggang mauwi sa mainit na pag-iisa nang aming mga katawan.
Napakasarap sa pakiramdam sana lagi nalang kaming ganito masaya at walang kinakaharap na suliranin.
Naputol ang pagmumuni muni ko nang magggsalita siya "Dadalhin kita sa hospital sa sabado para malaman natin kung okey ka ba talaga. Nag-aalala talaga ako sayo babe!” Nakita ko din na malaki ang ibinawas nang timbang ko at maputla ako.
“Okey lang ba sayo?" sabi niya habang papasok kami nang University.
Tumango ako "Oo sige Lawrence." sabi ko sa kanya para tumahimik siya, at isa pa gusto ko ring malaman kung bakit ganito ang aking nararamdaman.
Napahinto ako bigla at may naalala hindi pa pala ako dinadatnan. Hindi kaya ---? 'wg naman sana sabay umiling iling pa ako,
"May problema ba babe?"
"Ah wala Lawrence" Nakalimutan kong kasama ko pa pala si Lawrence ngayon.
Kailangan kong makabili nang PT sabi ko sa sarili. Ngunit paano ko naman gagawin 'yun kung lagi kong kasama si Lawrence at lagi siyang nakasunog sa'kin kahit saan ako magpunta.