Chapter 14
HABANG hinihintay ko si Lawrence sa library nang University tinatapos ko na rin ang ginagawa kong research. Usapan naming dalawa kanina pagkatapos kumain bago kami maghiwalay na sa library ko nalang siya hintayin pag uwian para hindi ako masyadong mainip.
Laging late na kasi siya kung lumabas ngayon, ilang araw na silang busy sa Thesis na ginagawa nila. Kailangan daw kasi nilang maidefense yung sa susunod na lunes.
Lunes ngayon kaya meron nalang silang isang linggo bago magawa iyon kaya puspusan na ang ginagawa nila baka kasi hindi sila umabot sa takdang araw.
Malapit nang matapos ang pasukan, at malapit na rin silang gumraduate nang mga kasama niya. Ako naman bale isang taon pa ang hihintayin ko bago makagraduate.
Alam kong malapit na siyang dumating kaya nagpasya na akong tumayo para ibalik na yung mga libro na hiniram ko, at tutal natapos ko na rin ang ginagawa ko.
Papatayo ako nang parang umikot bigla ang paningin ko, napapikit ako at kinailangan ko pang humawak sa upuan na nasa gilid ko para hindi ako tuluyang matumba.
Bigla nalang sumama ang pakiramdam ko na parang masusuka ako. Nitong mga nakaraang araw napapansin ko lagi nalang akong walang ganang kumain, at tinatamad gumising nang maaga. Gusto ko lang magbabad sa higaan at matulog nalang nang matulog.
Hindi na nga ako nakakapagluto nang agahan namin ni Lawrence. Si manang Sol nalang lagi ang nagluluto dahil late na akong nagigising at bumababa sa kusina.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin, ayaw ko namang sabihin muna kay Lawrence baka mag-alala pa siya lalo na't marami pa siyang ginagawa ngayon dahil malapit na ang graduation.
Naghintay pa ako nang ilang minuto at sinubukan ko ulit tumayo ngunit hindi ko pa rin kaya, medyo masama pa rin ang pakiramdam ko, hihintayin ko nalang dumating si Lawrence sabi ko sa sarili.
Nagulat ako nang magsalita siya "Babe!" tawag niya sa’kin. Hindi ko namalayan na nandito na siya at nakalapit na pala siya sa tabi ko.
Pag-lingon ko sa kanya mabilis siyang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa siko, may pag-aalala sa kanyang mukha.
"Anong nangyari sayo babe? okey ka kalang?" sunud sunod na tanong niya sa’kin habang pinagmamasdan ako sa buong mukha.
"Namumutla ka babe!? May masakit ba sayo?" tanong pa niya.
Hinawakan niya ako sa mukha at pinaharap sa kanya "Hindin ko alam bigla nalang akong nahilo Lawrence." sabi ko.
Itinayo niya ako habang yakap sa isang kamay niya "Halika dadalhin na kita sa clinic." iginaya niya ako palabas nang library.
Siya na rin ang nagbalik sa mga libro na hiniram ko. Habang tinatahak ang daan papunta nang clinic naisip kong baka kulang lang ako sa tulog kaya ako nahilo.
"Huwag na sa clinic Lawrence! umuwi nalang tayo baka napagod lang ako ngayon gusto ko nang mahiga.”
Papunta na sana kami nang clinic nang magbago bigla ang isip ko kaya dumiretso nalang kami sa sasakyan niya at dahan dahan akong inupo sa harapan katabi nang driver seat..
Nakasandal ako sa upuan habang pauwi kami, nakahawak ang isa niyang kamay sa kamay ko at ang isa nama'y sa manibela. Lagi siyang nakasulyap sa dereksyon ko habang nagmamaneho nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
Pagdating namin nang bahay hindi pa rin nawala ang hilo ko, kaya nagpaderetso na ako sa kanya sa kwarto para makahiga na.
"Ayaw mo bang kumain muna bago ka matulog?” tanong sa’kin ni Lawrence habang inaalalayan ako paakyat nang hagdan.
Para akong nasusuka nang sabihin niya ang pagkain "Hindi na muna Lawrence mas gusto ko nang matulog, baka sakaling mawala ang hilo ko." Tumango nalang siya at umalis, nang makita ko siyang lumabas nang kwarto pumikit ulit ako. Maya maya lang naramdaman kong may umupo sa tabi ko dahil gumalaw ang kama.
"Babe..! babe..! tawag ulit niya, kung hindi ka kakain inumin mo nalang muna itong mainit na gatas nang mainitan yang sikmura mo."
Pinainom niya nga sa'kin hindi siya umalis sa tabi ko hangga't hindi ko naubos. Pagkainom ko nang gatas ilang minuto lang hindi ko namalayang nakatulog na ako. At umaga na nang magising ako.
Pag-gising ko wala na si Lawrence sa tabi ko, masakit pa rin ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako bumangon nanatili lang ako sa higaan.
Naisip kong huwag na munang akong pumasok nagayon tutal natapos ko na lahat yung mga exam namin. Result nalang ang hinihintay ko para kung sakali mang bumagsak ako hihingi nalang ako nang removal exam.
Pumasok sa kawarto si Lawrence, nakaligo na siya at nakabihis na rin, at may dala na ding almusal sa tray.
Ibinnaba niya yung tray nang pagkain sa table at lumapit sa’kin. "Babe! gising kana pala! kumain ka muna kagabi pa walang laman yang sikmura mo."
"Wala pa rin akong gana Lawrence."
"Kumusta ang pakiramdam mo nahihilo ka pa ba? Kung gusto mo dalhin muna kita sa hospital ngayon para machek-up ka bago ako pumasok?"
Naisip ko baka malate pa siya “Hindi na Lawrence huwag mo na akong alalahanin mawawala din siguro ito mamaya, may kailangan ka pang tapusin sa school kaya pumasok kana baka malate kapa."
"Hindi muna kita ginising kanina dahil alam ko masama pa rin ang pakiramdam mo. Huwag ka na munang pumasok ngayon babe! ako nalang ang magsasabi sa mga prof mo magpahinga ka nalang muna dito sa bahay."
"Oo sige Lawrence salamat, mag-iingat ka sa pagpasok ah." Tumango lang siya sa’kin at umalis na.
"Ibibilin nalang kita kay Manang Sol. kung may kailangan ka sabihan mo lang siya o kaya tawagan mo ako ah." tumango nalang ako bilang tugon. Hinalikan muna niya ako bago siya mabilis na umalis.
Paglabas ko nang kwarto tinawagan ako ni Manang "Mam Gianna! may tumawag po sa inyo kanina nasa banyo po kasi kayo kaya ako nalang po ang sumagot."
"Sino po Manang?"
"Hindi ko rin po kilala Mam hindi rin sinabi kung sino po siya, pinapasabi lang po niya na magkita daw po kayo ni Sir Lawrence."
Pagbanggit nang salitang Lawrence natuwa ako "Saan daw po Manang?"
May binigay siyang papel sa’kin "Eto po mam sinulat ko nalang po yung address na sinabi niya baka kasi makalimutan ko pa."
"Sige po Manang, salamat" kinuha ko ang papel sa kanya at binasa ko. Sa isang hotel yung address na nakasulat at 3:00PM ang nakalagay na oras. Tinignan ko ang aras 2:30PM na kailangan kong magmadali dahil kalahating oras nalang ang natitira bibyahe pa ako baka malate ako at maghintay pa si Lawrence dun.
Habang nasa byahe napapaisip ako at kinakabahan rin. Bakit kaya hindi nalang niya ako tinext o kaya tinawagan sa cellphone? ko tanong ko sa sarili. Alam naman niya bago siya umalis kanina na masama pa ang pakiramdam ko.
Pagdating ko sa labas nang hotel palinga linga ako hinahanap ko ang sasakyan niya, kung nauna na ba si Lawrence sa'kin dahil late na ako nang 15minutes pero wala wala parin siya.
Naghintay pa ako saglit sa labas nang ilang minuto, nang magsimula nang umambon sa labas nagpasya na akong mauna na sa loob. Pag-pasok ko tinanong agad ako kung may reservation daw ba ako hindi ko naman alam ang isasagot ko, kaya tinanong nalang niya kung ano ang pangalan ko.
Pagkasabi ko "This way po Mam." sabi nang nag-assist sa'kin at hinatid ako hanggang sa table na nakareserve para sa’min. Umupo ako habang hinihintay si Lawrence, isang oras pa ulit ang lumipas wala pa rin siya, nagsimula na akong mainip.
Wala pa akong kain magmula pa kagabi hanggang kanina kaya kumakalam na ang sikmura ko. Uminom nalang muna ako nang tubig para mawala ang gutom ko.
Bigla akong napabalikwas nang bangon, tinignan ko kung nasaan ako bigla na namang sumakit ang ulo ko.
Kaya pala hindi pamilyar sa'kin ang silid nasa loob pala ako nang hotel. Ngunit paano ako napunta dito? Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog.
Pilit kong inaalala bago ako napunta dito. Ah si Lawrence! hinihintay ko nga pala siya ngunit parang wala naman siya, tinawag ko pa ang pangalan niya nang ilang ulit baka nasa banyo lang siya, pero wala talaga mag-isa lang ako sa silid na ito.
Mula paglabas nang kwarto hanggang nasa harapan na ako nang hotel iniisip ko pa rin kung bakit ako napunta sa loob. Ang alam ko nakaupo ako at hinihintay si Lawrence na dumating.
Naisipan kong tawagan si Lawrence pagkuha ko sa phone ko nakita kong meron siyang text dali-dali kong binuksan at binasa.
"LAWRENCE: Babe! Mauna ka nang kumain huwag mo na 'kong hintayin late na siguro akong makakauwi." nakalagay sa mensahe.
Gusto ko pa sana siyang tanungin kung dumating ba siya kanina nagdalawang isip ako.
Isa pa sa pinagtatakahan ko, alam kong busy siya at maraming ginagawa nitong mga nagdaang mga araw kaya bakit pa niya ako inaya dito ngayon?.
Madilim na nang makauwi ako nang bahay kaya dumeretso ako sa kusina dahil ramdam ko na ang kalam nang sikmura ko.
“Mam Gianna! Magandang gabi po.” Sabi ni Manang sa’kin.
“Magandang gabi po Manang.”
Naamoy ko ang niluluto ni Manang parang babaligtad ang sikmura ko kaya nagmamadali akong pumunta nang lababo para dun dumuwal.”
Napalapit sa gawi ko si Manang “Mam! Okey lang po ba kayo?” Tanong niya sa’kin nang may pag-aalala sa boses.
“Hindi ko po alam manang lagi pong masama ang pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw.”
“Baka dahil lagi po kayong nalilipasan nang gutom Mam!?”
“Siguro nga po.”
“Tamang tama nakapagluto na po ako Mam, kumain na po kayo kahit kaunti lang.”
Hindi rin ako nakakain dahil hindi ko gusto ang amoy nang niluto ni Manang. Ayaw ko namang sabihin sa kanya baka masaktan siya. Kaya kumuha nalang ako nang gatas sa ref at nilagyan nang mainit na tubig. Pagkatapos umakyat na’ko sa taas para makapagpahinga.
Habang nakahiga ako iniisip ko pa rin ang mga nangyari kani kanina lang. Kahit anong isip ang gawin ko wala pa rin akong mahagilap na sagot sa isipan ko kung bakit ako nakatulog sa loob nang hotel.