Chapter 38 ANG hindi ko sana pagpasok sa opisina ngayong araw ay hindi nangyari dahil tumawag si Mr Rodriguez, nalaman ko na pumayag si Gianna sa kondisyon binigay ko sa kanila at papasok siya ngayon sa opisina. Ilang araw na din nang huli kaming magkita at mula nang araw na ’yon muli na naman niyang ginulo ang isipan ko. Pumasok ako nang maaga kahit hindi pa nag-aalmusal. Malayo palang ako napansin ko na siya, kilalang kilala ko ang kabuuan niya kahit nakatalikod pa siya. “G-Good Morning S-Sir!” Huminto ako sa kanyang harapan at malaya kong napagmasdan ang kanyang magandang mukha, ang mukhang kay tagal nagpagulo at muling gumulo sa isipan ko. “Okey ka lang Miss Torres? Para ka kasing kinakabahan.” “Yes S-sir!” “Pwede mo ba akong ipagtimpla nang kape?” wala akong maisip na iba ka

