Chapter 37 LDR CORPORATION Nakasulat sa taas nang malaking gusali pagbaba ko nang taxi, kinailangan ko pang sumakay nang taxi dahil malayu layo ito sa bahay. “Yes Mam?” sabi nang receptionist nang mapansin ako sa loob. “Miss Torres?” Narinig kong tinig mula sa likuran ko, ang secretary ni Lawrence ang nakita ko nang lumingon ako, nakalimutan ko lang kung ano ang pangalan niya. “Ako na ang bahala sa kanya Miss Ava” sabi niya sa receptionist. “Okey po Mam.” Tahimik akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko matandaan ang pangalan niya. “Ikaw si Miss Torres hindi ba?” nang nasa harapan ko na siya. Tumango ako “Pasensya kana Miss nakalimutan ko kase ang pangalan mo.” tipid siyang ngumiti. “Miss Laiza Castro, secretary ni Mr Lawrence Dela Rama.” Pagpapakilala niya. “Magka

